CHAPTER 21- DINNER INVITATION
Nagising ako na mabigat ang aking pakiramdam. Pawang hindi ko maigalaw ang aking buong katawan. Nilibot ko ang lugar kung nasaan ako. Isang pamilyar na lugar na hindi ko aakalin na masisilayan ko muli.
“Awch!” napadaing ako ng maramdaman ko ang hapdi ng aking mga sugat.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa loob ng aking silid. The warmth of my bed, the smell of my pillow, and the ambience of my room helps me to recover easily.
“Thanks God, You’re already awake Rumi! Pinag-alala mo ako.”
Napalingon ako sa lalaking pumasok sa aking kwarto. May dala siyang planggana na tila may lamang tubig. Giero brought me here. He’s the man I saw before I lose my sense.
“W-what happen?” tanong ko habang pinipilit na igalaw ang aking katawan upang makasandal.
“Should I be the one who will ask that question, isn’t it?” nakingiting tanong niya. “I saw you lying on the arena’s ground. I hurriedly carried you and brought you in the clinic,” he explained.
“Bakit wala ako sa clinic?”
“The healer told me that you’re fine,” he said. “Parang babatukan ko na sana ang babaeng 'yon. Paano ka naging fine sa lagay mo kanina?” bakas ang galit sa pananalita ni Giero.
“Hayaan mo na. Baka gusto lang nila malagasan ng isa sa atin,” saad ko.
“So, I decided to bring you here. I already told Maestro about your situation ngunit wala man lang siyang imik,” paliwanag pa niya. “Is he the one who did it to you?”
“It’s okay. That is part of our training, Giero,” napayuko kong tugon.
“What kind of training is that Rumi? Potential enhancement pa lang tayo kahapon!” nararamdaman ko na ang galit sa boses Giero. Malalaman mo iyon base sa pananalita niya. He's that protective and caring to his friends. “Sorry---” saad nito nang makita akong natatakot..
Siguro ay napansin niya na hindi na ako naka-imik sa ginagawa niya. He knows me well. He is indeed my best friend.
We tied our promises that we will win this festival. Ayaw kong mag-aalala siya sa kalagayan ko. Kung ganito pa lang ang nangyayari and he reacts that way baka hindi magiging maganda ang nais namin abutin.
“Wait, what do you mean by yesterday?” I asked confused.
“Rumi, kahapon ka pa walang malay. Mabuti nga at nagising ka na. It’s already 5:00 in the afternoon. Hinanap ka rin ni Grey kahapon noong dinner. Nagulat sila kung bakit hindi ka sumipot ganoon din ang Headmaster,” tugon nito. “I’ll talk with Maestro about this and like what I've said wala siyang pakialam," he added.
“Ayus na Giero. Mabuti na ako,” pagpipigil ko sa nais niya.
“Hindi pwede ang ginawa ni Maestro, Rumi. Masyadong mapanganib din sa iyo 'yun. He violated the rule. Nagkaroon kayo ng secret training na dapat ay enhancement lang ng potential!”
“Don’t worry about me Giero. It’s better to know how great Maestro’s potential is.”
“Nagpapatawa ka ba Rumi? Sa kalagayan mong yan?”
“Forget about this Giero. We have to focus with our plans,” pag-iiba ko ng topiko.
“I refuse to help you Rumi. Kung ganito lang din ang sasapitin mo tungkol diyan sa pinaglalaban mo better to stop it! Susundon ko na lang siya---"
Napatigil siya sa kaniyang nais sabihin. "Sinong siya?"
"Wala Rumi," taliwas nito.
“I thought you---“
“Sorry Rumi. Magpahinga ka na diyan,” pagpuputol niya ng nais kong sabihin. “At, nagbilin ang Headmaster na samahan mo sila ng Headmistress mag dinner dahil wala ka kahapon.”
Lumabas si Giero sa kwarto at naiwan akong walang imik. Hindi ko pa rin magalaw nang maayos ang buo kong katawan. Besides, mas malala pa ang sasapitin ko 'pag festival na. However, having dinner with the Headmaster and Headmistress give me shivers. It made me problematic. Ano bang masama samahan sila sa hapunan? Is it a big deal? For some, yes.
Ilang minuto rin ako na naging tulala lang na nakatingin sa bintana ng aking kwarto. Thinking what decision I have to choose. I really wanted to embrace this peaceful and solemn ambience of my room. I feel suffocated about the information I heard today. I need to breathe for a moment.
Sinubukan kong tumayo mula sa aking kinalalagyan. Tila naging mabuti na rin ang aking nararamdaman. My konting kirot man akong iniinda ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Naghanda na ako upang sumabay sa hapunan ng Headmaster at Headmistress. I don’t need to refuse from the higher ups. Besides, it might help me with my plans.
Hindi ko na nakita si Giero pagkalabas ko ng kwarto. He might be in his room or roam around. So, I walked alone in the hallway of this gigantic palace. I am still mesmerized with its exotic designs. The chandeliers, the carpeted floors, golden jars distant from each other and some paintings were painted in this place are surreal.
I hurriedly headed in the Headmaster’s dining area. I know they are waiting for me. Then, someone opened the door for me when I arrived and it seems that she really waited for a very long time. She looks tired yet her aura seemed to be relaxed and energetic.
Ilang milya pa ang aking layo ngunit tanaw ko na ang Headmaster na magiliw na naghihintay sa aking pagdating. Subalit, hindi ko nakita ang Headmistress. Dinala ako ng aking mga paa sa direksyon kung nasaan ang Headmaster. Nakatayo ako sa dulo ng long table habang siya ay nakaupo sa kabila nito.
“Thank you, Ms. Retoda for coming. Nice meeting you again,” he welcomed me with his evil smile.
Hindi ko pa rin maiwasang mailang sa paaran ng kaniyang pagbati. I stayed calm and posture. I smiled at him, “thank you Headmaster for inviting me here,” and I vowed.
“Come! take a sit,” he insisted.
Umupo ako sa isang magarang upuan kalapit niya. This chair resembles the power and wealth of this palace. Iba ito sa mga gamit na mayroon ang natural na kainan sa aming zone. This is extraordinary which rich people could only afford to have it.
Amoy ko ang mga pagkain na nakahain sa ibabaw ng lamesa. I don’t know what do they called with these foods. I never saw it before neither taste nor known it.
“Great! Mabuti at nandito ka na,” bungad ni Maestro sa babaeng kakapasok lang.
“So, you are Ms. Retoda,” tanong kaagad nito sa akin. “Nice meeting you again.”
“Ikinagagalak ko rin po na makita kayo ulit,” tugon ko.
“Wait! Mukhang may hindi ako alam dito. Nagkita na pala kayo ng asawa ko Ms. Retoda?” nagtatakang tanong ng Headmaster.
Hindi mo talaga aakalain na siya talaga ay isang Headmaster dahil sa paraan kung paano niya nililinlang at pinaglalaruan ang mga tao. It's impossible na ang simpleng pangyayari ay hindi niya alam. Sounds ironic.
Kung hindi lang talaga dahil sa mga larawan na nakapaskil sa buong city walang makakakilala sa kaniya. Subalit, kabaliktaran naman ito ng Headmistress na tila nabuhay sa yaman. The simple yet devil Headmaster together with the forced queen with angelic yet demonic aura.
Nagsimula na rin kaming kumain. Hindi ko pa rin magawang maging komportable sa harap ng mga taong iginagalang at inirerespeto ng buong city. Panay naman ang tingin ng Headmistress sa akin dahilan na mas mailang pa ako.
“Where did you get that bruises?” tanong ng Headmistress.
Napatigil naman ako sa pagsubo, “It’s in our training Headmistress,” I lied.
Hindi pwedeng malaman nila ang tunay na dahilan nitong mga sugat at pasa. It could be the reason upang patawan ng parusa si Maestro at ma eliminate kami sa laro.
“Bakit wala ka kahapon? Saan ka nanggaling?” agarang tanong naman ni Headmaster Dioscoro.
“I need to rest from my hectic schedule. Hindi ko na lang namalayan na nakatulog ako,” pagsisinulanggaling ko ulit.
That’s the reminder of Giero. Iyon ang ginawa niyang palusot upang hindi mahalata ang nangyari kahapon.
“Anyway, I saw how great you are Ms. Retoda. I hope you can bring that on the actual festival. I want to commend you for that," pag-iiba ng topiko ni Headmaster.
“Exactly, you once escaped from my trapped when we met. I know you are special. However, special people are more tastier to danger. You have to be extra careful,” tila pananakot naman ng Headmistress.
“Salamat po sa pag-aalala at sa inyong imbitasyon. Kung inyong mamarapatin ay nais ko ng magpahinga upang magkaroon ng lakas bukas muli,” pagpapaalam ko. “I really enjoyed this night having a private dinner with our Headmaster and Headmistress. I’ll keep this as a precious moment of my life.”
“Our pleasure Ms. Retoda,” saad naman ng Headmistress.
Naglakad na ako palabas ng dining area ngunit natigilan ako sa narinig ko.
“You will never succeed from your plans Ms. Retoda. I’ll give you my luck. Thank you for coming again,” tugon ng Headmaster.
Nilingon ko sila ngunit nakatalikod na rin sila sa akin. Hindi na ako nagpumilit itanong kung ano ang nais niyang ipahiwatig. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakalutang ang aking pag-iisip. Wala akong concrete plan sa binabalak ko. Ngunit, nais ko pa rin iyon ipagpatuloy.
“Ahhhh! Hmmmm! Hmmmm!” hindi ako makapagsalita ng maayos dahil natatakakpan ang aking bibig.
Nagulat ako ng biglang may humila sa akin at isinandal ako sa pader nitong hallway. Sinusubukan kong alisin ang kaniyang mga kamay sa aking bibig. “Tulong!!!” pagpupumilit kong pagsisisigaw.
“Shhhhhh” pagpapatahimik niya sa akin.
Wala akong nagawa kung hindi ay tumahimik na lamang. Binitawan din naman niya ako at ang pagkakatakip niya sa aking bibig. Hinabol ko panandalian ang aking hininga bagkus mawawalan na ako ng malay.
“What happened to you?” unang bungad niya sa akin.
“It’s none of your business,” I replied.
“It is part of my business Fledging Fragile!” pabulong na saad nito.
“ANO BANG KAILANGAN MO!” pagtataas ko ng aking boses.
“Shhhhhhh,” saad nito.
“I’ve been looking for you since yesterday. Ano bang ginawa mo? Anong ginagawa mo sa dining ng Head?”
“Do I need to share it with you? First of all hindi tayo magkakampi sa laban na ito Dragon Ury!”
“No! I am still part of it! Hindi mo lang lubos maintindihan!”
“Talagang hindi kita maiintindihan kaya hayaan mo na ako. Gusto ko nang magpahinga,” tugon ko. Hindi ko alam kung anong klaseng hangin ang pumasok sa isip nitong lalaking ‘to. “Please!”
“I want you to stop your plans and help me with mine,” tugon naman nito sa mababang tono.
“What? Nahihibang ka ba? Ayaw kong mabulilyaso ang lahat ng plano ko!”
“See me in the lake tomorrow afternoon if you decided about what I’ve told you,” saad nito na hindi man lang ipinaliwanag ang nais niyang ipaalam. “Damn! You made me worried. Please, take care of yourself.”
Hindi ko alam kung anong nangyayari ngunit hinayaan ko na lamang siya makalayo. Those crystalline eyes are genuine enough to let me believe he care and worried about my situation. Pinagmasdan ko lang siya habang patuloy na naglalakad sa tahimik na hallway na ito.
Napaupo ako habang nakasandal sa pader. “I don’t know what to do,” I heaved a sigh.
Habang mas papalapit ang festival tila dumarami pa ang nagiging problema ko. Ayaw kong mawalan ng pokus sa ngayon. Gusto ko lamang magpahinga at mag-isip ng mabuti.
“Anong pinag-usapan niyo?” nagulat ako sa nagsalita.
Nakatayo siya ngayon sa aking harapan habang naka pulupot ang kaniyang mga kamay sa kaniyang harap. “What are you doing here?” gulat na bungad ko sa kaniya.
*************************************