Ika labing dalawa na Kabanata

1446 Words
Hahalik ng pamamaalam na sana sa kanya si Moises ng biglang may magsalita palabas ng gate. "Bakit ngayon ka lang? At sino ang lalakeng yan, Didi?" "T- Tay!" Pakiramdam ni Edna ay pinagsakluban sya ng langit, pagkarinig sa galit na boses ng kanyang Ama, nahiling nyang sana lamunin na lang sya ng lupa, o maglaho na lang syang bigla, para di makita ang galit sa mukha ng Tatay nya. Mas lalong lumakas ang kaba ng dibdib nya ng magsalita pa si Moises. "Magandang gabi ho, Sir! Ako po si Moises." Lumapit pang kanyang Itay kay Moises, sinuri ang binata mula ulo hanggang paa. "Umuwi kana! Ayokong makita pa ulit yang pagmumukha mo dito." Bastos man o hindi ang pinakitang asal ng kanyang Itay. Ama nya pa rin ito, di nya maawat kasi, ang laki ng takot nya dito at higit ang respeto. "Hinatid ko lang po ang anak nyu.. Wala po akong masamang hangarin sa kanya." "Hindi ko kailangan ang paliwanag mo. Umalis kana at wag na wag ka ng babalik pa dito!" May diin ang boses na tila nagbabanta ang kanyang Ama sa binatang saglit na natigilan. Akmang sasagot na ito ng hilahin ni Edna sa braso palayo sa kanyang Itay. "Umalis kana! Wag mo ng dagdagan pa ang kanyang galit." "Pero, baka saktan ka nya!" Napapiksi si Edna ng pasigaw syang tinawag ng kanyang Ama. "Didi, pasok! Pumasok kana sa loob ng bahay!" "O- opo! Tay!" Tinulak nya paalis si Moises, pero hindi ito natinag sa pagkakatayo, bagkus hinawakan pa sya nito sa braso. Na ng makita ng kanyang Ama mas lalo pa itong nagalit. Yung biglang lapit ng kanyang Tatay kay Moises kasabay nun ang pag igkas ng kaliwang kamao nito. PAK Sapul sa mukhang napaatras si Moises sa lakas ng impact ng pagkakasuntok dito. Nabitawan nitong braso ni Edna, na gulat na gulat din sa ginawa ng kanyang Ama. "Tay!" "Paalisin mo na yan! Kung ayaw mong magkagulo tayo dito!" Pigil ang pagtulo ng kanyang luha, dinaluhan nyang kasintahan na natulala sa bilis ng pangyayari. Kung si Edna lang ang sinaktan, okay lang yun sa kanya, kasi sanay na sya sa ugali ng kanyang Ama kapag galit ito. Nasa katwiran ka man o hindi, wala ka ring magagawa, dahil ito pa rin ang nasusunod at palaging tama. "Umalis kana! Sige na! Saka na lang tayo mag usap!" "Pero... !" Tinakpan nyang bibig ni Moises, saka patulak na pinaalis bago pa pumatak ang kanyang mga luha sa harapan nito. Nahihiya sya sa totoo lang.. pero higit ang sakit at hinanakit na kanyang nararamdaman. Bakit ganun! Masama bang mag mahal? Eh, nasa tamang edad na naman sya, saka may trabaho na rin at nakakatulong sa kanilang pamilya. Bakit ang mga kapatid nya pwede! Bakit pagdating sa kanya, hindi pwede! Anubang pagkakaiba nya sa kanyang mga kapatid? Hindi naman sya nagpapabaya.. Ginagawa naman nyang mga obligasyon nya sa kanilang pamilya.. Bakit ba pakiramdam nya ay kulang at di pa rin sapat ang lahat ng pagsisikap nya. "Didi! Pumasok kana!" Sunod sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha habang pinagmamasdan si Moises palayo. Naninikip ang kanyang dibdib. Di mawala sa kanyang isipan ang nabakas nyang sakit at panlulumong nabasa nya sa mukha nito kanina. Kahit na naririnig nyang galit na boses ng kanyang Ama, nagbingi bingihan sya. Nais nya pang pagmasdan ang binata sa huling pagkakataon, ramdam nya kasing simula sa gabing ito ay magbabago na naman ang takbo ng kanyang buhay. 'Paalam Onyok, hanggang sa muli nating pagkikita, mahal ko!' Ng tuluyang dina maabot ng kanyang tingin ang binata. Nakayukong pumihit sya paharap sa kanyang Ama, walang imik syang naglakad papasok ng gate at dere deretsong pumasok ng kanilang bahay. Dipa nga sya nakakapasok ng kanyang silid, rumatsada na naman ng sermon ang kanyang Ama. "Nakapag aral ka naman, bakit dika nakaka intindi?" "T- tay!" "Anong kinabukasan ang naghihintay sayo, kapag ang lalakeng yun ang pinatulan mo? Mag isip ka nga!" "Tama na yan, Hernan! Hayaan mo na lang yang Anak mo! Malaki na yan, alam na nyang tama at mali!" "Hindi! Dese nuebe pa lang ang Anak natin Deling, ayokong mapariwara ang kanyang buhay dahil lang sa lalakeng yun!" Nahabag sya sa kanyang sarili sa sinabing yun ng kanyang Tatay. Wala talaga itong tiwala sa kanya, buti pang kanyang Nanay, alam kung ano at saan sya masaya at liligaya. "Hindi na bata yang Anak mo Hernan, kaya hayaan mo na lang sya!" Dahan dahan syang pumasok sa kanyang silid habang nag uusap ang kanyang mga magulang. Abala ang kanyang isipan kung anubang magagawa nya para hindi tuluyang masira ang pagsasama nila ni Moises. 'Siguro mas mabuting iwasan ko muna sya, hintayin ko munang makalimutan ni Tatay ang tungkol sa kanya. Para walang g**o at wala ng masaktan pa!' Iinot inot syang nagpalit ng damit saka humiga na. Nais na lang nyang itulog ang pagkahapo at sakit na kanyang nararamdaman. Pagbukang liwayway, ibang buhay na naman ang kanyang tatahakin. Kelangan nya ng ibayong lakas para makayanan ang bagong pagsubok na kanyang haharapin. ?? Palabas pa lang ng kanilang bakod si Edna, nasulyapan na kaagad nya si Moises sa kabilang kalsada. Kaagad nyang iniwas ang kanyang tingin ng makita ang pag ngiti nito sabay kumaway pa sa kanya, napabuntung hininga na lang syang naglakad patungo sa pinapasukan nyang tindahan. "Di.. !" Nagbingi bingihan sya sa pagtawag ni Moises sa kanya. Deretso lang ang kanyang tingin at mas binilisan pang paghakbang. Mula sa gilid ng kanyang mata, nakita nyang patakbong paglapit ng kasintahan sa kanya. Halos takbuhin nyang pagitan ng nilalakaran at ng tindahan wag lang syang abutan ni Moises. Kaso sadyang mas mabilis kumilos ang binata na mahahaba ang biyas, kumpara sa kanya na ang tatlo nya yatang hakbang, ke Moises ay isa lang. "Hoy! Kanina pa kita tinatawag!" Napilitan syang harapin ito ng biglang humarang sa kanyang daraanan si Moises. "May problema ba tayo? Bakit pakiramdam ko'y iniiwasan mo yata ako? May nagawa ba akong dimu gusto? Sabihin mo naman sakin kung may mali akong nagawa para maayos ko?" Pinagmasdan nyang nakakunot na nuo nito, may konting pawis na namumuo roon, halata ang pagkabalisa at katarantahan nito. Sa mga panahong nakasama nya ito, naging makulay at makabuluhan ang paglipas ng bawat araw sa kanya. Ni minsan di sya binigyan ng sama ng loob ng binata.. Lahat ng maibigan, magustuhan at naisin nya.. Nakukuha't nakakamit nya ng walang kahirap hirap, dahil kay Moises na gagawin ang lahat mapasaya't mapaligaya lang sya. "Onyok, intindihin mong sasabihin ko sayo ha!" Ayaw nya itong saktan, pero kinakailangang may gawin sya para dina ito pag initan ng kanyang Ama. "Mas mabuti sigurong dina muna tayo magkita." "Anubang sinasabi mo dyan?" Napayuko sya ng agad hawakan ni Moises ang kanyang mga kamay. Nanginginig ang mga kamay nito, nanlalamig at namamawis. "Ayoko lang kasing palaging nagagalit ang Itay ko, ang hirap alam mo ba yun? Ngayon lang nangyari ang ganito. Ang mawalan sya ng tiwala sa akin." "Ako ba ang dahilan?" Panu ba nya sasabihin ang lahat dito ng hindi ito lubusang masaktan. Pero kahit na anupang paraan ang gawin nya, alam na alam nyang ang kahihinatnan nilang dalawa ay hiwalayan. Pero yun sana ang ayaw nyang mangyari sa kanilang dalawa. Kaya lang sa sitwasyon nila ngayon, mas makakabuti para sa lahat ang naisip nyang paglayo kay Moises. "Alam kong alam mo ang estado natin ngayon sa Tatay ko, wag na nating paguluhin pang mga buhay natin.. Umiwas na lang tayo, kasi yun ang nararapat nating gawin, naiintindihan mo ba ako?" Bumitaw sya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay. "Para yun lang, sumusuko kana agad? Andito ako oh! Magkasama tayo.." "Habang magkasama tayo lalo lang gugulo, at hindi ko magagawang suwayin ang Tatay ko!" Napaatras sya ng subukang hawakan ulit ni Moises ang kanyang kamay. "Edna, ipaglaban mo naman ako! Ipaglaban mo naman kung anong meron tayo!" Nagsusumamo ang mukha ni Moises. Di gaya ng ipinapakita nyang mukha na kabaliktaran dito. Kelangan nyang maging matigas.. ngayon nya mas higit na ipakita sa binata ang determinasyon nyang mapalayo ito sa kanya. "Hindi ko magagawa ang hinihiling mo!. Isipin mo ng makasarili ako, o walang puso't damdamin sa ginagawa kong ito.. Pero mas mahalaga sakin ang Pamilya ko! Pasensya kana Onyok, hanggang dito na lang ang kaya ko." Hindi na nya hinintay pang sagot nito, taas noo syang naglakad at nilampasan ang binatang natitigilan sa kanyang mga sinabi dito. Habang naglalakad sya palayo dito, ramdam nyang sakit sa dibdib.. Sana lang hindi nya pagsisihan ang naging desisyon nya.. na mas pinili nyang pagbigyan ang kanyang Pamilya.. na mas ginusto nyang katahimikan kesa ang piliin nya ang taong nagbibigay ng kasiyahan at kaligayahan sa buhay nya. 'Paalam Moises.. Paalam kaligayahan ko!...' 💃MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD