Chapter 2

2220 Words
Napangiti ako ng ihatid ako nito sa harap ng unit ko kahit pa magkapitbahay lang naman kami. "So.. goodnight?" Ngumiti ako dito at tumango bago isinarado ang pintuan. Natutuwa akong magkaroon ng kaibigan pero may takot rin akong nararamdaman. But I'm strong. Kahit ano pa kahihinatnan nitong pagkakaibigan na ito, tatanggapin ko. Hindi naman siguro ako nito pinagtri-tripan. Natawa ako sa iniisip ko. Paano kung ganoon nga? Tanong ko sa sarili ko. "Makatulog na nga." Bulong ko bago ako pumasok sa kwarto at natulog. Kinabukasan ay nagising ako ng mag ring ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko, wala naman akong trabaho ngayon dahil day off ko. "Hello?" Inaantok ko pang sabi. Tumingin ako sa orasan and its still too early.. "Hai." Napamulat ako ng ma recognize ang boses nito. "Saan mo nakuha number ko?" Nagtatakang tanong ko dito pero tumawa lang ito. "Binigay mo sakin kagabi. Ulyanin ka na ata" sumimangot ako sa sinabi nito. Aba kung makapanglait akala nito sobrang tagal na naming magkaibigan. Medyo feeling close, medyo lang naman.. "Ang aga mo naman ata napatawag?" Tanong ko dito. "Wala lang.." kumunot ang noo ko. Ano trip lang? "By the way. Punta ka dito sabayan mo ako mag agahan." Sabi nito kaya napangiti ako at pinatay agad ang tawag ng hindi nagpapaalam para makapagligo na. Wala pang sampung minuto ay tapos na ako. Simpleng tshirt lang at pantalon ang suot ko. Kumatok ako sa pintuan nito at nang pagbuksan na ako nito ng pinto ay bumungad saakin ang gwapo kong kaibigan. "Ang gwapo naman.." ngiti ko dito at pinisil ang pisngi nito bago pumasok. Oo na. Pareho na kaming feeling close. Umupo ako sa sofa at pinaandar ang TV habang ito naman ay kumuha ng pagkain sa kusina. Bumalik ito ng may dalang tray. Ipinatong nito ang tray sa coffee table at umupo sa tabi ko. Kumuha ako ng isang plato at nilagyan ito ng fried rice, hotdog and egg. The usuall breakfast. Ibinigay ko ito kay Triton bago ako kumuha ng akin. Kumakain lang kami habang nanunuod ng palabas in titled Midnight Sun. "Tama bang hindi sinabi nong babae na may sakit ito?" Biglaang tanong ni Triton na nagpatigil sakin. "Ahm.. ewan?. Gusto lang naman kasi no'ng babae na maramdaman kung paano ituring ang isang tao na normal at walang sakit." Tumingin ako kay Triton at nakita itong titig na titig sakin. "What?" Nagtatakang tanong ko. "Ang ganda mo.'' Pabero ko itong sinapak dahil sa sinabi nito. Siguro sobrang pula na ng pisngi ko ngayon. "Eh? Manood na nga lang tayo." Sabi ko dito bago bumalik ulit sa panunuod. Narinig kong tumawa ito kaya napairap ako sa sarili ko at hindi nalang ito pinansin. Ilang sandali lang ay napatingin ako kay Triton ng may pinahid ito sa pisngi ko. "You're crying.." Anito habang pinupunasan ang luha na namimilisbis sa pisngi ko. Ngumiti ako dito at iniwas ang tingin. "Wala! Na carried away lang ako" peke akong tumawa dito. What if ganoon din ang ending ng storya ko? Saglit lang magiging masaya.. Damn this heart. "Stop crying.." Anito habang patuloy parin  pinupunasan ang pisngi ko. Tumango ako dito at ngumiti. "I'm sorry.." natatawa kong sabi dito. Well.. masyado lang akong nadala sa pelikulang 'yon.. Ngumiti ito at isinandal ang ulo sa balikat ko. "Feeling close ka na naman.." natatawang sabi ko. Ngumiti lang ulit ito at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kumain ay napag pasiyahan namin na pumunta sa terrace kung saan tanaw mo ang naglalakihang mga building. "You know what? Noon pa kita nakikita diyan sa terrace mo." Itinuro nito ang katabi nitong terrace na siyang akin. "What? Kaya pala familiar 'yang mukha mo.." "Lagi mo lang naman akong nilalampasan noon sa tuwing nagtatagpo tayo. Para tayong hindi magkapit bahay ah.." natawa ako sa sinasabi nito. Nakanguso pa ito na para bang bata itong hindi binigyang pansin. "Hindi naman kita namamalayang dumadaan ah?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Kumunot ang noo nito "Ang labo naman ata ng mata mo kung ganoon?" Ngumiwi ako sinabi nito. Totoong hindi ko ito nakikita kaya paanong mapapansin ko ito? "Una sa lahat, totoong hindi kita napapansin at pangalawa--" kinurot ko ito  sa tagiliran dahilan ng pagdaing nito. "--Hindi pa ako bingi kaya tumahimik ka kung ayaw mong tahiin ko yang bunganga mo." Mas lalong humaba ang nguso nito. "Ang buong akala ko mabait ka" anito kaya natawa ako. "Mabait naman talaga ako" umiling iling lang ito. "Oo na. Mabait kana." inirapan ko ito. Totoo naman ah. Hindi naman talaga ako mataray. Nagsimula lang noong umalis ako sa kamay ng mga kamag anak ko. Natutunan kong pag naging mabait ka sa lahat ng bagay, may posibilidad na gamitin nila iyon laban sayo kaya dapat ilugar mo yang bait mo. Hindi lahat ng tao may konsenya.. Ilang minuto kaming naging tahimik bago ako unang nagsalita. "Nasaan nga pala mga magulang mo?" "Nasa cavite.." maikling sagot nito kaya hindi na ako nag abala pang dagdagan ang tanong ko dahil halatang halata naman na ayaw nito sa topic na iyon. Siguro kailangan pa ng medyo mas mahabang oras para makilala namin ang isa't isa bilang magkaibigan. "Ikaw? Nasaan magulang mo?" "In heaven." Gulat itong napatingin sakin kaya ngumiti lang ako dito at tumango. "s**t! I'm sorry." "Nah.. it's okay, tanggap ko naman na." Tanggap ko nang kahit kailan hindi na ito babalik pa. Nahirapan ako oo, pero siguro naman may magandang plano ang panginoon para sakin diba? Tumingala ako sa langit. Kumusta na kaya sila diyan? Masaya na kaya sila ngayon? Kasi ako hindi. Tanggap ko pero hindi ako masaya. "You know what? May lugar akong alam puntahan pag may problema.'' Ibinaling ko ang tingin dito. "Saan naman?'' ngumiti ito at tumayo na. "Secret.." NAKARATING KAMI sa isang garden.  Nakatago lang ito sa isang lugar na unang tingin palang ay alam mo nang iilang tao lang ang nakakaalam. Napapahanga akong napatingin sa paligid. May fountain sa gitna na may imahe ng isang magandang babae na tila may inaabot sa langit at doon sa kamay nito nagmumula ang tubig na dumadaloy. Maraming bulaklak sa paligid at nagpadagdag iyon sa ganda nito. May naglalakihang kahoy at may net sa taas para hindi madumihan ang lupa. "Masyadong maganda ang lugar na ito." Humahangang sabi ko dito. "Yes and iilan lang ang nakakaalam sa lugar na ito." Napatango ako sa sinabi nito. Wala ka nga namang makikitang mga tao dito. "No wonder it is your favourite place.." Saad ko bago ako nagpatuloy sa pagtingin tingin sa paligid. Meron ring mga ibon dito. Kung tutuosin hindi talaga ito matatawag na isang garden dahil mukhang gubat na ito pero may fountain ba sa gubat? May mga upuan din dito kaya masasabi kong isa talaga itong pasyalan. Patuloy parin akong naglalakad ng makaramdam ng pagod kaya pinili kong umupo muna sa pinakamalapit na upuan. Nakita kong papalapit na si Triton dito habang may dala dalang tubig at camera. Nang makalapit sa pwesto ko ay ibinigay agad nito ang tubig na agad ko namang ininom. "Salamat.." Tumango ito bago ihinarap ang Camara sakin kaya agad akong ngumiti. Hindi ako mahilig magpa picture pero sayang ang view kaya papatulan ko na lang. "God! You're beautiful.." Anito habang tinitignan ang shots kanina. "Thank you!" Nakangisi kong sabi dito bago humiga sa bench na inuupuan ko. Medyo nasisilaw ako sa init na tumatagos mula sa kahoy na siyang nagsisilbing panangga ng init ng araw pero hindi na ako nag abala pang tabunan ang mukha ko at pinabayaan nalang ito bago ipinikit ang mga mata. Naramdaman kong umupo si Triton malapit sa may ulohan ko at ilang sandali pa ay wala na akong nararamdamang sinag ng init ng araw. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ang kamay ni Triton na nasa nasa itaas mukha ko para hindi ako masyadong mainitan. "Mangagawit ka..'' sabi ko dito. "May bayad to." Napangiwi ako sa sinabi nito. "Ano?" "Sa susunod ko na sisingilin." Sagot nito na ikinatawa ko. Damn this man! "Okay.. Utang nalang muna ngayon." And we laugh at that. "Mahal ako maningil Rexella. Sinasabi ko sayo." Kinabahan ako sa sinabi nito. Maghihirap ata ako ng wala sa oras nito. May companiya ako na minana ko sa mga magulang ko pero mukhang maghihirap parin ako sa sinabi nito. Wait.. gaano ba kamahal? "Hindi naman ako mamumulubi dahil sa utang ko right?" Tumawa ito sa sagot ko. "Nah.. Marami akong pera kaya iba nalang" Bakit pakiramdam ko nagyayabang lang 'tong lalaking 'to? "Oo na. Mayaman ka na" tamad kong sagot dito Iginala ko ang mga mata ko at may nakita akong puno ng bayabas hindi kalayuan mula dito sa pwesto namin "Triton marunong ka bang umakyat ng punong kahoy?" Nagtataka itong tumingin sakin "Ofcourse." "Sigi nga. Akyatin mo 'yong puno ng bayabas doon" itinuro ko kong nasaan ito "Kunin mo yung bunga ha? Yung hindi masyadong hinog." Tumayo na ako at naunang naglakad papunta sa puno. "Wala tayong kutsilyo" Sabi nito na ikinatawa ko  "Anong gamit ng ngipin natin?" "Hindi na ba natin babalatan?" Anak mayaman nga. "Fresh naman kaya okay lang siguro?" Patanong kong sagot na ikinalito ng mukha nito. "Umakyat ka na nga lang." "Catch this baby." Sabi nito habang akmang ihahagis na ang bayabas sakin. "I'm not a baby" "Yes you are." Umirap ako sa sinabi nito. Ayan na naman po ang pagiging feeling close niya. "I am not and will you please give me that guava now?" Naiinis na ako ah. I maybe look like a baby to him but I don't care. I'm really hungry now. "Catch baby.." sabi nito sabay hagis sa bayabas na agad ko namang nasalo. Pinunasan ko lang ito gamit ang panyo na nasa bulsa ng pantalon ko at akmang kakagat na ng nagsalita si Triton. "Baby ito pa" Sinalo ko ang inihagis nito at nakita ko itong tumalon na para makababa habang may hawak na dalawang bayabas sa kamay nito. Bumalik kami sa kinauupuan namin kanina at doon kumain. Nagmumukha kaming si Adan at Eba nito. Tahimik lang kami habang kumakain at nang matapos na ay humiga ulit ako pero sa pagkakataong iyon ay sa hita na nito ako nakaunan. Hindi narin gaanong nakakasilaw ang araw dahil mag aalas tres na ng hapon, hindi ko namalayan ang oras. "Baby hindi ka ba naiilang?" Tanong nito "I mean hindi ka ba nag-aalala na baka saktan kita or something?" "Hindi." Tinignan ko ito at nakita itong nakatingin saakin habang ang mga kamay nito ay humahaplos sa buhok ko. "Magaan ang loob ko sayo and if sasaktan mo ako" ngumiti ako dito "matagal mo na sanang ginawa." Ibinalik ko na ang tingin sa mga naglalakihang puno. Ramdam ko na nakatitig parin ito sakin kaya inaya ko na itong umuwi. Iba na ang t***k ng puso ko, kailangan ko atang magpa check up. Nakainom naman ako ng gamot pero bakit parang aatakihin ako sa bilis ng pagpintig nito? Napagod ata ako. "Dito ka na kumain mamaya." Aniya ng nasa harap na kami ng Unit ko. "Okay.." Lumipas ang mga araw at halos dalawang linggo na kaming magkaibigan at halos dalawang linggo narin akong nakikitira sa bahay ni Triton. Umuuwi nalang ako kapag gabi na o kaya naman ay oras na para uminom ng gamot pero most of the time dito na ako naka tambay. And now. Gusto naming kumain ng cupcake pero parihas kaming walang talent sa paggawa no'n kaya we ended up watching tutorial video on how to bake cupcakes. Corny right? Mabuti nalang at completo ang gamit sa kusina nito. Naka ready na lahat pati mga ingredients. Nasa kalagitnaan na ako ng paghahalo ng bigla itong magtanong. "Baby.. is that right?" Napangisi ako sa tanong nito. "Ofcourse!" "That doesn't look like a cupcake to me." Natawa ako sa sinabi nito. Paanong hindi eh hindi pa nga nalalagay ang tubig. "Just watch." Sabi ko nalang dito. Nang matapos ko itong e mix ng maayos ay inilagay ko na ito sa lalagyan nito at inilagay sa oven. Sana lang hindi masunog. Wala akong alam sa pag bi bake. "What now?" Tanong ng magaling Kong kasama na kanina pa sunod ng sunod sakin. "Hintayin nating maluto." Walang nakalagay kung ilang minuto ito doon sa oven bago maluto dahil mas mainam daw na tusukin ko nalang ito ng toothpick para malaman kong luto na ba ito. Umupo ako sa lamesa mismo at pinagmamasdan si Triton na parang tanga. Tingin ng tingin sa loob ng oven dahil baka daw masunog ito. "Triton stop it." "Triton." "Triton Gonzaga!" Lumingon ito saakin ng  buong pangalan na nito ang ginamit ko. Lumapit ito agad saakin at naglalambing na yumakap. We're this sweet, daig pa ang may relasyon. "You should call me baby now. Para fair." What? "Ahuh? Baby damulag ka na." Ngumuso ito sa sinabi ko. Oh please.. hindi ako madadala sa paganiyan ganiyan mo Triton. "Baby naman.." natawa ako ng mas lalo itong ngumuso. Simula ng kumain kami ng bayabas hindi na ito tumigil kaka baby sakin. Iba ata naging apekto ng bayabas na iyon at naging ganito si Triton. Niyakap ko ito at isinandal ang ulo sa dibdib nito. Yes, oo na pareho na kaming feeling close but I feel safe with him. Pakiramdam ko wala akong sakit na dinadala kapag kasama ko ito. Minsan ko nang pinangarap na magkaroon ng kaibigan at mukhang mas hihigit pa doon 'yon ngayon. I want this kind of feeling forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD