Chapter 43:Takas "So, what's your plan, hijo? Anong magagawa mo para sa apo ko? Do you think you're deserving na maging husband n'ya?" sunod-sunod na tanong ni Lola kay Arvin. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatingin nalang kay Vin. Pinasadahan n'ya muna ako ng tingin bago tignan si Lola. "Yes, Ma'am. I'm deserving po para sa apo n'yo. Sa tagal-tagal ko s'yang pinangarap ay natutuwa ako dahil sa wakas ay nakuha ko s'ya. Bibigyan ko s'ya ng magandang buhay at ipinapangako ko na mamahalin ko s'ya nang higit pa sa inaakala n'yo. Hinding-hindi ko po sasaktan ang apo n'yo kaya please trust me po 'cause I really love your granddaughter, Ma'am," mahabang litanya nitong sagot kay Lola. Napayuko ako at napangiti sa sagot n'ya. Tumingin ulit ako sa kanila at napalunok nang makitang nakatin

