NABALOT ng takot si Ged. Paglingon niya sa paligid ay pawang kadiliman lang ang nakikita niya. Inangat niya ang kamay niya, saka sinubukan niya kumapa sa paligid. Ngunit walang kahit na sino ang naroon. "Gogoy," tawag niya sa kanyang asawa. Hinintay niyang sumagot ito. Ngunit lumipas ang ilang sandali ay wala pa rin sumasagot. Nagsimula na siyang matakot. "Gogoy!" malakas na sigaw niya, pero gaya kanina ay wala pa ring sumagot. Ilang beses pa niyang tinawag ito ngunit wala talagang naroon. Tuluyan na siyang iniwan nito. Napabalikwas ng bangon si Ged sabay sigaw ng malakas, saka habol ang hiningang tumingin sa paligid. Binalot niya ng kumot ang katawan niya. Isang masamang panaginip lang pala. Ngunit bakit tila totoo iyon? Humahagulgol na pinatong niya ang noo sa ibabaw ng dalawang tuho

