CHAPTER 3- THE SELECTION

2541 Words
III – THE SELECTION “Dumating na ang kinatatakutan ko,” napabulong ko. Tumunog na ang batingaw ng zone senyales na dapat ng magtipon ang lahat sa arena. Hindi na kami nakapag-almusal nina Opal at mamang. Wala na kaming inaksayang oras at kaagad na dumeretso sa field. May parusa ang nahuhuli sa pagtitipon lalo na’t mahalaga ang araw na ito. Si Opal lang naman ang pumasok sa loob ng kwarto ko nang walang paalam kagabi. Kaya minabuti kong sa amin na ulit siya magpalipas ng gabi. Naabutan na siya ng pagtunog ng batingaw kaya hindi na siya nakauwi ngayon. Alam naman niya na ngayong araw ang selection pero matigas talaga ulo niya. Ngayong buong linggo mangyayari ang selection. Sa dulo ng linggo, malalaman na ang susunod na magiging representatives ng zone. All of the zones in the city are celebrating the selection day to select their best representatives. In this way, they can assure their triumph in the upcoming 119th RSK Festival. Lahat ng zone ay uhaw na manalo at maiuwi ang kalayaan para sa buong taon. Bunutan ang magaganap sa pagpili ng maglalaro for the selection, simple as what we think it is, but it’s totally the hell different. Sampung pangalan ang bubunutin upang subukin ang kakayahan at magiging susunod na representatives ng aming zone sa nalalapit na RSK Festival. Sila ang maglalaban sa loob ng zone arena sa buong linggo. Ang dalawang matitirang matibay ang magiging representatives ng aming zone. “A graceful day, dearest Subtle!” panimulang bati ni Maestro Khein. Siya ang tagapamahala ng buong zone. Siya lang din ang may karapatan na bumunot ng mga pangalan sa isang malaking lalagyan. Siya rin ang magsisilbing tagasanay ng dalawang representatives na mananalo sa selection. “Alam kong hindi pa kayo handa para sa mangyayari ngayong linggo. Pero ang lagi kong bilin ay dapat lagi kayong maging handa sa mga nagaganap taon-taon. Ito na ang pinakahinihintay natin. Maaaring ang mananalo sa selection ngayon linggo ang kauna-unahang magdadala ng kalayaan ng zone sa buong taon,” paliwanag pa niya. “Hindi ko na ito patatagalin pa. Welcome to the 119th Selection Day of the Zone of Green Snake!” malakas niyang anunsiyo. Naghiyawan ang karamihan. Ngunit may iilan na bakas ang lungkot at takot sa mga mukha. May ilan na hindi rin umimik. Pero wala kaming magagawa dahil naging parte na ito ng buhay ng buong mamamayan ng city. Sino ba naman ang magiging masaya kung buhay mo ang nakataya kung sakaling ikaw o ang mahal mo sa buhay ang papasok sa zone arena. Aside from the fear of death, we are not yet ready for this annual festival. Masyadong mabilis ang takbo ng oras para sa araw na ito. “Dito natin makikita kung gaano katapang at kahusay ang mga kalahok ngayong selection,” dagdag pa ni Maestro. Kinakabahan na ako sa mangyayari. Alam naman namin na taon-taon ay may iba’t bang pakulo sa laro ang city. Maaaring baguhin ulit ang proseso ng buong laro. “Natatakot ako, mamang,” rinig ko sa gawing kanan. “Magdasal na lang tayo, anak,” sabi ng ina nito. “Always remember, Subtle, that your life is a game, either you play or die!” anunsiyo ni Maestro. Iyon pa ang nagpadagdag sa kaba ng lahat. “Lahat ng pangalan ng mga mag-aaral ng university ay narito na sa ating malaking lagayan. Handa ko na ring piliin ang sampu sa kanila.” “Ate Rumi, natatakot na po ako!” Ramdam ko ang paglamig ng kamay ni Opal. Nahahawaan ako ng takot niya kaya hindi ko rin mapigilan na kabahan. “Alam naman ng lahat kung paano ngaganap ang selection. Sampung magigiting na pangalan ang tatawagin upang maglaban-laban sa loob ng arena. Ngunit dalawa lamang ang maaaring makalabas ng buhay. Sa paraang iyon ay malalaman natin kung sino ang dalawang representatives ng ating zone,” paliwanag naman ni Bise Maes, pagkapalit niya kay Maestro sa podium. Iyon ang nangyayari tuwing selection at hindi pa rin kami sanay sa ganoon. Sampung pangalan ngunit dalawa lamang ang mabubuhay sa loob ng zone arena. Laro ng buhay ang buong selection kaya takot ang karamihan. The arena is not literally a wide football field instead an island surrounded by an ocean. It was made possible by a technology to create an artificial place. Isla― ito ang lugar kung saan gaganapin ang laro ngayon. Kanya-kaniyang paraan ang lahat ng maglalaro para manalo. The selection lasts for a week and as a player you have to survive until the end of the game. “Ate, paano po malalaman kung dalawa na lang ang natira sa loob ng zone arena?” tanong ni Opal sa akin. “Magandang katanungan iyan, iha,” singgit ni Bise Maes. Narinig niya ang tanong ni Opal kahit napakalayo nito sa amin. Ito ay dahil sa kaniyang potential na makarinig kahit sa malayo. Iyon ang potential na mayroon sila sa kanilang zone. Si Bise Maes ay hindi nanggaling sa aming zone. Ipinadala lamang siya ng Royals sapagkat walang karapat-dapat na maging kahalili ng Maestro. Kaya naririnig niya ang lahat ng pinag-uusapan sa loob ng arena. “Lalabas ang litrato ng mga manlalarong natalo, namatay, at pinatay. Makikita ng lahat kung anong mangyayari sa loob ng zone arena kapag nagsimula na ang laro,” paliwanag ni Bise Maes. The game is not about our way on how to use our potential. It is a game that needs strength, determination, and wit. Our ticket to win the battle is to be ruthless. Iyon ang hindi ko kayang gawin― ang pumatay. Hindi ko alam pero masama ang pakiramdam ko ngayong araw. Naguguluhan ako. Baka natatakot lang ako sa maaaring mangyari. Hindi ko gustong sumali sa laro at mas lalong hindi ko kayang panoorin kung may isa sa mahal ko ang sasali. Biglang pumasok sa isip ko si Opal. Hindi maaari. Masyado pa siyang mahina para sa laro. Baguhan lang siya at hindi niya alam ang nangyayari. “Let’s start the draw! Are you ready, Subtle?!” masayang anunsiyo ni Bise Maes. Siya lang ang masaya sa mangyayari. Napadako ang tingin ko kay Maestro Khein na blanko ang ekspresiyon. Alam kong ayaw niya ito mangyari ngunit wala rin siyang magagawa. At kami ni Opal na may posibilidad na maging kalahok sa selection, hindi ito magandang balita. “The stage is yours, Maestro Khein,” tawag niya kay Maestro. Lumapit si Maestro sa podium. Kaagad siyang bumunot ng pangalan sa lalagyan. “First in line―” Natahimik ang lahat. Walang may gustong kumibo. “Judesa Hundan of Section S. Please come up the stage, Judesa,” utos ni Maestro. Tanaw namin ang pag-akyat ni Judesa sa itaas ng entablado. Nakangiti siyang nagpakilala sa lahat at agad na dumeretso sa nakahandang silya para sa sampung pipiliing pangalan. The university is consists of 26 sections comprising of 25 students per class. Each section is a merge of different ages of students. Kaya may posibilidad na makikilala mo ang lahat sa kakaunting estudyante na mayroon ang university. Isa si Judesa sa pinakamagaling sa kanilang section, kaya siguro masyado siyang confident kanina. “Second― Jhay Negros of Section A, where are you?” habang umiikot ang mga mata ni Maestro sa aming lahat. Umakyat na rin si Jhay at nagpakilala sa lahat. Siya naman ang taong walang emosyon na makikilala mo. Parang araw-araw na may kalaban. Patpatin at nakasalamin pero kakaiba naman ang kakayahan niya lumaban. Nakatunggali ko na siya noon, kaya masasabi kong isa rin siya sa magaling sa university. He’s on the top 8 of the rank in the university. “Third, Jenevive Damire of Section G…” “Fourth, Arl Seconde of Section N…” “Fifth, Fritz Mifu of Section K…” “Sixth, Gara Laga of Section R…” “Seventh, Antoine Santer of Section E…” Sunod-sunod na tinawag ang lahat ng nabunot ni Maestro Khein. Lahat nang binanggit ay umakyat sa entablado at nagpakilala ng kanilang sarili. Halos hindi ko na rin alam ang nararamdaman ko dahil malapit ng mabuo ang 10 manlalaro ng selection. Kinakabahan ako sa nangyayari. Ilang beses ko ring ipinagdarasal na hindi matawag ang pangalan namin ni Opal. Ramdam ko naman ang panginginig ng mga kamay ni Opal habang nakahawak sa aking kamay. Naluluha ang kaniyang mga mata at pigil ang kaniyang pag-iyak. Deretso lang siyang nakatingin sa entablado habang si mamang ay palinga-linga sa akin. “Eight―” Bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko naman alam kung bakit. “Opal Sedaline of Section N.” Nabingi ako sa aking narinig. “Please proceed here on the center stage,” utos ni Maestro. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Halos sinakluban ako ng lupa ng malamang kabilang si Opal sa selection. Hindi puwedeng maging kalahok si Opal. Masyado pang maaga para sa kagaya niya. Hindi ko na alam ang mga sumunod na ginawa kong aksiyon. Nakuha ko lang naman ang atensiyon ng lahat sa ginawa ko. “Hindi maaari!” sigaw ko, nakatayo. “A-ate, h-hindi puwedeng pigilan mo ang proseso ng selection. Ikamamatay mo ‘yang ginagawa mo,” awat sa akin ni Opal. “Pardon, Ms. Retoda,” singgit ni Bise Maes. “Hindi puwedeng sumali ang kaibigan ko sa selection na ito. Masyado pa siyang bata para maging kalahok ngayong taon!” “Pero ‘yan ang proseso na sinusunod natin noon pa, Ms. Retoda. Lubos na ipinagbabawal na suwayin ang nakasanayan kaugalian natin. Alam kong alam mo iyon, Ms. Retoda.” Alam ko ang patakaran ng RSK festival pero masyadong delikado para sa baguhan ang ganito. Halos hindi pa kontrolado at timplada ni Opal ang kaniyang potential. Masyado siyang mahina kumpara sa mga makakalaban niya na marami ng naging karanasan sa laban. “T-tama na po, ate. Huwag niyo na pong kalabanin si Bise Maes. Ayaw kong mapahamak ka pa po. Pagkatiwalaan niyo lang po ako, ate. Babalik ako.” awat ni Opal, umiiyak. Hanggang sa namalayan ko na lang ang pagpunta niya sa itaas ng entablado. “H-hindi puwede, Opal!” pagpupumilit ko. Ngunit pinigilan ako ni mamang na sundan si Opal. Hindi ko na alam ang dapat kong gagawin hanggang sa sumuko na ako. Siguro nga kapalaran na mismo ang nagtakda. Dapat ko lang pagkatiwalaan si Opal. Alam kong kakayanin niyang mabuhay at hindi niya ako bibiguin. “Maaari niyo nang ituloy ang selection, Maestro,” sabi ni Bise Maes. Bumalik sa katahimikan ang lahat. “Ninth player― Heda Way of Section E!” Namuo ang takot sa aking dibdib ng marinig ko ang pangalan ni Heda bilang isa sa mga maglalaro. Masyado siyang mapanganib na manlalaro. At alam kong si Opal ang magiging una niyang target. Malaki ang galit ni Heda sa akin kaya malaki ang posibilidad na si Opal ang gagantihan niya. Nakangising lumapit si Heda sa stage at nagpakilala. Nakikita ko ang demonyo niyang ekspresiyon. Mukhang gustong-gusto na nito pumatay sa talim ng kaniyang mga tingin. Matalino si Heda kaya hindi maikakaila na siya ang Top 4 sa buong university. Apat na sa top performing players ng university ang napabilang sa selection. Tiyak na mapanganib na kalaban sila sa loob ng zone arena. Hindi na ako nagdalawang-isip sa naging desisyon ko. I immediately raised my hand to be seen by Mestro Khein and I got his attention successfully. The crowd stared at me for the second time thinking what I was doing. I know that the real Rumi is not brave enough to stand to what she believes in, but this time I am different. It is the life of my friend whom I treated as my younger sibling at risk. I will bring the guilt if I won’t take an action. I don’t want to be chosen as a player for the selection, but I needed to become part of it. Siguro lahat naman tayo dumarating sa point na dapat mamili sa pagpipilian. Ngunit lahat naman tayo nagiging matapang kung ang pagpipilian natin ay gusto nating pareho kaya handa tayo na sumugal. Hindi ako mabubuhay sa mundong ito kung puro lang takot ang paiiralin ko. Mabubuhay ako kung minsan kailangan kong maging matapang at laging handa sa nangyayari at mangyayari. “May sasabihin ka ba, Ms. Retoda?” tanong ni Maestro. “I volunteer to be the tenth player!” matapang kong sagot. Hindi ko puwedeng hayaan si Opal sa loob ng zone arena ng mag-isa. Kailangan ko siyang protektahan sa mga nais pumatay sa kaniya. Hindi siya puwedeng galawin ng kahit sino sa magiging kalaban niya. Wala na akong takot na nararamdaman kundi ang kagustuhan ko lang na protektahan ang itinuturing kong kapatid. “A-anak, a-alam kong naguguluhan ka lang,” naiiyak na sambit ni mamang, habang hindi na napigilan ang pag-agos ng kaniyang mga luha. “If that so, please come up the stage, Ms. Retoda,” utos ni Bise Maes. “Introduce yourself to everyone,” dagdag pa niya. Tiningnan ko si mamang. “Babalik ako para sa inyo, mang. Kailangan lang ni Opal ang tulong ko. Ipinapangako ko na magkasama kaming lalabas ng zone arena. Hintayin niyo ako,” tugon ko kay mamang. Hindi na ako nagtagal pa at ikinalas ang pagkakahawak ni mamang sa aking kamay. Niyakap ko siya nang mahigpit. Walang kasiguraduhan na makakalabas ako ng buhay sa zone arena. Pero kailangan ko siyang bigyan ng katiyakan. Gagawin ko ang lahat upang mabuhay kasama si Opal. Umakyat na ako sa entablado. Puno pa rin ako ng kaba pero pinanatili kong maging kalmado. Kailangan kong maging matapang sa harapan ng lahat lalong-lao na kay Heda. Siya ang magiging mahigpit naming makakalaban. “I am Rumi Retoda of Section E. I-I am ready to fight!” Dinig ko kaagad ang hiyawan ng mga tao. Hindi ko alam kung sigaw ba iyon ng pag-aalala o kasiyahan. Wala na akong pakialam. Dumeretso na ako sa nag-iisang bakanteng upuan sa tabi ni Heda. “Good decision, Rumi. Dito natin mapapatunayan kung hanggang saan ang lakas mo,” bulong ni Heda, habang demonyong nakangisi. “Hindi lang si ate ang makakalaban mo. Nandito pa ako,” singgit naman ni Opal. “Mas magandang laban, bata. Kahit na magsama kayo alam kong hindi niyo ako makakaya.” “Action speaks louder than you worthless words ika nga po nila,” nakangiting sagot naman ni Opal. Nakita ko ang inis sa mukha ni Heda. “Wala kang―“ Bago pa man saktan ni Heda si Opal ay pinigilan ko na ang kaniyang kamay na dumapo sa mukha ng bata. Mabuti na lamang at pinutol ni Maestro ang nag-aalab na bangayan sa pagitan nilang dalawa. Tumayo kaming lahat ng tawagin kami ni Maestro upang irepresenta ulit sa mamamayan ng zone 3. Ito na ang hindi ko hinihintay at inaasahang araw. Ito na ang magsasabi kong makakaya ko ba ang laro ng kamatayan. Ito ang magsasabi kung malakas na nga ba ako. “Kailangan ko itong maipanalo,” bulong ko sa sarili. “Ladies of Gentlemen of this zone! I would like to present to you our beloved brave players for the 119th Zone 3 Selection!” malakas na anunsiyo ni Bise Maes. Nagpalakpakan ang lahat habang ang iba ay bakas pa rin ang pag-aalala. “Best of luck, players!” - END OF CHAPTER 3 -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD