Chapter 51:Signs? Nagising ako nang may maramdaman akong mainit sa pisngi ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mga kamay ni Vin na nasa pisngi ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang dahan-dahang tinatanggal ang mga kamay n'ya para hindi s'ya magising. Dahan-dahan akong tumayo at agad na tumakbo papasok sa bathroom. "Jusme..." bulong ko at ginawa ang mga morning rituals ko. "Anong nangyari?" "Anong feeling?" "Masakit ba?" Napatampal ako sa noo ko dahil sa mga tanong n'ong tatlo. "Umayos nga kayo," inis na sagot ko. Nasa baba kami para kumain. Tulog pa yata sila Mommy pati na rin ang iba. Tulog pa rin si Vin kaya bumaba na lang ako at naabutan ko 'tong tatlo. "O, bakit? Tinatanong lang namin 'yong nangyari sa inyo," natatawang depensa ni Anne. "May nangyari nga ba?"

