V - THE ALLY
Day 2
Nagising ako sa kaluskos ng mga tuyong dahon. Dinig ko ang dalawang taong nag-uusap habang naglalakad papalapit sa aking kinaroroonan. Kaagad akong nagtago sa likuran ng isang mataas na bato. Dito ko na rin napag-isipan na magpalipas ng gabi kahapon.
It's the second day of the selection. It means that everyone will start haunting other players. Yesterday is just a preparation, but today until the end of the game will be more than bloody.
“Nasaan na kaya sila?” dinig kong tanong nito, boses ng isang babae. Nakilala ko naman agad ang boses― si Fritz.
“Malamang hindi pa sila nakakalayo sa atin,” sagot sa kaniya nang kausap niyang si Jhay.
“Dalawa pa lang naman ang namatay kahapon. Kaya dapat sisiguraduhin nating tayong dalawa ang mananalo,” tugon ni Fritz.
Hindi na ako magtataka kung bakit nagsabwatan ang dalawa. They are actually the real deal. The self-proclaim prince and princess of our university are teaming up. Their sections are possibly celebrating their team up for this selection. But, I won’t let them win the game. I and Opal deserve to live and represent our zone. I need to think on how to defeat them.
blag!
“Ass!” usik ko nang matabig ko ang kahoy sa aking likuran. Nagbigay ito nang malakas na ingay nang bumagsak ito sa mga tuyong dahon.
Nakita ko ang bigla nilang pagtigil sa pag-uusap. Hinanda nila ang kanilang sarili habang papalapit sa aking kinaroroonan.Maaaring alam na nila na may nagtatago rito sa malaking bato na ito.
“Tang*na, akala ko kung ano na. Iguana lang pala,” mura ni Jhay.
“S-salamat,” bulong ko, habang pinasasalamatan ang Iguana.
The iguana saved my life from my nearest death. I owe the iguana.
Hindi pa ako handang lumaban sa ngayon. Masakit pa rin ang katawan ko dulot nang nangyari kahapon. Mahina pa ako.
I was literally amazed how I communicated with that animal. Dumaan ito sa tabi ko kanina habang papalapit sa aking direksiyon sina Jhay at Fritz. It stared at me and I can’t explain how I had a communication with that animal. Basta ang alam ko inutusan ko siyang i-distract ang dalawa. Then the iguana did it.
“Ahhh!” Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa paligid. Dinig ko ang malakas na ingay sa 'di kalayuan.
“Tara, nandoon sila!” anyaya ni Fritz kay Jhay. Nagmadali silang tumakbo papunta sa pinanggalingan ng malakas na sigaw.
“Woh!” buntong-hininga ko sa sobrang kaba. "Muntik na ako do’n."
*****
Nagpalipas ako ng ilang minuto dito sa malaking tipak ng bato na pinagtaguan ko kanina. Sinubukan kong balansehen ang aking sarili pagkatayo ko. Ilang beses ko nang sinubukan tumayo, pero hindi pa rin kaya ng aking katawan. Nabigo ako ng ilang beses. Masyadong marami ang napalabas kong lakas kahapon.
I put my hand on my chest and try to heal myself with my chant. A flash of light came out on my hand. I can now feel how the current circulates in my entire body. I healed myself however it decreases my strength.
Ilang minuto pa ang aking sinayang. Hanggang sa sinubukan kong ulit na tumayo. Hindi ako nabigo sa huling subok ko. Nakatayo at nakalakad na ako.
Sinimulan ko na kaagad na hanapin kung nasaan nagtatago ang safe zones. Kumakapit lang ako sa katawan ng mga puno para makabalanse ng maayos habang naglalakad.
“Remember, there are five safe zones in the island, but only one of these zones can help you survive the game― the exit. The four remaining safe zones can be used as rest zones while the final safe zone will help you win the selection.” Nalala ko ang sabi ni Maestro Khein.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan papunta. Laking gulat ko na makita ang kumikinang na ilaw sa hindi kalayuan.
I found the safe zone which covered by a ray of blue. Hindi ko na sinubukan pang lumapit doon dahil magsasayang lang ako ng oras. Hindi ko naman nakikita si Opal sa loob nito. Walang tao ang safe zone.
Nagpatuloy lang ako sa paglilibot sa gubat. Sa kalagitnaan nang aking paglalakad ay nakarating ako sa isang parang lighthouse. Nasa kalagitnaan ito ng gubat.
Nang makalapit sa tore ay nagulat ako. Hindi ko naman inasahan na sobrang taas pala nito kumpara kung titingnan sa malayo. Pinagmasdan ko ang tore rito sa baba hanggang sa pinakatuktok. Alam kong sobrang mahaba ang aakyatin makarating lang sa itaas. But it can help me to find where Opal is. Makikita ko ang kabuuan ng isla kung aakyat ako sa itaas.
Inakyat ko ang ang tore kahit na nanghihina pa ako. Sinubukan kong tumingin sa baba kung gaano na ito kataas. Nandito na ako sa kalagitnaan pero parang masusuka na ako sa taas nito.
Nagpatuloy ako sa pag-akyat hanggang sa tuluyan ko nang narating ang itaas. Nagpahinga ako saglit pagkarating ko rito sa tuktok. Tanaw dito ang lawak ng buong isla. Pinapalibutan ito ng matataas na mga puno. Sa 'di kalayuan ay ang kulay asul na dagat.
Nakita ko na rin ang apat na safe zones base sa kulay nito. Nanggagaling ito sa kalangitan patungo sa lupa. Kagaya ito ng asul na safe zone na nadaanan ko kanina. Alam ko na kung saan ako pupunta kung sakaling hanapin ko ulit si Opal.
Payapa kong pinagmasdan ang kagubatan. Napakasarap langhapin ang sariwang simoy ng hangin. Dinig din ang huni ng mga ibon sa paligid. Kung ganito na lang sana kapaya ang buong city siguro lahat ay masayang namumuhay.
“Look who’s here.” Napalingon ako sa aking likuran. Hindi ko inasahan ang makakatapat ko ngayong araw.
“Welcome to our territory, Rumi. Masaya kaming naparito ka," nakangiting saad naman ng isa nitong kasama.
Binati nila akong dalawa ng demonyong ngiti. Ang tingin nila ay nagsasabi kung gaano na sila kagutom na makapatay ng kalaban. Alam kong hindi nila ako patatakasin ng buhay dito.
“H-how did you get here?” tanong ko.
“Syempre, nasa iisang lugar lang tayo, Rumi? Ganyan ka na ba katanga?” sagot ni Fritz.
Silang dalawa nga ang kaharap ko ngayon. Hindi ko inakala na magkikita kami rito. Akala ko ay nakaligtas na ako sa kanila kanina.
Nagkatinginan ang dalawa. Hindi ako nakahanda nang bigla nila akong sinugod. Natamaan ako sa tiyan ni Jhay nang sipain niya ako. Mabilis naman akong umilag nang akmang susuntukin ako ni Fritz. Pero hindi na ako nakailag nang sipain ako sa likod ni Jhay. Tuluyan na nga akong napadapa sa sahig. Ininda ko ang sakit ng ginawa nilang dalawa.
“Ahhh!”
Namilipit ako sa sakit nang hampasin ni Fritz ang aking likod. Sinubukan kong magpakawala ng weakening spell ngunit naunahan ako ni Jhay nang harangan niya ang aking kamay. Pinalibutan ng kulay abo na usok ang aking kamay. Mahigpit ang pagkakapigil nito sa kamay ko.
Isang malaking kahoy naman ang hawak-hawak ni Fritiz . Ipinatong pa niya ito sa kaniyang balikat. Hindi ako nakagalaw dahil sa bumabalot na spell sa aking kamay. Nagkaroon na si Fritz ng pagkakataon para ihampas ang dala niya sa akin. Napahiga na ako ng tuluyan sa sahig, nalalasahan ang dugo na bumulwak sa aking bibig.
I can’t explain what happened next. The wind blows strongly as it were trying to push someone. The leaves keep on swaying and birds starting to fly. There is something that the wants to tell me. I can feel its anger. It wants to save me.
“Pl-please, h-help me,” I whispered, pleading.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari nang lumipad sa ere sina Jhay at Fritz. I didn’t waste time to gather all my strength to stand. I immediately release my weakening spell in the air. It started to enter Jhay and Fritz’s body. I saw them choking from the spell I released. It slowly weakens their body. After a while the wind released them. They fell from the ground badly.
“M-madaya ka, Rumi!” garalgal na sabi ni Fritz.
She starts to cast her poison spell on the ground. It started to move quickly going to my direction. However someone stopped her potential to spread in the tower.
“Wala kang karapatan na saktan si ate Rumi!” maangas na sambit niya.
There I saw Opal standing meter away from me. She is the one who stopped the spell of Fritz. They have the same potentials, and to prevent someone’s potential, it should be fought by the same potential. Iyon ang nabasa ko sa libro sa library.
Kahalintulad ng taong mahalaga sa atin ang paggamit ng potentials. Nagiging mahina lang ang isang tao kapag ang mismong nagpupuna sa kaniya ay ang mga taong mas malapit dito. Pero patuloy silang magiging malakas at mapanganib kung walang taong gustong punain ang ginagawa nilang mali.
It is how the same potential works.
“You have made a wrong move, Fritz,” nakangiti kong sabi sa kaniya. “Your relationshit with Jhay won’t help you survive this game!” saad ko.
Nakadapa pa rin silang dalawa sa sahig. Matatalo ng kapareho nitong potential ang kakayahan ng kapwa nito potential. Subalit ilan lang ang nakakaalam kung paano kayang matalo ng kaparehong potential ang kapareho nito. Iyon ang itinuro ko kay Opal. Kaya napahanga ako dahil ngayon ay nako-control na niya ang potential ni Fritz.
Opal is trying to stop Fritz's potential; while Jhay keeps on hitting me with the gray-smoke balls he made. I can smell the acid he mixed with the balls. I started to create a shield. He keeps on throwing me his potential. I am still weak to halt his potential due to my condition. He slowly breaking the shield I made.
I cast my weakening spell again to make his body weaker. I saw how he endures from the pain while trying to continuously hit me. I succeeded to defeat him. Napaluhod siya sa sahig habang naghahabol ng hininga.
“Gusto mo bang ubusin ko ang lakas mo?” tanong ko kay Jhay.
“You can’t defeat us, Rumi. Kahit na pagsamahin pa kayong dalawa ni Opal!” malakas na sigaw ni Fritz.
“Ass!” Hinampas ko kay Jhay ang kahoy na hawak nila kanina.
“Kill us!” sigaw ni Jhay.
“Gagawin po talaga namin!” sagot ni Opal.
Opal made a snow made with poison and released it to Jhay. However when she hit Fritz direction, it created an explosion as their potentials clashed.
I get the sharp blade from my pocket. I cast a spell on the blade and throw it to Fritz’s direction. It strikes her neck. Until Fritz’s body collapsed on the ground, eyes wide open.
“Fritz!” sigaw ni Jhay. “Papatayin ko kayong dalawa!”
“Hindi namin ‘to ginusto. Pero mas kailangan naming mabuhay kumpara sa inyo,” sagot ko kay Jhay, mahinahon.
I command Opal to release a snow poison. I then mixed it with my weakening potential. Itinuro namin ito sa direksiyon ni Jhay. Wala na siyang nagawa kundi indahin ang sakit ng lason at weakening spell na pinaghalo namin.
Finally, Opal and I won the battle. Suddenly their pictures flashed on the screen.
Fritz Mifu ― Game Over
Jhay Negros ― Game Over
I run to Opal’s direction and hugged her tightly. I missed her so much. I would blame myself if something bad happens to her. I wished we could survive the selection. We will win this selection. We will make it ‘til the end. I have to trust her and myself. I need to hold onto my faith and hope.
“Thanks, you’re safe,” naluluhang sabi ko kay Opal.
“Kayo rin po, ate. Mabuti na lang at nagkita po tayo.”
- END OF CHAPTER 5 -