CHAPTER 4- THE BATTLE

2367 Words
IV - THE BATTLE Day 1 “Best of luck, players." Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Maestro. Alam kong magiging mahirap ang laro, pero kailangan kong lumaban. Hindi lang para sa sarili ko ang laban na ito sapagka’t kailangan kong protektahan si Opal. “May the luck be with you, players," saad naman ni Bise Maes. Marami pa ang narinig naming naging bilin ni Bise Maes pagkatapos umalis ni Maestro sa podium. Sabay-sabay kaming hinatak ng mga kawal bago kami isa-isang pinapasok sa loob ng isang machine. Blankong tumingin sa akin si Maestro Khein. Napatango siya na parang nagpapahiwatig ng kaniyang kompyansa sa akin. Hindi ko dapat biguin si Maestro pagkatapos ng lahat ng trainings na nagawa na namin. Nagsara na ang machine nang makapasok na ako rito. Unti-unting naglaho ang lahat nang aking nakikita dala ng nakasisilaw na liwanag. Nawala ang mga taong nanonood sa amin kanina. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ang paghinto ng machine. Pinakiramdaman ko muna ang paligid habang nakapikit. Nang iminulat ko ang aking mata ay nakita ko ang ibang manlalaro na nakatayo sa kani-kanilang capsule machine. Sobrang bilis nang naging pangyayari pagkamulat ko. Hindi ko kailanman inakala na magiging isa ako sa kalahok sa selection. Unang pumasok sa aking isip ay si Opal. Dapat sabay kaming makakalabas sa zone arena na ito ng buhay. Hindi kami nakapagpaalam ng maayos kanina sa aming pamilya. Masyadong naging sabik ang officials na magsimula ang selection. Hindi ito ang oras para maging mahina. Sana ay hindi umiral ang awa sa puso ko dahil maaaring ako pa ang mamamatay kapag nagkataon. “Ako at si Opal ang mananalo sa selection na ito at wala ng iba,” sabi ko sa aking sarili, kompiyansang maipapanalo ang selection. Pinagmasdan ko muna ang mga makakalaban namin. Nang mapadako ang tingin ko kay Opal nakita ko sa kaniyang mukha ang takot. Napalingon siya sa akin. Ginantihan ko kaagad siya ng ngiti para lamang mabawasan ang kaniyang kaba. “H’wag kang mag-aalala. Pro-protektahan kita,” sabi ko, walang boses. Tumango siya. Naintindihan niya ang sinabi ko kaya huminahon naman siya. “Players, be ready in the first stage of the selection. I want you to listen in everything I am going to say," bilin ni Maestro Khein. He was standing in front of us with the help of hologram. It is a device used to create multidimensional objects that seems to be physically present. Masasabi mong nandito rin siya sa magubat na lugar na ito kasama namin. Nakapamulsa lang siya habang patuloy sa pagpapaliwanag. The capsule machines are in the horseshoe arrangement. At the center were the different weapons that we can use when the game starts. We are focusing on the instructions and rules by Maestro. After everything he has said, I didn’t focus well. “You already know the drill, players. Only two amongst the ten will survive the selection and others will end their lives in this place. The two players reached the final stage and escaped the zone arena before it exploded, will be our next representatives on the upcoming 119th RSK Festival. Enjoy the game, players.” Mayamaya lang ay biglang naglaho si Maestro pagkatapos niyang magsalita. Hindi ko alam ang dapat na maging reaksiyon ko sa lahat nang narinig. Noon isa lang akong manonood ng laro. Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin ngayon dahil ako na ang isa sa maglalaro. “Let the selection begins in 3… 2… 1… ready, set, kill!" Mabilis kaming nagsitakbuhan papunta sa gitna ng madamong field. Kailangan kong makakuha ng gagamiting sandata sa laro. Nang makarating sa gitna ay kaagad kong pinulot ang isang malaking itim na bag at sharp blades na nakabalot sa tela. Abala rin ang iba na makakuha nang armas. Mabilis akong tumakbo sa direksiyon ni Opal. Nakikita ko na ang iba kung paano mag-agawan ng sandata. Nagsimula na rin silang maglaban. May ilan na sa kanila ang duguan at patuloy pa ring lumalaban. Ginagamit na rin nila ang kanilang potentials bilang proteksiyonan ang kani-kanilang sarili. Dali-dali kong hinila si Opal papasok ng gubat ngunit hinarang kami ni Heda. Agad nitong pinalutang ang mga dahon at malakas na ibinato sa aming kinatatayuan. Mabilis akong gumawa ng isang force-field, isang shield na kayang harangan ang kaniyang ginawang atake, gamit ang aking spell. Alam kong kaming dalawa ni Opal lang naman ang punterya ni Heda. Parami nang parami ang mga dahon na gustong basagin ang nagawa kong panangga. Hindi na ako nagdalawang-isip na dagdagan pa ng lakas ang ginawa kong force-field. Hindi ako dapat matalo ni Heda ng ganoon kabilis. Kayang kong pantayan ang lakas ni Heda. Alam ko ang ilan sa mga kahinaan niya dahil minsan na rin kaming nagtapat sa arena. “Ate!” Dinig ko ang pagtawag ni Opal sa akin habang nasa aking likuran. Alam kong hindi pa siya sanay sa ganitong pangyayari. Nakikita ko ang takot sa mga mata niya. “Huwag kang matakot, Opal. Ligtas ka basta kasama mo ako,” pagpapanatag ko. “Alam mo naman kung paano gamitin ang potential mo, hindi ba?” “O-opo, ate,” sagot niya, nanginginig ang boses. “Ibig sabihin ay kaya mong protektahan ang sarili mo. Palagi mo lang tandaan ang mga itinuro ko sa’yo sa training natin. Kapag marunong ka gumamit ng sarili mong lakas, alam kong mapro-protektahan mo ang iyong sarili. Naiintindihan mo ba ako?” “A-ano po ang i-ibig niyong sa-sabihin, ate?” “Mauna ka nang pumasok sa gubat at hanapin ang safe zones. Kagaya ng sabi ni Maestro kanina may limang safe zones sa loob ng gubat. Kung makikita mo ang blue, red, green, and yellow zones maaari kang pumasok doon. Hanggang nandoon ka walang gagalaw sa’yo,” paliwanag ko. Alam kong medyo hindi pa alam ni Opal ang takbo ng laro. Kaya kailangan niyang maintindihan ang lahat sa lalong madaling panahon. Nararamdaman ko na rin ang kapal ng mga dahon na bumabalot sa aking panangga. ”Pa-paano ka, ate?” “Ako ng bahala dito. Mauna ka na at hahanapin na lang kita,” bilin ko. Alam kong nagdadalawang-isip si Opal kung aalis siya. “Magkikita tayo, pangako,” sabi ko, pagbibigay sa kaniya ng kasiguraduhan. Kaagad na siyang tumakbo papasok ng gubat. Nang hindi ko na siya makita ay agad akong gumalaw sa paraan na alam ko. Kailangan kong tumbasan ang ginagawa ni Heda. Nakita ko lang siyang nakangiti habang ako naman ay nahihirapan kontrahin ang mga dahong ginawa niya. Mas lalo niya pang nilakasan ang kaniyang potential. Ramdam ko ang lakas ng lason na inihalo niya sa mga dahon para tunawin ang ginawa kong panangga. Nagpakawala ako ng isang spell sa itaas upang kontrolin ang lason sa mga dahon. Mayamaya lang ay naubos naglaglagan ang mga dahoin sa lupa habang nakangisi pa rin si Heda na kaharap ko. “You never fail to amaze me, Rumi.” Nginitian ko lang din siya. “You will never win against me, Heda." Hindi na ito sumagot at nagpakawala ulit ng isang poison spell sa paligid. Nakikita ko kung paano sakupin ng madilim na kulay ang hangin sa paligid. Hinawakan ko ang aking sariling katawan para bigyan ng proteksiyon. Nagsimula ko nang gamitin ang duplication potential ko at isa-isa itong pinupuksa ni Heda. “Idiot! Rumi!” Dinig kong sigaw niya. “This is not the right time, Heda. It's too fast if I'll kill you today. Mag-enjoy ka muna,” sigaw ko habang tumatakbo palayo. Nakahanap ako nang pagkakataon para makatakas sa kaniya. Nakikita ko rin naman ang patuloy niyang pagubos ng aking mga kawangis. Hindi niya alam na natakasan ko na siya. Iyon ang kahinaan ni Heda, hindi siya mapagmasid sa mga pangyayari. Masyado ring maaga para kalabanin ko si Heda dahil isa siya sa mga malalakas na kalaban. Takbo lang ako nang takbo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakaratingna ako sa dalampasigan ng isla. Napaupo ako sa puting buhangin habang hinahabol ang aking hininga sa ginawang pagtakbo. Hindi ko alam kung nasaang parte ako ng isla at kung paano ko mahahanap si Opal sa lawak nito. Lumapit ako sa tubig at tanaw ko rito ang maganda kong repleksiyon. Hinawakan ko ang tubig at bigla ko na lang naramdaman ang kakaibang lamig nito. “What the―“ Laking gulat ko nang biglang lumabas ang isang malaking pugita sa dagat. Kasing-laki nito ang isang trak dahilan mapaatras ako sa aking puwesto. Masyadong mapanlinlang nga talaga ang isla. Alam kong lahat ng ito ay kontrolado ng zone na nasa posisyon. Hindi ko nga lang inasahan na may ganitong mangyayari. “Lahat nang makikita at makakalaban mong mga nilalang sa isla, Rumi, ay gawa ng sensiya." Naalala ko ang naging bilin sa’kin ni Maestro Khein. Kaya hindi na rin ako mabibigla kung gugustuhin ng pugita na kalabanin ako na higit pa sa alam kong kakayahan niya. Dali-dali akong tumakbo palayo sa dagat habang umiiwas sa latigo ng kaniyang mga galamay. Hindi ko naman naiwasan ang isang galamay nito dahilan para magkaroon ng malaking hiwa ang aking leeg. “Ass!" napamura ko. “Ito pala ang gusto mong laro, ha? Sige, pagbibigyan kita!” sigaw ko sa pugita. Nagpakawala ako ng weakening spell upang pahinain ang katawan ng pugita. Ngunit nabigo ako. Wala itong talab sa kaniya kaya gumawa ako ulit ng marami hanggang sa nakaramdam na ako ng panghihina. Ito ang isa sa kahinaan ng aking potential kapag nagamit ng sobra. Nahihilo at nawawala ako bigla sa balanse. Pinilit ko pa rin na iwasan ang galamay ng pugita at gumawa ng isang shield. Hinampas niya ito dahilan upang kaagad na masira niya ang nagawa ko. Napagapang ako sa buhanginan nang muntikan niya akong tamaan ng kaniyang galamay na patuloy niyang iwinawasiwas. Nakahanap ako ng pagkakataon para makalapit sa kaniya. Tumakbo ako palapit sa kaniyang direksiyon. Mabilis ko rin na hinawakan ang bunganga nito. Nagpakawala ako ng isang liwanag mula sa aking potential sa kaniyang bunganga. Mabilis akong tumalon sa buhangin nang bigla siyang nagwala. Gumapang ako para makalayo habang pinagmamasdan ang kaniyang ginagawa. Nakikita ko ang pag-inda niya sa ipinakain kong weaking spell dahilan na humina ang kaniyang buong katawan. “Asshole!” mura ko sa kaniya, bago tuluyang sumabog ang kaniyang katawan. Kasabay ng pagkamatay ng pugita ang paglabas ng litrato ni Arl Seconde. Isa lang ang ibig sabihin nito, buhay pa rin si Opal. Hindi pa natatapos ang araw at may isa nang namatay sa laro. “Cura mi herida de nuevo,” bulong ko habang hawak ang sugat sa aking leeg. Ito ang spell chant ko para hilumin ang mga sugat. At nagagamit ko lang ito kapag may sapat pa akong lakas. Sa kalagayan ko ngayon ay kaya ko pang gamutin ang aking sarili. Unti-unti namang naghihilom ang aking sugat sa ginawa kong chant. Ito ang isa pa sa kakayahan ng potential ko. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit marami akong nagagawa sa aking potential. Samantala, ang iba ay ang mismong kakayahan lang na mayroon sila. Isang malaking katanungan pa rin sa akin ang nangyayari. Hindi ko naman alam kung bakit may ganito akong kakayahan. Sa tuwing nagkakaroon ako ng panibagong potential ay agad ko lang ito nagagawang kontrolin. Pero habang marami akong nalalaman tungkol sa kakayahan ko, mabillis din naman akong manghina depende sa lakas ng ipinapalabas kong potential. “Am I that good? Nahanap din kita rito.” Napalingon ako sa biglang nagsalita. Napangisi ako. “Kahit kailan hindi ka naging magaling,” walang tono kong sagot. “Pero kaya na kitang patayin gamit lamang ang aking kamay." “Gawin mo, Gara. H’wag ka nang maraming sinasabi,” I persisted. Agad nitong tinutok sa akin ang isang espada nang gumalaw ako. Naunahan niya ako sa pagkuha ng maliit na kutsilyo sa aking bulsa. Mabilis at matalino rin talaga si Gara. “Wrong move, Rumi,” sabi niya. “I’m not,” sagot ko. Mabilis ko siyang binalot sa aking ginawang weakeking spell. Gumawa ako ng tali gamit ang aking spell at ipinalupot sa kaniyang leeg. Kaagad naman niya itong naiwasan. She used the long bamboo hole and shot me using the paper bullets with poison. Sunod-sunod itong kumawala sa maliliit na butas ng kawayang hawak niya. Wala itong hinto sa pagtama sa akin. Umilag ako sa mga ginawa niya bala. Gumawa na rin ako ng harang sa aking harapan. I multiplied again to distract her attention. Ginawa niya naman nang mabilisan ang pagpuksa sa aking mga kahawig. Ito ang dahilan upang mas naging alerto ako. Hahanap lang ako ng tamang pagkakataon na makalapit sa likuran niya. Alam kong hindi niya inasahan ang bilis ko. Nasakal ko siya sa likuran. I smash her shoulder and c***k it. I heard how she screams from the pain, but I didn’t stop as long as I saw her standing. Then she fell on the sand. “S-stop it, Rumi! Hindi na ako lalaban pa. Sumusuko na ako!” pagmamakaawa niya, habang namimilipit sa sakit. I smirked. “Akala ko ba magaling ka, Gara? Sige, your wish is my command," tugon ko. Wala na akong inaksayang oras dahil kaagad kong ginamit ang aking potential. Hindi na siya nakalaban pa nang hawakan ko ang kaniyang ulo. Hinigop ko ang lakas niya dahilan makaramdam ako ng enerhiya na pumapasok sa aking katawan. Tuluyan na nga siyang humandusay sa puting buhangin. Makikita ang buto’t balat niyang katawan. Inubos ko ang lahat ng lakas niya. Ako ang nanalo sa laban namin. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong pumatay. “Mas kailangan kong mabuhay kaysa sa’yo. Ass!” sabi ko, bago tuluyang patayin siya. I used my knife and stabbed her dead body multiple times. The last stab was in his neck that created bleeding. The peaceful white sand changed its color into red as Gara’s blood keeps on scattering. In no time, Gara’s picture will appear on the sky. She’s now gone. I killed her using my potential. I couldn’t believe I am the one who end her life. I just need to protect myself. Hindi na ako ang dating Rumi na mahinang kilala nila. Kailangan kong maging matapang sa larong ito. “I won.” - END OF CHAPTER 4 -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD