"Si kalix yun" saad ko ng makadaan ang kalesa
"May problema ba señorita alora? Tanong ni tiya feliz habang ako ay nakatulala lang at takang taka sa nakita ng dalawang mata ko
"Hintayin niyo po ako tiya feliz babalik din po ako" Agad namang naguluhan saken si tiya feliz
"Señorita alora sandali, saan ba kayo pupunta" iniwan ko si tiya feliz at sinubukan kong hanapin yung kalesa na nakita ko kanina pero maraming tao ang nakaharang sa daan kaya nahihirapan akong sundan ang kalesa at ng lumuwag na ang daan wala na akong nakitang kalesa.
"Hindi ako nagkakamali si kalix yung nakita ko kanina na nakasakay sa kalesa" napahinto ako at isang kalesa ang naka garahe sa tabe ng isang malaking bahay
"Baka nandito si kalix" ng papasok nako ng pinto dalawang naka suot na uniform na pang military ang humarang saken
"Hindi ka pwedeng pumasok dito binibini" paghaharang nila saaken
"Yung lalaking nakasakay sa kalesa dito siya pumasok diba? Takang tanong ko dito
"Ipagpaumanhin mo binibini subalit hindi ka pwedeng pumasok ng basta basta sa kainan na ito" ng marinig ko yun hindi ko inaakala na restaurant pala ang bahay nato
"Pero nandito yung kakilala ko" pagpupumilit ko
"Kung nais niyong makapasok kailangan niyo munang magbayad".
"Bakit ako magbabayad hindi pa naman ako kumakain".
"Señorita alora! Pagtawag saken ni tiya feliz
"Tiya feliz". Agad naman akong hinawakan ni tiya feliz
"Ipagpaumanhin niyo ang ginawa ng akeng pamangkin" saad ni tiya feliz at dali dali niya naman akong inilayo
"Ano ba ang ginagawa mo sa lugar na iyon señorita alora?
"Ah Wala naman po nagandahan lang po ako sa lugar na iyon tiya feliz, hindi ko naman po alam na bawal palang pumasok sa lugar na iyon".pagpapalusot ko dahil ayokong sabihin ang totoo at baka mag hinala sila na hindi naman talaga ako nawalan ng alaala dahil may nakilala ako
"Gusto kolang ipabatid sa iyo señorita alora na ang lugar na iyon ay sobrang higpit at hindi ka basta basta makakapasok." Nagtaka naman ako bakit ganon nalang kahigpit na pumasok don kahit kainan lang naman yun
"Ah tiya feliz pwede ko po bang malaman kung bakit bawal pumasok doon e kainan naman po yun." Natawa naman si tiya feliz sa sinabe ko
"Marahil nawala nga ang iyong mga memorya señorita alora dahil ang mga patakaran sa ating baryo ay nalimutan monarin".
"Kaya nga po tiya feliz."
"Ang mga kilalang kainan sa ating baryo ay may patakaran, mga kilalang tao lang ang pwedeng pumasok doon at wala ng iba señorita alora." Nagulat naman ako sa sinabe ni tiya
"Paano po yan tiya feliz hindi po pala tayo pwedeng pumasok doon."
"Ang iyong ama ay isa sa mga kilala sa ating baryo kaya walang dahilan para hindi tayo makapasok doon señorita alora, natatandaan ko na nakapasok kana doon."
"Totoo po tiya feliz? Takang tanong ko
"Ganon na nga señorita alora, subalit sa tuwing isasama ka ni Don Alejandro ay tumatanggi ka." Ng marinig ko yun na realize ko na pareho pala kami ni alora dahil madalas tinatanggihan ko si daddy kapag gusto niyo kong isama sa dinner
"Tiya feliz tanong kolang po close poba kami ni Don Alejandro?"
"C-close? ano ang ibigsabihin ng salitang iyong ginamit señorita alora?" Napahawak naman ako sa bibig ko
"Wala po yun tiya feliz kalimutan niyo napo yun." Bakit ko naman kase tinanong pa yun obvious naman na close sila dahil mag- ama sila
Ng makabalik kami ng bahay agad naman akong pumasok ng kwarto.
"Si kalix ba talaga yung nakita ko kanina o baka guni guni kolang yun." Palakad lakad naman ako sa akeng kwarto
"Pero parang si kalix talaga, hindi naman ako pwedeng magkamali sa nakita ko pero hindi rin naman ako sigurado na si kalix talaga yun."
"Naguguluhan nako, nasa taon ako na sobrang tagal na sa taong 1895 at kung iisipin matagal ng patay si alora at ang mga taong nabubuhay sa taon na ito."
"Ganito pala ang buhay noon sobrang payapa." Saad ko at napatingin sa suot ko
"Ito namang suot ko, ang lakas maka binibini sobrang formal pero ang init sa skin." Tinignan ko ang mga ilang gamit ni alora sa kwarto niya
"Ano to? Hair brush bato? Ang weird pala ng hair brush noon."
"Ang gaganda naman ng mga damit niya pare-parehas ng kulay magkakaiba lang ng style, wala bang manipis na tela dito para hindi mainit sa balat."
"Where's the underwear wala siyang panty and bra oh my god i can't believe na ganito ang ginagamit nila noon." Naupo naman ako sa kama
"Oh my god, i miss my room and my phone i can't live without it." Pag iiyak ko
"Señorita alora narito na si Don Alejandro! Pagtawag ni tiya feliz at agad naman nakong lumabas ng kwarto
"Alora" saad ni Don Alejandro
"Ah a-ama nandyan na po pala kayo." Sa mga oras nato hindi ako sanay na tawagin itong ama dahil hindi ko naman talaga siya totoong magulang
"Ito ang paborito mong pasalubong alora." Inabot saaken ang naka plastic na pagkain at familiar naman ang itsura nito parang cupcakes
"Paborito ko poba ito? Takang tanong ko
"Iyan ang madalas mong hiling na pasalubong sa tuwing uuwi ako galing hacienda." Saad nito at agad ko naman itong tinikman at hindi ko inakala na masarap pala ito mas masarap pa sa luto ng yaya namen sa bahay
"Salamat po ama." Tuwang saad ko
"Kamusta na ang iyong pakiramdam alora?
"Okay na po ako ama pero pasensya napo dahil wala parin akong naaalala."
"Ipagdarasal ko ang iyong kalagayan alora." Saad nito at hindi ko alam bakit ganito nalang ang nararamdaman ko pakiramdam ko sobrang lapit ko sakanya, hindi ko ito naranasan kay daddy na bigyan ako ng pasalubong sa tuwing uuwi siya galing sa kompanya kaya ganon nalang ang saya na nararamdaman ko ngayon.
"Mabuti pa ay kumain na muna tayo Don Alejandro at señorita alora." Saad ni tiya feliz
Ng makapunta ko sa kusina dalawang putahe lang ng ulam ang nakahain sa lamesa, malayo sa amen na limang putahe ang niluluto ng mga kasambahay namen.
"Inihanda ng tiya feliz mo ang iyong paborito alora." nag taka naman ako sa sinabe nito kaya agad kong tinignan ang mga ulam at nakita ko naman ang isang adobo, magkaiba pala kami ng taste sa ulam ni alora dahil isa ito sa mga ulam na hindi kopa natitikman kaya hindi ko ito paborito.
"Ito poba ang paborito ko tiya feliz." pagturo ko sa ulam
"Madalas mo yang ipaluto saaken señorita alora." ng marinig ko yun hindi ko alam kung paano ko sasabihin na hindi ako kumakain ng adobo
"Mabuti pa ay maupo na tayo." saad ni Don Alejandro at wala naman akong choice kundi umupo nalang din
"Ah ama, tiya feliz...
"May problema ba alora? Agad ko namang inisip na paborito ito ni alora kaya baka pasok din ito sa panlasa ko at ayokong sabihin na hindi ako kumakain nito dahil baka masayang yung niluto ni tiya feliz
Kumuha ako ng spoon at tinikman ang luto ni tiya feliz, at ngayon kolang nalaman na masarap pala ang adobo bago ito sa pang amoy ko na ngayon kolang naamoy kahit na madalas itong lutuin ng yaya namen.
"Ang sarap po ng ulam tiya feliz." isang ngiti naman ang nakita ko kay tiya feliz ng sabihin ko yun, agad ko naman nilagyan ng ulam ang plato ko at mukang mapaparami yata ang pagkain ko ngayon
"Ngayon kolang nakitang sabik ka sa pagkain señorita alora, kahit na paborito mo ito noon." agad naman akong huminto sa pagkain at nag dahan dahan nalang dahil baka hindi ganito gumalaw si alora sa harap ng pagkain
Busog akong tumayo ng upuan ito ang unang beses na nakatagal ako sa lamesa dahil madalas noon hindi ko tinatapos ang kinakain ko sa tuwing galit si dad kaya masaya ako na naranasan ko yun dito.
»»»
"Ilang oras nakong nandito, talaga bang hindi ito panaginip napaka imposible ng nangyare saken dahil nandito ako sa taon na sobrang tagal na."
"Ilang oras nadin akong hindi nakakagamit ng phone ko, baka may gimik kami ngayon nila sabrina hindi ako makakapunta dahil nandito ako dahil sa libro nayun."
"Oh my god, oo nga pala birthday na ni kalix sa monday pano yan hindi ako makakapunta, may plano pa naman kami ni sabrina na mag co-confess ako kay kalix sa araw ng birthday party niya."
"kailangan ko ng makabalik dahil ayokong ma istock sa lugar na to."
"Kailangan kong mahanap yung libro nayun." Habang nasa loob ako ng kwarto sumilip ako sa labas para tignan kong gising pa sila tiya feliz ng sa ganon maka labas ako at mahanap yung libro
"bumaba ako ng hagdan at nakita kong walang tao kaya dali dali akong bumaba, paalis na sana ako ng makita ko si tiya feliz na nag sasarado ng bintana kaya agad naman akong nagtago para hindi ako nito makita, hinintay ko muna itong makapasok ng kwarto bago ako tuluyang umalis ng bahay."
"Dahan dahan akong lumabas ng bahay at confident ako dahil sanay na ako dahil madalas ko itong gawin kay dad ang tumakas at pumuntang gimikan."
"Hindi ko ine-expect na sobrang dilim pala sa labas ng bahay, wala manlang kahit na anong ilaw."
"Nakakatakot wala manlang mga street lights, buti nalang may mga star pa." Ng makalayo ako ng bahay unti unti namang nagkakailaw dahil sa mga bukas na bahay at mga shop pero wala ng masyadong tao
"Saan ko naman hahanapin yung libro na yun kung hindi ko naman alam ang lugar na ito.
"Sa labas ng bar ko yun nakita for sure nasa labas din yun ng bar kaso ang tanong meron bang bar dito? napaisip naman ako kong saan ko unang hahanapin yung libro
"Teka ang sabe saken ni tiya feliz tumalon daw ng lawa si alora nong gabeng yun habang ako nasa bar at nakita yung libro nayun."
"Paano kong tumalon ako sa lawa nayun at baka makabalik nako kapag ginawa ko yun." bigla naman akong naganahan ng maisip ko ang idea nayun
"Saan ba may lawa dito? Nagpatuloy naman ako sa paglalakad para maghanap ng lawa
Sa ilang minuto kong paglalakad wala parin akong nakikitang lawa kaya naghanap nalang ako ng matatanungan.
"Kailangan kong mag ingat sa sasabihin ko" pag papaalala ko sa sarili bago lapitan ang babae
"Nais kolang po sanang itanong kong saan po ang may malapit na lawa dito? Tanong ko
"Dumaretso kalang at matatanaw mona ang lawa na hinahanap mo." sagot naman nito
"Ipagpaumanhin mo binibini subalit lubog na araw delikado na para maglakbay." naguluhan naman ako sa sinabe nito
"Ano po ang ibig niyong sabihin? takang tanong ko rito
"Hindi moba alam ang patakaran sa ating baryo, na pagsapit ng alas otso lahat na dapat ay nasa kani-kanila ng tirahan." Ng marinig ko yun hindi naman ako makapaniwala na may curfew pala noon
"Maraming salamat po." Nagpatuloy naman nako sa paglalakad dahil sa tingin ko wala pa namang 8 o'clock
Mga ilang minuto lang ay nakita kona ang lawa.
"Dito kaya siya tumalon? Tanong ko sa akeng sarili habang pinagmamasdan ang lawa
"Ano kayang dahilan niya bakit siya tumalon sa lawa nato, mukang sobrang lalim kong tignan nakakatakot." inilubog ko naman ang mga kamay ko sa lawa
"Oh my god sobrang lamig pala nito." Agad ko namang pinunasan ang mga kamay ko
"Paano naman ako tatalon dito kong sobrang lamig naman ng tubig, maninigas ako dito sigurado."
"Pero kailangan kong gawin susubukan kolang naman baka pag gising ko bukas nasa katawan kona ko at wala na sa lugar nato."
"Teka kalang kailangan kong mag isip ng mabuti kong gagawin koba talaga ito." At ngayon lang pumasok sa isip kona hindi pala ako marunong lumangoy
"Hindi pala ako marunong lumangoy bakit hindi ko agad naisip yun." Umupo muna ako sandali at nag focus kung itutuloy koba talaga
"Wala ng atrasan ito, gagawin kona talaga para makabalik na ako." Umabanti ako at pumikit at hinanda ang sarili sa lamig na mararamdaman ko kapag tumalon na ako sa lawa nayun at humawak nadin ako sa ilong ko at sinamahan konadin ito ng dasal.
Patalon nako sa mga oras na ito ng biglang may isang boses akong narinig.
"Binibini."