bc

Treat Me Right, Misis!

book_age18+
26
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
HE
age gap
arrogant
heir/heiress
sweet
bxg
lawyer
like
intro-logo
Blurb

Si Savannah George "Sage" Valencia ay nag-iisang anak at tagapagmana. Sa gitna ng karangyahan ay mas gusto nitong mabuhay ng simple at kumawala sa luho. Matatag din ang pangarap nitong maging isang sikat na pintor at talikuran ang negosyong kailanman ay hindi pumukaw sa kanyang puso. Ngunit nagbago ang lahat ng kanyang plano nang maakusahang mamamatay tao ang kanyang mga magulang. Sa takot na makulong ang mga ito, at kahit labag sa puso niya ay um-oo siyang pakasalan ang magaling na abogado ng kabilang partido upang ito mismo ang bumitaw at magpatalo. Alam niya sa sarili niyang ayaw niya sa lalaki lalo na ang pagtitig nito sa kanya nang malalim at pagngisi. Alam niyang pagpapanggap lamang ang pinapakita nito sa kanya at ang kanilang yaman ang habol nito kung kaya't siya na mismo ang umiiwas at tumatakas. Ngunit paano kung ang isang Atty. Delton Carancho lang din ang kayang sumuporta sa pangarap niya at magbigay ng kanyang kalayaan? At paano kung ang lalaki lang din ang kakayaning manatili sa tabi niya? Maibibigay kaya ni Savannah ang hiling nitong maging isang mabuting maybahay o pikit-matang hihiling ng hiwalayan?

chap-preview
Free preview
SIMULA
"Uuwi na ko! Please lang huwag mo na akong pipigilan!" may kalakasang sigaw ko nang marinig ang mga yabag niyang papalapit sa walk-in closet. Ilang araw ko ng binabalak ito ngunit lagi siyang nandiyan at nagagawa akong pigilan. "Hm, yeah, Savvy—" "Will you stop calling me Savvy? And please, let me go home!" putol ko sa panunuyo niya. "Am I stopping you from going home? I don't, Savvy." Kiniling nito ang ulo at sumandal sa hamba ng pintuan. Tumigil ako sa paglalagay ng damit at underwear sa maleta para lang maharap siya nang maayos. Ang kaso ay bagsak ang tingin nito sa mga damit kong nakakalat sa sahig. "You're not stopping me, but what the f**k with those guards on the gate, Delton? Display mo lang?!" Tumutok sa akin ang tingin niya at tila nag-isip pa kung sino ang tinutukoy ko. "Nakalimutan muna yata si Manong June at Manong Baldo," dagdag ko pa. Doon lang siya napatango, "Yeah. They are the subdivision guards. Do you want me to give them a day-off? Sure, I'll call them now, Savvy." Umakma pa siyang kukunin sa bulsa niya ang kanyang cellphone. "Wait, I forgot to buy load, Savvy," wala sa loob na bigkas niya bago binalik ang cellphone sa bulsa. "You are pissing me off, Delton. And please, stop with your lame endearment." Umirap ako at tinupi na lamang ang mga damit ko. Tumikhim siya at kita ko pa ang pag-ayos ng tayo ng mga paa niya. "Okay. So Savannah-" "Don't call me that!" "Fine. George-" "And not that one!" "Alright. Sage," malambing nitong bigkas sa pangalan ko. Mabilis kong sinara ang maleta at tumayo. "Better, Attorney. But that doesn't mean you can tame me. I still hate you." Ngumisi ako at pinaningkitan siya ng tingin. Ngunit imbis na kabahan ito at maalerto ay binalik nito ang ngisi sa akin. "The feeling is mutual, Baby-" "Then let's end this marriage, Delton!" Nawala ang ngisi niya at napirmi ang mga labi. Napaatras pa ako sa malalim nitong titig. Ngunit kalaunan ay napanguso ito, tila nagpapa-cute pa imbis na matakot sa hinihingi ko. "Sure, Baby. But you have to pay me back for those expensive seamless underwear you bought using my card. Earning money is not easy, and oh, pay for the processing of annulment too. Don't worry, I'll be your attorney," maangas niyang sabi, ngumisi muli bago ako tinalikuran. Umakyat yata ang inis sa ulo ko at hindi maiwasang ibato sa likod niya ang cycling short na napulot ko. "How dare you, Delton!" Tumigil siya at humarap. Sinulyapan pa ang cycling short bago ako nginisihan. "Dare me, Baby," hirit pa niya bago tuluyang lumabas sa kwarto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook