Daniel
Maaga akong nagising ngayong araw na ito. Kailangan ko kasing pumasok ng maaga sa school. Need ko pa kasing ibigay ang project ni Ms. Kathryn na as usual eh pinagawa nya na naman sa akin.
Sabagay sanay naman na ako doon eh. Ayaw ko lang naman kasi na pag initan ulit ako ng mga ito pag di ko siya sinunod. Mga bully pa naman mga iyon. Walang pinapatawad ang sasama ng ugali. Palibhasa mga brat na wala namang mga laman ang utak kundi ang mang waldas ng pera ng mga magulang nila. Pasalamat na lang siya sa mga magulang niya na mayaman. Dahil kung nagkataon na mahirap ito tapos ganito pa ang ugali walang aabutin ito. At isa pa kahit masama ang ugali nito ay marami pa rin ang nag kakagusto sa kanya. Dahil kahit ano pa ang sabihin ay isa itong napaka gandang nilalang. Hindi nga bagay sa itsura nito ang kanyang ugali eh. Paano napaka amo ng mukha nito na parang isang anghel na bumaba sa lupa pero sa likod pala ng mala anghel na kagandahan nito ay nag tatago doon ang isang demonyeta na nakaka inis.
Pero pinapakisamahan ko na lang mga ito para di na ako ma bully pa ulit.
Meron kasi iyong time na di ko sya sinusunod ay kung ano ano ang mga pinag gagawa nito sa akin sa school. Meron yung bigla na lang ako nitong binuhusan ng juice habang kumakain ako sa cafeteria. Mabuti na nga lang at always akong may dalang extrang gamit para incase sa mga ganung bagay.
May time pa na ni lock ako ng mga to sa cr at halos ilang oras akong nasa loob nun bago ako naka labas. Kundi lang naligaw yung janitor doon eh malamang na kinabukasan pa ako naka labas doon. Takot din naman kasi mangialam ng mga estudyante sa kanila at baka sila ang pag balingan pa. Mabuti na nga lang at naka gawa ako ng dahilan sa parents ko ng matanong ako kung bakit hindi ako naka uwe ng gabi. Sinabi ko na lang sa kanila na natulog ako sa condo ko at sobrang kako akong napagud sa subject namin na PE. Mabuti na nga lang at naniwala sila sa akin. Dahil kung nalaman nila ang nangyari sa akin ay alam ko na mananagot ang Dean at ang may gawa nun sa akin. Nag iisa kasi akong anak nila at ayaw na ayaw din ng mga ito sa bully.
Tapos mayroon pa iyong basta na lang akong binugbog ng mga varsity ng basketball sa school. Dahil utos daw iyon ng Queen bee sa kanila. Hayst mabuti na lang at nakita kami ng guard noon at baka sa ospital na ako pupulutin.
Kaya ngayon ay naging slave na ako nito. Kung ano ano na lang mga pinapagawa nito sa akin. Pero kadalasan eh mga project, activities at assignment nito ang ginagawa ko. Feeling ko nga eh ako ang estudyante at ito ang Prof dahil ako ang nag papakahirap para sa grades nito eh.
Mabuti na nga lang at pareho lang kami ng course nito kaya di naman ako nahihirapan pag gumagawa para dito.
Wala din naman magawa ang ibang mga Prof dahil pati ang mga ito ay tinatarayan din ng grupo ng mga bully.
Nandito na ako nag lalakad sa may hallway pa punta sa locker ni demonyita Yun ang tawag ko sa kanya sa isip ko. Totoo naman kasi. Sa sama ng ugali nito eh pasalamat na lang sya at may nag kakagusto pa sa kanya.
Pero ako kahit sobrang ganda pa nito eh di manlang ako naakit dito. Mas gusto ko pa iyong mga nerd din dito na katulad ko na mga napaka responsable nila sa buhay.
Aanhin mo naman kasi ang maganda nga wala namang laman ang utak tsaka ang sama pa ng ugali diba?
Di mas okay na yung may itsura tapos ang bait na nga madiskarte pa sa buhay. Di mas doon kana diba.
Tsaka kahit magka gusto naman ako dito eh di rin naman ako pa pansinin nyan eh. Baka pag tawanan pa ako pag nalaman nito ang bagay na iyon. Tapos samain pa ako sa boyfriend nito na mukhang adik na ewan.
Nag hihintay na lang ako sa pag dating nito dito sa kanyang locker banda. Dito kasi ang usapan namin na ibibigay sa kanya ang mga pinapagawa nito eh.
Malamang late ulit itong pumasok. Ano pa nga ba ang bago dito. Baka magpa mesa pa ako pag nag aga itong pumasok.
Ayaw din naman kasi nito slna sa loob ng classroom ko na lang ibigay yung project nya. Pati tuloy ako ay nadadamay na late ng pumasok dahil dito.
Mabuti na nga lang at lagi akong pinag bi bigyan ng mga Prof namin eh. Mukhang alam ata kasi nila ang mga pinag gagawa ni Ms Kathryn sa akin eh. Kaya pinapa lampas na lang nila ito.
Tumunog na ang paunang bell hudyat na dapat na kaming pumasok sa mga room namin. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang aking hinihintay.
Paalis na sana ako para pumasok na lang ng matanaw ko ang pag lalakad ng isang magandang nilalang na parang nasa catwalk lang ng isang fashion show.
Hindi mo talaga maitatanggi na isa itong napaka gandang babae. Pero huwag kang madadala sa kagandahan nyang iyan dahil sa loob nyan ay nag tatago ang isang anak ni satanas.
Isang malditang demonyeta.
Bago pa ako mahulog sa kagandahan nito ay agad na akong nag iwas dito ng tingin. Inayos ko na rin ang eyeglasses ko na medyo tabingi na sa ilong ko. Pati na rin ang pag kakabuhat ko sa project nito na ako ang gumawa.
"Hi nerdy, asan na ang project ko at mala late na ako dalian mo. Huwag kang naka tanga lang dyan." Mabilis nitong utos sa akin.
Tamo at sya pa talaga ang may ganang mag madali sa akin ngayon. Bakit sino ba ang late na dumating? Siya naman ah. Pero di ko na sinabi pa iyon sa kanya. Mahal ko pa ang buhay ko no. Tsaka ayaw kong makipag talo dito dahil ako din lang ang matatalo sa aming dalawa.
Mabilis ko namang inabot dito ang project nya baka tuluyan ng magalit ito sa akin eh samain pa ako dito.
"Tama ba ang mga ito? Baka mali mali ang mga pinag gagawa mo ha. Lagot ka sa akin pag mababa ang grades ko dito." Pananakot pa nito sa akin.
Kapal din talaga ng mukha eh no. Di sana sya na lang ang gumawa diba? Wala naman palang tiwala sa akin eh. Gusto ko sanang sabihin dito pero wag na lang.
Paalis na sana ako ng mag salita ulit ito.
"Mamaya nga pala eh pumunta ka dito at may ipapagawa pa ulit ako sa iyo. Sige na umalis kana at naaalibadbaran ako dyan sa pangit mong pag mu mukha. Bakit ba kasi nag pakalat kalat kayo dito sa campus? Tuloy nasisira ang umaga ko eh." Inis pa nitong dugtong sa akin.
"Hayst bakit ba kasi pinayagan pa kayong pumasok dito eh? Nakakasira lang kaya kayo ng magandang image ng school na ito." Dinig ko pang sabi nito. Habang papalayo na ako sa kanya.