Chapter 42:GrandParents "Ma'am?" Nagbalik ako sa realidad nang marinig ko ang pagpitik ni Lieniel sa mga daliri n'ya. "Ah, a-ano 'yon?" "Kanina pa po kasi kayo tulala. May problema po ba?" nag-aalalang tanong n'ya. Napatingin akong muli sa table nila Raña at patuloy lang ang pag-uusap nila n'ong mahal n'ya. "W-Wala naman." Pinagmasdan ko lang silang dalawa. Hindi ko lubos-lubusang maisip kung bakit ako nagkagusto dati sa taong 'to. Maybe, sa sobrang sweet at caring n'ya, unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya. Kaso sa kasamaang palad, 'di n'ya ako sinalo kasi may kalong-kalong na s'yang iba, sii Marie. Kaso 'di n'ya naman nakatuluyan pero nakilala n'ya naman 'tong si Kristine. Sabi n'ya dati, mahal na mahal n'ya raw si Marie kaya hihintayin n'ya daw ang pagtatapos nila pero nga

