Chapter 37:She's Back Hindi ko alam kung bakit wala si Arden dito. Wala rin si Kuya. Basta ewan. Umupo ako sa tabi ni Vin at hinawakan n'ya naman ang mga kamay ko sa ilalim ng table kaya napatingin ako sa kanya. He just smiled. "Yea, oo. Nakita ko kahapon." Narinig kong sabi ni Mommy kay Tita kaya naman kumunot ang noo ko. Anong nakita? Nag-serve na si Manang ng mga foods kaya naman nagsi-ayusan na sila ng upo. "Ano na naman 'to, Mommy? Bakit may pa-call ka na naman? Inaantok na 'ko, e," sabi ko at napahikab. "We'll plan about you and Arvin's wedding." Literal na napanganga ako sa sinabi ni Mommy. "What?! Bakit parang ang bilis?!" gulat na tanong ko. "Ayaw mo ba n'on?" si Vin. Nagkatinginan si Daddy at si Mommy kaya naman blangko akong tumingin sa kanila. "Yes, Cat, para madali

