Chapter 50:Mrs. Llaneza Lumabas ako sa kwarto na pinag ii-stay-an ko nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Anne sa harap ko. "Erianne!" Napayakap ako sa kanya. "Gosh! I missed you, girl!" masayang anito. "How are you!?" excited na tanong ko nang humiwalay ako mula sa yakap namin. "Akala ko ba hindi ka makakapunta!?" Ngumiti ito sakin at pinapasok ko naman ito sa loob. "Siyempre pupunta ako, 'no! Baka kasal mo 'to! Ako pa ba, hindi pupunta? Duh!" Natawa siya. "Ang hirap ng buhay ko d'on, jusko!" "Bakit naman ang hirap ng buhay d'on at kailan pa naging mahirap ang buhay sa New York!?" taas kilay na tanong ko. "Mahirap kasi walang jowa! Lahat na lang ng nadadaanan ko puro may jowa! Jusmiyo!" Natawa ako. "Buti naman naka survive ka, and buti n

