Chapter 36:Konsensya Nang makapasok kaming dalawa sa bahay ay saktong naabutan namin si Manang na nagpupunas ng mga frames kaya naman napatingin s'ya samin at agad na ngumiti. "Kanina pa kayo hinihintay ng mga magulang n'yo kaya pumunta na kayo d'on," nakangiting ani Manang. "Sige po, bihis lang ako." Tumingin ako kay Vin. "Dito ka lang bihis lang ako." "Ee? Sama na 'ko sayo." "'Wag na. Bababa rin naman ako, e, 'wag ka na sumama.." "Ee, bahala ka dyan, sasama ako sayo." I rolled my eyes and let him come with me. Pagka-akyat ko sa kwarto ay pumunta na agad ako sa walk in closet ko at kumuha ng damit. "Dito ka lang. 'Wag na 'wag kang magkakamaling pumasok sa bathroom kung ayaw mong kotongan kita," banta ko at natawa naman s'ya. "Yes, Ma'am." Nag-salute pa s'ya kaya naman inirapan k

