Chapter 3: Finally found her match

1637 Words
Chapter 3: Finally found her match (Chase-shin Park POV) "Charles Robert Darwin born on february 12,1609 studied Natural and Earth Sciences. He was the one who founded modern evolutionary theory. Whereis based on his study, we, the people came from apes. Agree class?" "No!" "Yes!" "How about you Mr.Park?" "Mr.Park? Mr.Park!!" "Aii! Muka kang kabayo!" "What??" Patay. Lintek na. Nakatulog pala ako sa gitna ng klase.Lagot na ako neto! Narinig ko pang humagikhik ng tawa ang mga classmate ko. "Sleeping in my class again?? Are you really a student Mr. Park?" "Sorry Sir. Puyat lang." Pangangamot ko sabay hikab. Wala talaga akong tulog dahil sa kakaisip sa nawawala kong bebe earphone. Letseng gangster na babaeng yun! Tinakasan ako sa Bus matapos niyang sabihing tutulungan niya ako sa paghahanap nun. Iniyakan ko pa naman siya nun para makosensiya siya. Aish! Pag nakita ko siya ulit,ibebenta ko talaga lamang loob niya sa mga kulto!! "Mr.Park, you may go now" "Saan po?" "Ahahahahahahaha!" nagtawanan na naman ang mga classmate ko. "Quiet!! You Idiot! You're out of the world!" nangungugat nang sigaw ni Sir. Highblood talaga tong kalbo sa akin. Baka naman naiinggit siya kasi napaka-astig ng buhok ko. Mas astig nga yung sa kanya kasi kumikintab pa eh. Haha. "Sorry Sir.." pangangamot ko. Hindi kasi ako nakaligo kaya parang may dandruff ako sa ulo. Ews "Maaari mo bang ibahagi sa amin ang nasa iyong isipan? Kanina ka pa wala sa sarili at mukha kasing interesting yang iniisip mo eh." "p**n sir este iniisip ko lang po ang tungkol sa discussion natin sir. Hehe.." pangangamot ko kahit di ko naman alam kung anong topic namin ngayon. Yung mga classmate ko parang baliw na nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa akin. Imma look funny? Sa gwapo kong toh? Pagtatawanan lang nila? "Ow? So you're listening pala sa lecture ko?" wala sa kumbinsido niyang Pagkakatanong. "Ok fine, palalagpasin ko 'tong ginawa mo ngayon Mr.Park PAG nasagot mo lang tong tanong ko." panghahamon niya "Haysus sir! Siguradong sisiw lang yang tanong mo sir." kunwaring with high confidence kong sabi. Pero deep inside, nininerbyos na ako. T.T Pinagpawisan na ata ako eh, di ko pa naman alam kung anong topic ngayun. "Ok, my question is, do you agree about the theory of evolution that Man are came from apes?" "Pffftt!" natawa ako sa tanong ni Sir. Pero tumigil din ako nang tignan niya ako ng masama. Tinignan ko yung mga classmate ko na halatang nag-aabang sa sagot ko. "Sorry, I beg to disagree that Sir." Seryoso kong sagot. "Oh really? Why?" curious niyang tanong "Because..Because..Umm..Ano ba sa english yun..Can i speak tagalog Sir?" ang hirap kayang mag-english! "No! Speak in english!!" Haish! I really hate english! I'm gonna nosebleed kasi! "Because...umm...because not all pipol look like a monkey Sir! Look at me Sir, in my handsome face? You telling dat i came from monkey? And beside, if i am from the planets of the apes, Why is that you look like a horse that living in a quadra?" Mayabang na sagot ko at nagtawanan na naman mga classmate ko. "Wuhahahahahaahahah!" "Ganun ba?! Eh ikaw?! Sa tingin mo saan ka nanggaling aber?!" naaasar na talaga si Sir. Hihi. "Sus! Simple question. Saan pa ba? Eh di sa Magulang ko!" "Wahahahahahahahahahaha!" tawanan na naman mga classmate ko. "May tama ka Chase! Ahaha!" "Idiota! Wala ka talagang nasasagot na tama! Puro ka kalokohan! You get out of my class now!" "But Sir! I'm just answering the right answer to your question and answer portion Sir!" "I said get out!" *pout* Naglakad na lang ako patungo sa pinto. Nag-yes sign pa nga ako sa mga classmate ko eh. Ahaha. Lalabas na sana ako ng may pahabol pang sermon si Kalbo. "Ang mahal mahal ng tuition fee na binabayad ng magulang mo dito tapus matutulog ka lang sa klase? Kung hindi ka naman tulog, puro kalokohan pinagagawa? College na pero napaka isip bata!" Sermon ba yun o pang-iinsulto? Nagmake face lang ako bago lumabas sa pinto. At bago pa ako umalis ng tuluyan ay may pahabol din akong sinabi. "Ang mahal mahal ng tuition fee na binabayad ng magulang ko tapus ikaw pinapalayas mo lang ako dito sa klase mo?" "Ahahahahahaha!" *classmate "MR.PARK!!" *Zooooooooomm! Bago pa sumabog ang canyon sa ulo ni Sir ay the flash na ako sa pagtakbo. Mwahaha. Pilyo lang eh. Pake niyo? Nakaka-inis kasi, ang dami kong problema. Pinalayas kasi ako ni Papsie (Daddy) sa mansyon dahil lang sa isang nabigo kong misyon. Pinalayas niya ako para daw matuto sa pagkakamali ko at mabuhay bilang isang independeng lalake eh tumatabi pa nga ako minsan kay Momsie sa kama tuwing matutulog na ako eh. *sniff* I miss my Momsie na tuloy. *sniff* At ngayong alone na lang me, kailangan makahanap na me ng sideline para pambayad ng apartment, pagkain at personal hygiene ko. Pero saan naman ako maghahanap ng trabaho? Ok lang naman kahit anong trabaho eh kahit Manager or Supervisor or President or CEO lang sa isang companya. Pwede na yang ganyang posisyon. Mapagtatyagaan na yan. Wait. Kapalaran nga naman talaga oo. Napadaan ako sa Bulletin board at nabasa ko ang nakapost na papel dun, Job Hiring daw sa Ferrio Corporations. Walang nakalagay kung anong klase ng posisyon ang hinahanap nila. Wooh! As what I know, this company is one of the top companies here in Philippines and they had the most biggest contribution in Asia. Bigtime! Mag-aapply ako diyan. Hihi. Magtatanggap naman siguro sila ng Working student di ba? Ok lang yan. Gwapo naman ako eh. Asset ko kaya to! Duhh (Demion Angelou's POV) "Wala ka pa rin bang napipili?" bungad na tanong sa akin ni Aiana pagkalabas ko ng Office. "They are all failed for just one simple question." walang gana kong sagot. Naglalakad na kami sa lobby. "Really? Of all 47 applicants? Ano bang klaseng tanong yan? Baka naman pang professional interview ang ginawa mo sa kanila? Remember, you're just only looking for your sister's personal butler." "Yeah i know. But this is not just an ONLY job. This is an important and private job for my sister. Mas mahalaga toh kesa sa Manager dito. Hindi pwedeng basta-basta na lang akong mag hire diyan ng applikante at ipagkakatiwala ko siya sa kapatid ko. Hindi niya lang aalagaan ang kapatid ko kundi poprotektahan niya din." paliwanag ko then sumakay na kami sa elevator patungong first floor. Sakto namang pagbukas ng Elevator ay napansin agad namin si Angela na may nakabanggang isang lalake sa may reception area. Estudyante pa ata dahil naka uniform pa. "ARE YOU BLIND?!" bulalas ni Angela sa lalake. Lalapitan ko na sana sila para suwayin siya pero napatigil ako dahil sa pagsagot nito sa kanya. "MUKHA BA AKONG BULAG?! Sa tingin mo makakarating ako dito kung bulag ako?!" bulalas din na sigaw nitong lalake. "Atsaka akala mo ba nakalimutan ko na ang kasalanan mo sa akin?! Ang earphone ko ibalik mo!" "Oh really? Have we met before?" pagpapaka-inosenteng tanong ni Angela. Alam kong inaasar niya lang ito. Sinenyasan ko lang yung security na wag na muna silang pakealaman. "Waw! Grabe! Sa gwapo kong ito? Makakalimutan mo lang? Hanep mo rin eh noh? Di mo ba ako nakikilala? Ako lang naman ang pinaka sikat na soccer player sa school nameen! Tinagurian pa nga akong The Golden right foot!" sabay demo ng isang sipa  sa harap ni Angela Hindi ko maintindihan pero bigla na lang akong natawa habang pinapanood sila. She finally found her match. And i think, i found the solution of my problem. "Gwapo? Saang banda? Sikat? Sa kalokohan, tama ba? Ahahahaha. Patawa ka talaga eh noh? Napaka GGSS mo." she smirked. "Will you please get out of my sight? You're blocking my way dude.  And I don't have time to talk to a nonsense idiot like you, you're just wasting my precious time. Tsk!" "Waaaaahhh!! No way! You have to pay me first for throwing my earphone that worth of 20,541.75!" What? 20k+? Just for an Earphone? "Ow? 20k lang? Don't worry i will pay you. But for now, utang muna ha? And idagdag mo na lang din tong gagawin ko sayo sa listahan ng utang ko." at nagulat kaming lahat ng biglaang sinipa ni Angela ang pagkalalake nito. "Aaaaaaahhhhh! Tangina mo hundred times!!! Ang lahi koooo!" Sumusobra na siya. She don't have to do that. Lalapit na sana ako sa kanila para pigilan siya pero pinigilan naman ako ni Aiana sa pamamagitan ng paghawak niya sa kamay ko. "Let them be" "But she's being too much!" "Keri ni Guy yan. Ang cute nga nilang panoorin eh. Hihihi" "That's what you get for blocking my way. I'm warning you boy, dare to mess me again at makikita mo na talaga kung ano pa ang magagawa ko sayo. Tabi nga!" sabay tulak at saka tuluyang umalis si Angela. "Urrrrrrrggggg! Humanda ka sa akin! Pag ako nabaog rereypin talaga kita! Ahuhuhu! My Babies." pahabol pa niyang sigaw habang hawak pa rin ang pagkalalake niya. Napailing na lamang ako sa nangyari. Napatingin ako kay Aiana na nakangiting nakatingin sa akin. "Naiisip mo rin ba ang nasa isip ko Honey?" ngiting tanong niya. "Yeah. Pero mukhang gulo ang mangyayari if ipagsasama natin sila sa iisang bahay." "Mukha nga pero diba exciting yun? Nakita na rin natin sa wakas ang taong pwedeng makatulong sa atin kay Angela? And i'm surely sure that, that guy is who are we looking for." "Yeah i hope so." i sighed. Pero susubukan ko pa rin. Tinitigan ko ulit yung lalake na ngayo'y namimilipit pa rin sa sakit dahil sa nangyari sa kanya habang tinutulungan na siya ng security guard namin. That guy. He's something. Parang nakita ko na siya before pero di ko lang matandaan kung kailan at kung saan. Pero sa tingin ko, siya na ang makakatulong sa akin. At sana, matulungan niya ang kapatid kong magbago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD