"Binibini huwa'g kang tatalon." ng marinig ko ang boses nayun bigla akong napaatras sa pagtalon ko
"Marahil hindi mo alam na delikado ang lawa, baguhan kalang ba sa ating baryo." madilim ang paligid kaya hindi ko makita kong sino ang nagsasalita hanggang sa lapitan ako nito at unti unti ko siyang natatanaw
"Binibini mabuti pa ay umuwi kana sa iyong tirahan, dahil alas otso na ng gabe." Nagulat ako ng makita ko ang muka nito
"K-kalix ikaw bayan?" tuwang saad ko at nilapitan ito dahil sa tuwa
"Kalix andito kalang pala kanina pa kita hinahanap i knew it ikaw yung nakita ko sa kalesa kanina." pagyakap ko dito at napansin konaman na hindi ito kumikibo
"Ipagpaumanhin mo binibini ngunit pwede kobang malaman kong ano ang ibigsabihin ng iyong ginagawa." pagtanggal nito sa mga yakap ko
"Kalix ako to si alora, pareho tayong nandito." saad ko pero wala itong ibang reaksyon
"Ipagpaumanhin mo binibini, subalit mali ka yata ng tinutukoy hindi ako ang iyong kilalang kaibigan." ng sabihin niya yun bigla akong napaisip na siguro pareho lang kami ni kalix na may kamuka noon
"Hindi mo ba talaga ako natatandaan?" Tanong ko dito bilang pagsisiguro na hindi talaga siya si kalix
"Ngayon pa lamang kita nakilala binibini." nung una hindi ko agad napansin yung pananamit at ang pag sasalita niya malayong malayo kay kalix bakit hindi ko agad napansin yun.
"Pasensya na akala ko kase ikaw yung kaibigan ko hindi pala." saad ko at nagulat ako ng bigla ako nitong hinawakan at inilayo sa lawa
"Ipagpaumanhin mo binibini, hindi ko intensyon na ika'y hawakan." saad nito habang nasa ilalim kami ng tulay
"Okay lang." sagot ko naman at nakita ko ulit yung mga military astyaka kolang naalala na may curfew nga pala sa lugar na ito
"Mahirap na kapag ikaw ay na huli binibini." Napatingin naman ako dito at hindi parin ako makapaniwala na nakilala ko yung dating kalix
"Hindi ba tayo nila makikita na nandito sa ilalim ng tulay?" kabang tanong ko dahil baka may makakita saamen
"Madalas akong nandito binibini sa tuwing gabe, kabisado kona ang bawat galaw nila." Gumaan naman ang pakiramdam ko ng marinig iyon at habang nandito kami tanaw ko ang buwan at ang mga butuin
"Ang ganda ng mga bituin." saad ko habang nakatingin dito
"Kailangan ko ng magpaalam sa iyo binibini, hanggang sa muli nating pagkikita." pag papaalam nito at ng lingonin ko ito wala na ito sa tabi ko
"Teka san- sandali... umalis na agad ako sa ilalim ng tulay pero hindi ko naman ito nakita dahil madilim na ang paligid
"Hindi niya manlang ako sinamahan sa madilim na daan." Nagpatuloy ako sa paglalakad
"Ay ang tanga ko, hindi ko manlang tinanong kong anong pangalan niya kase base sa reaksyon niya sigurado hindi kalix ang name niya magkaiba kami kase ako alora na ngayon alora pa noon, e si kalix kaya."
Nakabalik nako ng bahay at dali daling pumasok ng kwarto.
"Hindi ko naman nakita yung libro, nawala sa isip ko." saad ko ng marealize na nawala sa isip ko na hanapin yung libro
"Si kalix kahit noon sobrang good-looking guy na same kami kase maganda parin ako kahit noon."
"Kung iisipin sobrang tanda niya na parang lolo kona siya ay hindi sobrang lolo na, lolo na ata sa tuhod o baka sa paa na." natatawa naman ako ng iniisip ang mga yun
"Grabe, bakit koba nasasabe yun." pagkamot ko sa ulo
"Ano na kayang ginagawa ko ngayon habang nandito ako." pag iisip ko
"Kailangan ko ng matulog baka sakali pag gising ko nakabalik nako kase madalas ganito yung nasa napapanood ko sa korean drama." pag higa ko
»»»
"Hindi parin ako nakakabalik." Pag gising ko ng makitang nandito parin ako sa kwarto nato
"This can't be happen to me, napaka unrealistic na yung nangyayare saken." tumayo agad ako sa hinihigaan ko at binuksan ang bintana
"Ang sarap naman gumising kong ganito kasarap yung hangin at ang ganda ng panahon ngayon." pag unat ko ng mga kamay ko at ng ibaba ko ang paningin ko nakita kong maraming tao ang nasa baba na may buhat na sako at inilalabas ito sa gate ng bahay.
Agad naman akong lumabas ng kwarto at tinignan kong ano ang nangyayare sa baba.
"Tiya feliz" pagtawag ko
"Masarap ba ang iyong gising señorita alora."
"Opo tiya feliz." ngiti kong saad
"Ang iyong muka ay lubhang napakaganda señorita alora, hindi maipagkakaila na ang iyong ina ay si señorita amira." saad nito habang pinagmamasdan ang muka ko
"Ako lang po ito tiya feliz." ngiti ko naman dito ng sabihin ko yun
"ah tiya feliz ano pong ginagawa nila? takang tanong ko ng ibaling ulit ang atensiyon ko sa mga lalaking nagbubuhat ng ilang sako
"Ang mga iyon ay dadalhin sa hacienda, ipinautos ito ni Don Alejandro na iyong ama."
"Yan poba ang negosyo natin?"
"Tama señorita alora, yan ang ibinubuhay ng angkan ng mga Hernandez."
"May kompanya poba ang akeng ama tiya feliz?" Curious ako kaya naitanong ko yun
"Ipagpaumanhin mo señorita alora subalit hindi kita maunawaan." sa sinagot palang ni tiya feliz alam kona agad ang sagot
"Ang ibig ko pong sabihin tiya feliz ay sobrang sipag po ng akeng ama." palusot ko at napangiti naman ito
"Señorita alora may nais lang akong itanong sa iyo." bigla naman akong nakaramdam ng kaba
"Ano po yun tiya feliz."
"Wala ka sa iyong silid kagabe, saan ka nag tungo señorita alora?" lagot na nakita pala ko ni tiya feliz na wala sa kwarto ko kagabe
"Nag pahangin lang po ako sandali tiya feliz." saad ko at mukang hindi naman ito naniniwala
"At saan ka naman nag pahangin señorita alora?" tanong naman nito
"Dito lang po tiya feliz."
"Señorita alora, ang pagkakaalam ko hindi kana lumalabas ng inyong silid kapag lumubog na ang araw kaya nagugulat ako sa mga ikinikilos mo ngayon señorita alora mula noong ika'y nagising."
"Hindi ko po alam na hindi ko pala ginagawa yun tiya feliz."
"Mas makakabuti sayo señorita alora kong may mga bagay kang gawin na hindi mo nagagawa noon."
Tama po kayo tiya feliz, kaya po pwede pobang mamasyal ako mamaya kahit ako lang mag isa?"