Kathryn
Pag pasok ko sa loob ng kwarto ni Dad ay nandoon pa rin yung nurse na nagbabantay dito.
"Kumusta si Dad habang wala ako?" Mabilis na tanong ko kaagad sa nurse.
"So far okay naman po si Sir. Wala naman pong nangyaring masama habang wala po kayo." Sagot naman nito.
"Oh sya, tapos na ba ang duty mo?" Tanong ko ulit dito.
"Patapos na rin po Ma'am. Hanggang 8am naman po ang duty ko eh. Quarter naman na siya kaya saglit na lang po at mag out na rin po ako. " magalang na sagot naman nito.
"Oh sya pwede ka ng mag out ng maaga. Total nandito naman na ako eh. Ako na lang ang bahala kay Dad." Sabi ko naman dito.
"Pwede ka ng umuwi. Paki sabi mo na lang doon na pinayagan na kitang lumabas." Dagdag ko pa dito. Sabay abot dito ng ilang lilibuhin. Pasasalamat ko na rin dito dahil sa pag bantay niya kay Dad..
"Ay naku huwag na po Ma'am nakakahiya naman po sa inyo. Duty naman po namin na bantayan at tiyaking maayos ang pasyente." Mabilis na sagot nito sa akin.
Di naman na ako nag pumilit pa dito at tinago na lang ulit yung pera. Kung ayaw niya di huwag. Ako pa naman ang klase ng tao na di namimilit. Kung ayaw di huwag. Diba? Alangan naman na pilitin mo ito eh ayaw nga.
Nang makalabas na ang nurse ay naupo na lang ako dito sa may couch ayaw ko pa lapitan si Dad. Hanggang ngayon kasi ay kinakain pa rin ako ng konsensya ko. Kung hindi naman kasi sa akin ay hindi ito magkakaganito ngayon.
Tinitignan ko lang ito mula sa aking kinauupuan. Maya ay napa buntong hininga na lang ako nang maisip ko nanaman ang bagay na pinag talunan namin ni Dad.
Maya lang ay napansin ko na parang gumalaw ang mga daliri ni Dad. Kaya naman agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at mabilis itong nilapitan.
Agad ko namang pinindot ang emergency button dito sa kwarto upang tumawag ng doctor at nurse.
Nakita ko ang dahan dahang pag mulat ng mga mata niya. Nang tuluyan ng magmulat ang mga iyon ay agad nitong ginala ang kanyang paningin. Marahil ay nag tataka ito bakit nandito siya sa silid na ito.
Kunot noo na tumingin ito sa akin. Na parang nag tatanong kung anong ginagawa namin dito.
Maya lang ay napansin niya na ang kanyang kalagayan na naka higa at may mga nakakabit na tubo sa kanyang katawan.
Balak pa nga sana nitong alisin iyon buti na nga lang at naagapan ko kaagad ang kamay nito.
"Dad, huwag po at makakasama sa inyo iyang pag kilos nyong ganyan." Nag aalalang saway ko naman kaagad dito.
Ano ba yan? Bakit napaka tagal namang dumating ng mga doctor at nurse na iyon. Eh emergency ito.
"Anong ginagawa ko dito Kathryn? Bakit may mga ganito sa aking katawan?" Medyo historical nitong tanong sa akin.
Halos hindi ko nga rin maintindihan ang sinabi nito dahil sa naka lagay sa bibig nito.
Wala ba siyang matandaan na nangyari sa kanya kagabi at ganito siya makapag tanong sa akin?
"Dad, na heart attack po kayo kagabi nung nag uusap tayo. Bakit wala po ba kayong matandaan na nangyari kagabi?" Paliwanag kong tanong kay Dad.
Medyo kinabahan naman ako dahil sa pag tatanong nito. Baka kasi lalo lang makasama dito pag naalala na naman niya ang nangyari kagabi.
Sasagot na sana ito pero siya namang biglang pag dating ng doktor at nurse.
"Doc, nagising na po si Dad." Balita ko kaagad sa mga ito.
Agad naman na nilang tinignan si Dad at kung ano anong mga test at tanong ang ginawa para dito. Mga ilang saglit lang ay kinausap na ako ng tuluyan ni Doc.
"Okay naman na ang pasyente. Wala namang komplikasyon na nangyari sa pag opera namin sa kanya. Basta ang bilin ko sa iyo ay huwag ng bigyan pa ng sama ng loob ang iyong ama iha at baka di na makaya pa ng kanyang puso ang susunod na atake." Bilin nito sa akin at tuluyan na silang lumabas ng kwarto.
Nilapitan ko naman na ulit si Dad pagka labas ng kwarto nila Doc.
"Dad, kumusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba talaga? Baka may masakit pa sa iyo at nahiya ka lang sabihin kanina kay Doc iyon." Sunod sunod na tanong ko dito. Habang hawak ang kamay niyang walang swero.
"Okay na ako anak, kaya huwag ka ng mag alala pa ha. Bakit ka nga pala di pumasok ngayon?" Kunot noo ng tanong nito sa akin.
"Dad naman eh, paano ako papasok nyan kung ganito ang kalagayan mo. Sa tingin mo ay makakapag concentrate pa ako nun sa school? Tsaka nagpaalam naman na ako sa mga Prof ko na di muna ako papasok at may emergency na nangyari." Paliwanag ko kaagad dito.
Ano ba naman kasi itong si Dad at iyon pa talaga ang inalala eh.
"Ayaw ko lang na panay ang bulakbol mo anak. Oh sya at ako'y mag papahinga na muna ha. Mukhang pampaantok pa ata ang tinurok sa akin nung nurse kanina. Basta mag uusap tayo ng masinsinan mamaya pag gising ko. " Bilin nito sa akin at tuluyan na nga ulit siyang nakatulog.
Agad naman na akong kinabahan dahil sa sinabi nito na iyon. My god mukhang wala na talaga akong lusot nito. Mukhang tuluyan ko na talagang mapapangasawa ang aking binu bully na nerd na si Daniel Montenegro.
Hayst kahit mag wala pa ako ngayon ay wala na ring mangyayari pa. Mahal ko si Dad at gagawin ko ang lahat para dito. Maging kaligayahan ko man ang kapalit nito. Basta makita ko lang na masaya ito at buhay pa.
Dahil hindi ko mapapatawad pa ang aking sarili pag tuluyan na itong nawala sa akin. Siya na lang ang nagiisa kong magulang. Dahil lang sa pagiging makasarili ko. Na ang kaligayahan ko lang ang nasa isip ko. Di ko na naisip pa na baka para din talaga ito sa magandang future ko.
Wala naman sigurong magulang ang papayag na mapahamak ang kanilang anak hindi ba?