Chapter 2: I don't talk to strangers

2110 Words
Chapter 2: I don't talk to strangers (Devie Angela's POV) Isang napakalakas na tugtog ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa High Construction, isang hideout na lugar para lamang sa mga mayayamang Gangsters o mga nagpapanggap lang na malalakas. Tuwing hating gabi lamang ito bumubukas at malamang sa malamang halos lahat ng mga miyembro ng High Construction Org ay nagtitipon-tipon dito hindi para gumawa ng gulo kundi para magsaya. And i just wanna inform you all that I AM NOT ONE THEM. I'm not a Gangster though i  look like one. The owner of this hideout is my Childhood friend. Kaya hindi ako pwedeng sitahin ng mga members dito kahit gusto nila akong paalisin. Bitter ang ibang members sa akin dito sapagkat, Ako lang ang nakatalo sa Boss nila. That means, MAS malakas ako sa kanila. Cool right? Hell I care. Patuloy lang ako sa paglalakad. May mga humaharang pa sa akin para imbitahan akong makipag-inuman sa kanila. "Hi pretty, wanna join with us?" "Center of Attention ka dito Miss, baka naman pwedeng maka-isa?" "Tara sa VIP?" Hindi ko na sana sila papansinin kaso hinawakan ng isang barumbado ang beywang ko. "Get off your filthy hand of me"  pagbabanta ko habang tinitigan sila ng masama. Mukhang natakot ata sila at umalis na. "Tss.." Dumiretso na lamang ako sa Bar counter at umupo sa Stool. "Where's your Boss?" tanong ko sa Bartender. "N-nasa VIP room po Miss." Tumayo ako at tumungo sa VIP room. Narinig ko pang may sinabi yung Bartender. "Naku Miss, bawal po siyang istorbohin ngayon." Pagbukas ko ng pinto. "Tch.." ismid ko. Humalukipkip ako at sumandal sa gilid ng pinto habang pinapanood ang making out session ng kababata kong si Axelle Louise kasama ang di ko kilalang proste "Devie??" gulat niyang reaksiyon ng makita ako at naitulak pa niya ng malakas ang babae niya dahilan para bumagsak ito sa sahig. "Ouch! Babe naman!!" - proste "Tsk. Sorry for disturbing your making out session. Just continue there and enjoy your hot night together." ngisi kong sabi atsaka ko ulit isinara ang pinto at bumalik sa may Bar counter. Umorder na lang ako ng isang wine ng tiquila. Iinom na sana ako ng may marinig akong may nagmumurahan mula sa likod ko. "F*ck*ng sh*t!!" "Nako, pasensya na. Di ko po sinasadya!" "Anong hindi mo sinasadya?! Wag kang magmaang-maangan diyan! Kitang kita kong sinadya mo akong banggain! Sino Boss mo ha!?" Mukang gulo na nga toh. Inikot ko ang stool ko paharap sa may nageeksena. Halos lahat nakahinto sa mga ginagawa nila at nasa gitna lang ang atensyon nila. Isang maliit na lalake na pinapalibutan ng tatlong hoodlum ang agaw eksena sa gitna. Mukha ngang natapunan niya ng beer ang damit ng isa sa hoodlum. "Ako ang boss niya. Bakit?" napatingin ang lahat sa isang lalake na bigla na lang nag appear sa tabi nung lalakeng maliit. He looks like one of them, Gangster. Sa titig pa lang niya, mapapaatras ka. "Ikaw ang boss?!" singhal na tanong ni isang Hoodlum "Oo nga sabi! Gusto mo ba ng gulo?!" di papatalong sigaw nitong isang toh. Tch, Mukhang exciting. I really love watching live show. Mas thrill at intense. Kalmado lang akong nanonood sa kanila. "Oo!! Gusto namin ng gulo!!" paghahasik na sigaw nung isa pang Hoodlum habang pinapagalaw ang malaking dibdib niya. Nakita kong napangisi itong Boss na toh. "Tch. Yun naman pala eh." sabay lagutok ng kamao niya, senyales na handa na niyang suntukin ang mga hoodlum. Dahan-dahan niya nang binu-buwelo ang kamay niya. Inaabangan na lang namin ang magiging malakas na pagdapo ng kamao niya sa mukha ng hoodlum na nasa harap niya. Pero nabigla kami ng bigla siyang lumuhod at-- "Patawad po! Patawad po! Di na mauulit ng pinsan ko yun! Wag niyo kaming saktan! May pangarap pa po ako! Pangarap ko pa pong makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho! Pati rin po makabuo ng isang batalyong pamilya! Maawa po kayo!" What the??! "Pfffttt!! Ahahahaha!" s**t! Di ko napigilang humagalpak ng tawa habang hawak ang tiyan ko. Naibuga ko pa ang iniinom kong tiquila sa katabi ko. Lahat ng atensyon ng mga tao ay sa akin napunta. Ang we-weird pa ng mga titig nila. Pake ba nila? Eh natawa ako sa stupidong boss daw na toh eh. "Oh? Tinitingin niyo diyan? Ngayon lang ba kayo nakakita ng magandang humahagalpak ng tawa?" nakataas kilay kong tanong matapos ang moment ko sa pagtawa. Kung makatitig sila parang first time nilang makakita ng taong tumatawa. Tss "Kami ba pinagtatawanan mo ha?!" singhal nitong panget na hoodlum. "Obvious ba?" kalmado ko lang habang naka cross legs akong nakaupo sa stool at nakasandal sa counter table. I smell something war right now. And tiyak na mag eenjoy ako nito. *smirk* *BLAAG! Nagulat ang lahat ng bigla niyang ibalibag ng malakas ang table na nasa harap niya. Siga naman siyang lumapit sa akin. "Mukha ba kaming nagpapatawa huh?!" singhal niya ulit sa harapan ko. "Hindi. Mukha kayong katawa-tawa." wala sa takot kong sagot. Bigla niya akong kinuwelyuhan. "T-teka po S-sir.. Kami po ang may kasalanan! Atsaka, babae po siya. Wag niyo po siyang idamay.!" epal na sambat nung stupidong boss. "Wala akong pake-alam kung babae siya!!" sigaw niya. Amoy na amoy ko pa ang napakabaho niyang hininga. Bwisit. "Hoy! Gusto mo ba ng away ha??!" sigaw niya uli sa akin. "Ayoko ng away. Ang gusto ko ay........Gulo." i smirked then awtomatiko kong sinupalpal sa mukha niya ang plato na may lamang mani na kanina ko pa hawak sa may counter top dahilan para mabitawan niya ang kwelyo ko. "Aahh! Bwisit!" Tumayo ako agad sa stool at inagaw mula sa bartender ang dalawang aluminum cup na hawak nito. Inilagay ko ito isa-isa sa kamay ko at ito ang ginawa kong glabs para masuntok ng malakas ang tatlong hoodlum na umaatake na sa akin ngayon. I really love fighting. Sa tuwing ginagawa ko 'to ay parang nakakaramdam ako ng peace of mind. Yeah, peace of mind for me. Hell you care? Patuloy pa rin ang gulo na nangyayari dito. Isa laban sa tatlo in favor of me, of course. Rinig na rinig ko pa ang hiyawan at cheers ng mga gangsters na nakapalibot sa amin. Magang-maga na ang mga mukha nila dahil sa suntok na natatamo nila mula sa akin. Sa tuwing sinusunggaban nila ako ay mabilis na nahahawakan ng kamay ko ang damit nila at hinahagis sila sa kung saan-saan. Yan ang napapala ng mga taong kinakalaban ako. "P*tang*ina! Kababae mong tao ang lakas lakas mo!" nanghihinang sigaw niya habang dumudugo ang ilong at bibig. Knock-out na silang tatlo. Napangisi ako sa sinabi niya. "Yeah tama. At nakakahiya sa inyo dahil natalo kayo ng isang babaeng tulad ko." pagmamalaki ko. "Well in fact, kulang pa nga yang natatamo niyo eh." dagdag ko pa. Lumapit naman ako sa kanila na nakahandusay sa sahig. I leaned down para makalapit sa pagmumukha nila. "You want me to show you what's the best part of me?" i teasingly asked. "H-hindi.." mukhang natakot naman sila dahil nanginginig silang umiling. "Good. Dahil ayaw ko ring mabahiran ng dugo ang kamay ko ng dahil lang sa pipitsuging hoodlum na tulad niyo." tumayo na ako at tumalikod sa kanila. Pero bago ako umalis. "What are you staring at? That's the end of the show! You may now continue the party!" Nagsi-iwasan naman sila agad ng tingin sa akin at nagkanya-kanya nang may ginagawa. "Wow! Ang astig nun! Grabe ang galing mo gurl! Bravo! Member ka ba ng Wrestling club??" napalingon ako dun sa taong bigla-bigla na lang pumalakpak. Yung stupid guy na nagpapanggap na boss. Hindi porket na natawa ako sa kanya is exempted siya sa akin. Lalapitan ko na sana siya ng dumating naman si Axelle. "Hey! What's going on here?" atsaka pa lumabas tong kumag na 'to na tapos na ang show. Inuuna pa kasi ang kalibogan eh. Lumapit ako sa kanya. "Huli ka na sa show Leader. Look at your 3 alipores." sabay turo ko sa tatlo. "Anong ginawa mo sa kanila Dev??" at sa kanila pa siya nag-alala! "Tss. I tought them a lesson lang naman Axe. And i think it's your responsibility to call an ambulance. Mukhang napuruhan ko nang masama eh. Sorry." sabay tap ko sa balikat niya at tuluyan na akong umalis. Pagkarating ko sa parking area ay napamura na lang ako ng makitang Flat ang gulong ng kotse ko. "Haisst! Bwisit!" agad kong hinablot ang phone ko sa bulsa at tinawagan si Axe. "Hoy! Take care of my Manica here. Ipa-vulcanize mo na rin. Kukunin ko na lang siya bukas. Thanks." Hindi ko na inantay ang sagot niya dahil ini-off ko agad ang phone ko. Wala akong panahon para pakinggan ang reklamo niya. Btw, Manica ang name ng kulay Black and Pink na ferrari ko. Walang basagan ng trip diyan. Dali-dali naman akong tumakbo patungo sa Bus Station. Nakasalubong ko naman yung stupid guy sa station na may dala-dalang bagahe, naghihintay rin siguro ng bus. "Hi!!" super wide smile niyang bati sa akin pero di ko siya pinansin. Tumabi pa siya sa akin. "Alam mu bang ang galing-galing ng ginawa mu kanina! Grabe! First time kong maka encounter ng babaeng sobrang galing sa martial arts! Usually kasi sa T.V ku lang napapanood ang galaw na yun! Bilib na bilib talaga aku sa angking galing mu grabe!" tuwang-tuwa siya sa lagay na yan. Pero di ko pa rin siya pinapansin. "By the way, ako nga pala si Chase-shin Park. From the pearl of the orient sea, Philippines! I'm 20 years old. Taking up Psychology in Charmz University. How about you what is your name?" full detailed niyang pagpapakilala pero di ko pa rin siya pinapansin. "Hey, are you listening? I am talking to you. Are you deaf?" talagang humarap pa siya sa akin at winagayway ang kamay niya sa harap ng mukha ko. Tinignan ko naman siya. "Sorry. I don't talk to strangers." straightforward kong sagot. "Aii Ganun? Damut.." kitang kita ko sa peripheral view ko na humalukipkip siya at ngumuso na parang bata Ilang saglit lang ay may dumating na na Bus. At ang bwisit talagang inunahan pa ako sa pagpasok. Bitter lang eh. Pumasok na ako sa Bus. At sa kamalas-malasan ay wala nang bakanteng upuan except sa inuupuan ng gonggong na Chase na yun. Hindi ako bobo para di maalala ang sinabi niyang pangalan. Haish. No choice kundi maki-upo sa tabi niya. "Hey, pwede bang maki-upo?" di pa nga siya sumasagot ay umupo na ako "Aish, hanep ng babaeng toh. Ang sama ng ugali." rinig kong BULONG niya. "What did you just say??" Tinignan niya lang ako at inirapan. Bastos 'to ah! "Hoy! Sinusubukan mo ba ako ha?!" inis ko. Pero ang walang hiya di ako pinansin at naglagay pa ng earphone sa tenga niya. Sa inis ko ay hinila ko ang isang earphone niya. "I am talking to you! Wag kang bastos!" But he just look at me like the way i looked at him a while ago. "Sorry. I don't talk to Strangers." What the hell?? Bwiisiit! Ginaya pa niya talaga ako kanina! Dahil sa sobrang inis ko ay hinila ko ang pares ng earphone niya and i throw it away out of the bus. "What the??! Why did you do that??" nashock niyang sigaw. "That's what you get for pissing me off!" sigaw ko rin. Galit na galit siyang tinitigan ako. Akala ko sisigawan niya ako o susuntukin pero mas nagulat ako ng biglang-- "Uwaaaahhh!!! Mommy!!" What the hell is wrong with this guy?? Bigla na lang siyang humagulgol ng iyak na parang bata! Napunta tuloy ang atensyon ng lahat ng pasahero sa aming dalawa. At sobrang nakakahiya ang ginawa niya. Kalalake niyang tao tapus umiiyak siya na parang bata diyan? "Mommy! *sniff* Ang earphone ko! *sniff*" "Hey stop it. Earphone lang yon." at mukang nakonsensya pa ako sa ginawa ko. "Pero may Sentimental value yun para sa akin! *sniff* Bigay yun ng Mommy ku galing New york! *sniff* Yun ang pinakamahal na brand ng earphone sa new york! Tapus tinapon mo lang na parang laruan?! How dare you! Ahuhu! *sniff*" Aish. Peste. Anong gagawin ko dito? Mukhang di 'to titigil sa pag-iyak. "Haish. Look, sorry for what i did. I will pay you for that thing. How much is that earphone ba?" Tumingin siya sa akin na namumula ang mata at ilong dahil sa iyak niya. s**t. Ang cute niya. "Di mababayaran ng kahit ilang salapi ang bagay na yun! Mahalaga yun para sa akin! All you have to do is to find that thing! And give it back to me without even a bit of damage! Or else, kakasuhan kita ng theft! That's a warning!" WHAT THE HELL?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD