Chapter 52:Two Red Lines Isang linggo na ulit ang nakalipas at medyo naging okay na ang kalagayan ko simula n'ong nahimatay ako sa office ko. Dinala na lang nila ako sa bahay at 'di na pinadala pa sa ospital dahil inibilin ko na sa kanila 'yon. Ayaw kong magpadala sa ospital. "Baby?" Narinig ko ang pagbukas ng pinto at iniluwa naman nito si Vin. Ilang araw na 'kong hindi nakakapasok sa office dahil ilang araw na din akong nilalagnat. Ewan ko ba pero ang sama-sama talaga ng pakiramdam ko ngayong week. Nakakapagtaka lang din kasi di pa ako binibisita ng pang-buwanang dalaw ko. Naghihinala na talaga ako, sheez! Tumabi s'ya sa tabi ko at nakapolo pa rin s'ya. Mukhang kakauwi n'ya lang galing sa VEU. "Mmm?" I asked. Nanatili lang akong naka

