Ika labing isa na Kabanata

1331 Words
"Totoo bang may boyfriend kana? At ang pangalan nya ay Moises?" Napahinto sa kanyang ginagawa si Edna ng marinig ang tanong ni Dorie, ang nakakatanda nyang kapatid, actually isang taon lang naman ang agwat ng edad nila. Di sila magkasabay na lumaki, kasi kinuha ito ng mga Lolo't Lola nila dahil napaka sakitin nito, at di kayang sabay silang alagaan ng kanilang Nanay. Kaya bata pa lang ito ng mawalay na sa kanilang pamilya, ngayon lang ulit ito napasyal sa kanila at ito nga nang iintriga na kaagad ang hitad. "Bakit! kilala mo?" "Oo! schoolmate ko sa Fort San Pedro. Lam mo bang maloko yan ha!" Napaharap syang bigla sa kapatid na maganang kumakain ng manggang hilaw, sinasawsaw pa nito sa ginisang bagoong. "Panong maloko?" Sumubo muna ito ng mangga bago sumagot. "Basagulero! Barumbado! Sakit ng ulo! Ganun! May ka grupo syang wala ng ginawa kundi manggulo, palaging napapaaway.." "Sus! Parang hindi naman.. mabait kaya yun." Depensa nya.. Syempre! Syota na yung pinag uusapan eh! Dapat lang na ipagtanggol nya. "Totoong sinasabi ko sayo! Kahit itanong mo pa sa kanya!" May diing sagot naman nito sa kanya. Ng sa biglang sumabat si Nene sa usapan nilang dalawa. "Wag mo ng siraan 'Te Dorie! Lablyf nya yan, bakit dimu na lang suportahan ang kaligayahan ng kapatid natin!" Nabaling tuloy ang atensyon ni Dorie sa nakababatang kapatid. Maangas talaga ang datingan nito. Matalas ang dila.. Astig pang pomorma. "Abah! at anong alam mo sa usaping ito ha? Wag mong sabihing kumekerengkeng kana rin, tatamaan ka sakin!" "FYI! Hindi na'ko uhugin, para hindi maintindihan ang nais mong gawin ni Didi nuh!" "Aba't sumasagot kana ngayon ha!" Napatayo bigla si Dorie at akmang hahablutin ang buhok ni Nene ng mabilis itong nakaiwas. Lalo tuloy itong nanggigil sa ginawa ng nakababatang kapatid. "Lamog na nga ako sa palo ni Tatay, durog na sa sipa't sampal ni Instik na adik, tapos dadagdag kapa? Abah! sumusobra na kayo ah! Anong akala nyo sakin punching bag?" Palipat lipat ang tingin ni Edna sa dalawa nyang kapatid na nagtatalo. Ayaw nyang kumampi sa kahit na sino sa dalawa. Kasi, parehas lang naman na maldita at bruhaha, kaya audience na lang ang papel nya, saka mas magandang manood na lang sya kesa umeksina pa, baka ending mas mapasama pa sya't madamay sa sagutan nung dalawa. "Kasalanan mo kung bakit ka nasasaktan! Napakatigas kasi ng ulo mo! Kala mo diko alam na nag aadik ka't kasapi ng fraternity sa school nyu ha?" "Wala kang alam sa takbo ng buhay ko! Kaya wag mo'kong pakialaman! Kasi, ako kahit kelan hindi ako nakialam sa mga buhay nyu, lalo na sa'yo! wag kang magmalinis dahil may baho ka ring itinatago." Di nagpapasindak na sagot ni Nene kay Dorie na mas lalo pang nanggalaite sa galit. Kahit si Edna natameme sa mga naririnig na sagutan nung dalawa. "Aba't sumusubra kana ah! Sumasagot kana sakin ngayon? Ano lalaban kana? Kaya mo na'ko ngayon ha?" Akmang sasampalin na nitong nakakabatang kapatid ng matigil sa ere ang kamay nito ng manlisik ang mga mata ni Nene. "Ba't dimo subukan? ng malaman mo kung panu ako pumatol sa mga kagaya mong basta basta na lang nananakit ng wala sa katwiran.. Sige, sa oras na lumapat yang palad mo sa pisngi ko... Makikita mong totoong kulay ko.. Ang batang puro na lang pasakit ang ipinalasap at idinulot nyu!" Dun na umawat si Edna. "Tama na! tumigil na kayong dalawa!" Sa walo silang magkakapatid, hindi nya nabatid ang mga ugali ng bawat isa sa kanila.. Kasi nagkawatak watak na silang magkakapatid dahil sa hirap ng buhay. Kaya nagkanya kanyang diskarte na lang sila, para di makabigat sa mga magulang na ang hanap buhay ngayon ay pagtitinda ng prutas, balot at lambanog. Simula kasi nung ikinasal ang kanilang mga magulang, tumigil na sa pagpu pulis ang kanilang Ama, yun ang naging kondisyon ng kanilang Ina para pumayag ito sa kasal na inaalok ng kanilang Ama. Pero, hindi ibig sabihin nun na hindi nito mahal ang katipan, ayaw lang nitong mamuhay sa takot at pangamba kapag nasa trabaho ng mapapangasawa. Kaya simula nun, kung anu anong trabaho ng pinasok ng kanilang Ama na sinusuportahan naman ng kanilang Ina. Hanggang sa biniyayaan sila ng walong Anak. Ang panganay na si Nanie, high school lang ang natapos, nagtrabaho kaagad ito para mapag aral sa college ang pangatlo sa kanilang magkakapatid na si Candy, nagwo working student din ito para may pang allowance at ng hindi na lang maiasa lahat ng gastusin sa panganay nilang kapatid. Ang pangalawa naman na si Instik ang black sheep ng pamilya nila ay pagala gala lang kasamang mga kabarkada, ang pang apat na si Dorie ay high school graduate lang din, Ang dalawang kapatid nya na'to ang kinuha ng Lolo at Lola nya para alagaan at gabayan, pero totoo nga siguro ang kasabihan na.. Kapag laki sa Lolo't Lola, spoiled at laki sa layaw. Si Edna ang panglima, na highschool lang din ang natapos at nais nya din sanang mag kolehiyo, pangarap kasi nyang maging teacher.. Pero sa kakaantay sa pangatlong kapatid na nangakong papag aralin sya, namasukan muna syang tindera sa mag asawang Chinese.. Mabait naman ang kanyang mga amo kaya nagtagal sya dito. Ang pang anim ay si Nene, nag aaral ng highschool sa isang public school. Sumunod dito ay si Ghing na nasa elementary pa lang at ang kanilang bunso na si Jr na tatlong taong gulang pa lamang. Ang tatlong ito ang naiwan sa kanilang mga magulang. "Okay lang naman mag syota ka, pero utang na loob.. wag na wag lang dun kay Moises, naiintindihan mo ba ako ha?" Kunot nuong napabaling sya ng tingin kay Dorie. 'Nubang problema nito? Ba't ba mainit ang dugo nito kay Onyok?' "Wag kang makinig sa kanya! Basta! Kung san ka masaya dun ka! Nasa likod mo lang ako 'Te, susuportahan kita!" Napasunod na lang sya kay Nene, ng hawakan nitong kamay nya't hilahin sya palabas ng pintuan. Nakasalubong pa nila sa labas ng bahay ang kanilang Ama na kararating lang galing sa pagbi bisekleta. "Alis na po kami Tay!" Aniya. Tumango lang ito sa kanilang dalawa. "San lakad mo?" Baling nyang tanong sa kapatid. "Sa skwelahan! San paba ako pupunta?" "Yung totoo?" Napabuntong hininga pa ito bago sya sinagot. "Sa skwelahan nga..." Pinandilatan nya ito ng kanyang mga mata. "... Kasi naman eh! Tsk... Lalakwatsa!" Nagkamot ito ng leeg, saka umiwas ng tingin sa kanya.. Ng bigla itong napangisi, bumalik ang tingin sa kanya saka may inginuso sa kabilang kalsada. Napasunod tuloy ang tingin nya dito. Sa poste ng meralco, nakasandal dun at kumakaway sa kanya si Moises. "Jowa mo oh! Sige, alis na'ko! Babushh.." Pinara nitong paparating na jeep at dali daling sumakay. Nag thumbs up pa ito kay Edna ng tuluyang makaupo sa loob ng jeep. "Bilis ng isang yun ah!" Naiiling tinawid nyang kabilang kalsada, kinawayan nyang kasintahan na ngiting ngiti sa kanya. Habang naglalakad ito palapit sa kanya, naisip nyang sinabi ni Dorie. 'Basagulero! Barumbado! Sakit ng ulo?' Mula ulo hanggang paa nyang sinuri ng tingin ang kabuoan ni Moises. 'Hmm... Parang hindi naman! Wala sa hitsura nya eh! Magaan ang loob ko sa kanya... saka, panu ako liligaya kung nag uumpisa pa lang kami eh, isusuko ko na sya kaagad?' "Pasyal tayo!" Yaya nito sa kanya. "Saan naman! Sa plaza ulit?" Nakangusong tanong nya dito. "Sa Guimaras!" "Ha! Anlayo naman.. tawid dagat pa!" "Maganda dun.. siguradong mag eenjoy ka!" Hinawakan nitong kanyang kamay, saka may pagsuyong hinila na sya papuntang sakayan ng jeep. 'Puno ng surpresa talaga ang lalaking ito! Nakakatuwang pag e effort nya mapasaya lang ako!' Napababa ang kanyang tingin sa kamay nyang mahigpit na hawak ni Moises. Kaya mabilis na nahulog ang loob nya dito, dahil sa kalambingan ng binata. Kahit na ngang pihikan nyang puso, napaamo at napasunod nito. 'Hay.. totoo ngang gumagalaw ang pag-ibig sa mahiwagang paraan..' Yan ang katotohanan na kanyang natuklasan at napatunayan. Dahil ramdam nyang pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay, simula ng makilala nya si Moises. 💃MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD