Chapter 53:Annabelle Pagkapasok ko sa bahay ay may agad na gumuhit sa ilong kong amoy. Pumasok ako sa loob at dumeretso sa kusina. Napatakip ako sa ilong ko at nakita ko si Vin na nakatalikod sa direksyon ko habang nag-uusok naman sa kusina. "Ano 'yon? Ang baho!" reklamo ko. Napaharap s'ya sakin at agad na kumunot ang noo. "Bistek, and what? Mabaho? Ang bango kaya, baby." Lumapit ako sa kanya at tinignan ang niluluto n'ya. "Ayaw ko nyan! Ayaw! Ilayo mo sakin 'yan!" inis na sabi ko. Kunot noo s'yang tumingin sakin. "Sa garlic ka yata nababahuan, e." "Ayaw ko nyan!" inis na sabi ko. "Pero, baby..." "Bahala ka dyan!" Padabog akong umalis d'on at umakyat sa taas. Agad akong nagbihis ng PJs. Nang matapos akong magbihis ay dumeretso ako sa veranda para magpahangin. Napatingin akong mu

