Chapter Six

1076 Words
SUMI's POV Diyos ko! Anong nangyayari sa anak ko? Bakit bumabalik na naman sya sa dati? Nasasaktan ako kapag nakikita ko syang ganito. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa kanya. Naaawa ako sa kanya. Hindi naman sya dating ganito. Hinawakan ko ang mga kamay nya habang nakatulalang nakatingin sya sa sahig. Nadudurog ang puso ko sa sitwasyon nya. "Anak, ano bang nangyayari sayo? Akala ko ba okay ka na? Akala ko ba babalik ka sa dati kapag nakasama mo na sya? Nahihirapan akong makita kang ganito. Please. Magpagaling ka." Tinitigan nya ako ng masama. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpapalaki sa kanya. Sobrang bait nya at maalaga sya sa katawan pero ngayon, ang layo nya sa dating sya. "Misis Kim, may bisita po ang anak nyo." Sabi ng babaeng pulis. Tumango ako. "Oh, anak. May bisita ka raw. Behave ka lang huh?" Hinawakan ko ang pisngi nya. Sa narinig nya, nagkaroon ng kulay ang mukha nya. First time nyang makaroon ng bisita kaya sobrang saya ko na may nakakaalala pa sa kanya kahit na ganito ang kinikilos nya. "Tita Sumi?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Kahit gulat ako na nandito sya, nginitian ko sya. "Anak, behave lang ha? Nandito na ang bisita mo." Binalingan ko ang bisita nya. "Hijo, ikaw muna ang bahala sa kanya. Babalik ako." Alam kong nagulat sya sa nakita. Gusto ko mang sabihin ang totoo sa kanya, hindi ko magawa dahil sa nakikita kong masaya ang anak ko sa kanya. Nagagawa nyang normal ang anak ko sa presence nya. VINCENT LEE's POV Pumunta ako sa presinto kinabukasan para makita ang suspek at maghain ng kaso. Bakit may mga taong mahilig idamay ang mga inosente sa mga kalokohan nila? Binigyan sila ng lisensya para magdrive ng maayos pero hindi para magpahamak ng iba! "Nasaan ang suspek?" Bungad ko pagkapasok sa headquarters ng mga pulis. "Sir, sumama po kayo sa amin." Hindi makatingin sa akin ang pulis. Nagtatakang sumama ako sa kanila. Sigurado ba sila na pupuntahan naming ang location ng suspek?Kailangan daw naming sumakay para lang mapuntahan ang suspek. Bakit? May special treatment ba para sa suspek na yon? Mayaman ba sya? Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking building. Nakakunot noong tinignan ko ang pulis. "Mental hospital?" "Opo, sir. Pumasok na po tayo sa loob." Sabi ng pulis at sinundan ko sya papasok sa lugar na iyon. Mental hospital? Hindi kaya, pinagttripan lang ako ng mga pulis na to? Di ba dapat ang mga nagkakasala sa batas ay sa presinto ang punta? Eh bakit ang sinasabi ng pulis na ito ay nandito ang suspek? "Sir, nandito na po tayo." Binuksan ng pulis ang maliit na bintana ng isang kwarto. Sinilip ko ito at nakita ang isang babaeng nakahawak sa pisngi ng isang babaeng nakaupo sa kama. "Tita Sumi?" Nagtataka kong tanong. Bakit sila nandito? At bakit nandito si Yel? "Anak, behave lang ha? Nandito na ang bisita mo." Bilin ni tita sa anak nyang nakayuko. Binuksan ng pulis ang pinto at lumabas si Tita Sumi. "Hijo, ikaw muna ang bahala sa kanya. Babalik ako." Naguguluhan ako sa nangyayari. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Yel. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi sya ang Yel na nakilala ko. Ibang iba. "Yel." Sambit ko. Ngumiti sya na parang bata. Is she the Yel I love? Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi nila Kuya Jordan at Andrew sa amusement park. "What happened to you?" Malungkot ko syang tinignan. I never imagined na ganito ang makikita ko. Everytime I'm with her, normal syang kumilos, hindi ganito. Matagal na bang alam ng mga kapatid ko ang tungkol kay Yel? Girlfriend ko sya pero bakit di ko alam? "Mr. Lee, sya po ang suspek sa aksidente ni Miss Villa. Natagpuan po namin ang kotse nya sa isang lumang factory malapit sa presinto. May nakapagturo po sa amin na sya ang suspek." Sabi ng pulis. Nilingon ko si Yel na nilalaro ang manika. Naaawa ako sa kanya. Anong aasahan ko kapag tinanong ko si Yel kung bakit nya yon nagawa? Bakit iba sya ngayon? Bakit di nya sinabi sa akin ang totoo? Sasagutin nya ba ako ng maayos? Hindi di ba? Kasi may sakit sya! May sakit sya! Damn! I want to know how it started. I want to know kung bakit normal naman sya kapag magkasama kami. Many questions are invading in my mind. "Salamat hijo sa pagbabantay sa kanya." Tita said habang nilalagay ang bag na dala nya sa upuan. Bumalik na sya. Should I ask her now? Yes, I should. It's making me crazy kapag di ko pa tinanong. "Tita, can we talk?" I said. She looked at me na parang sinisiguro kung dapat nya ba akong kausapin. Lumapit sya sa pwesto ni Yel na umiiyak dahil naputol ang kamay ng manika. "Baby girl, anak. We will fix that later, okay? Don't cry." Parang batang ninakawan ng lollipop na tumingin si Yel kay Tita. Cute para sa akin ang ginagawa ni Yel pero pag naiisip ko ang condition nya, naaawa ako. Pinipiga ang puso ko. Pumunta kami ni Tita Sumi sa coffeeshop na malapit lang sa hospital. "Tita." "I know your confused. Pero sana ay maintindihan mo kung bakit hindi ko sinabi sayo. It hurts to see Yel in that situation. Masakit para sa akin na isang magulang na ang anak nya na hindi kumikilos ng normal." Maluha luhang sabi ni tita. RHEA VILLA's POV Hanggang ngayon, tulog pa rin si Sunny. Sobrang nag-aalala ako kahit galos at bali ang natamo nya. Bigla kong naalala ang sinabi ni Vincent tungkol sa amnesia ni Sunny. Makasarili man, pero ayokong bumalik ang alaala nya. Namimiss ko na ang dating sya pero natatakot din ako kapag bumalik na ang lahat ng alaala nya. Masasaktan sya, masasaktan kami. "Ma." Nilapitan ko si mama. Nakita kong nag-aalala sya sa para kay Sunny. Ganoon din si papa. "Anak, natatakot ako." Tinignan nya ako. Mukhang pareho kami ng nararamdaman. Natatakot sya sa mangyayari. "Ako din ma." "Gusto kong gumising na sya. Pero paano kapag bumalik na lahat ng alaala nya? Ayokong magalit sya sa atin. Di ko kaya." Niyakap ko si mama. Lahat kami natatakot sa mangyayari. Gusto kong maging makasarili. Gusto kong hilingin na wag nalang bumalik ang alaala nya. Alam kong hindi pa sigurado kung babalik nga ang alaala nya kapag nagising na sya pero paano kung bumalik ang lahat? Ituturing nya pa rin ba kaming pamilya o kasusuklaman nya kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD