Huminga ako ng malalim at tumingala sa matayog na hospital na siyang pinakaayaw kong pasukin.
''Romero's Hospital here I am, again.."
Pumasok ako dito at agad ko nakita ang Tito ko na may kausap na babae kaya dumiritso na ako sa opisina nito.
Naalala ko bigla ang pasabunot sakin ng babaeng kasama ni Triton dito mismo sa Hospital na 'to. Umirap ako. Pasalamat siya sobrang nanghihina ako nung panagong 'yon dumagdag pa ang mga alaala ko sa pamilya ko.
I really miss them..
Umiling ako at pumasok na sa opisina ni Tito.
Walang tao dito dahil nga nasa baba si Tito kinakausap yong babaeng kasama ni Triton noon kaya ako lang mag isa dito.
Akmang uupo na ako ng biglang pumasok si Tito. Ngumiti ako dito at lumapit para magmano.
"Tito--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang lumitaw ang babaeng kausap nito kanina.
"What are you doin' here?" Tanong nito. Ngumiti ako dito bago sumagot.
"Monthly check up ko."
Umirap ito bago ako nilampasan at umupo sa sofa na siyang uupuan ko na sana kanina.
"Kristina diyan ka lang muna" sabi ni Tito at bumaling sakin "Halika."
Umupo ako sa harap ni Tito habang nagsimula na ito sa pagsuri sakin.
"Mas maganda ang t***k ng puso mo ngayon compara noong nakaraan." Napangiti ako sa sinabi nito.
Ibig sabihin lang nito ay masaya ako nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na masyadong naaalala ang mga nakaraan ko dahil nandiyan si Triton.
Pero hindi ako pwedeng maging sobrang masaya dahil masama ito sa puso ko kaya kailangan ko ring limitahan ang saya ko.
Sakit sa puso ang pinakamahirap labanan. Pagtumigil ito sa pagtibok mawawala ka sa mundong ito at ang pinakamasakit pa ay yung alam mong may maiiwan ka at may masasaktan ka.
Noong una aminado akong takot akong mamatay kahit na wala akong maiiwanang taong nagmamahal sakin.
I crave for love kaya hanggang hindi ko ito ulit nararamdaman 'yon hinding hindi ako makukuntento sa kung ano man ang meron ako.
At mas lalo lang lumala ang takot ko ngayon dahil dumating si Triton sa buhay ko.
Triton makes me happy and ayaw kong maiwanan ito. He's my bestfriend and he doesn't have any idea about my damn heart.
I don't want to be selfish but I want to be happy kaya hindi ko sinabi dito ang tungkol sa puso ko. Ayaw kong iwanan ako nito pagnalaman niya iyon.
"Rexella? Are you still listening?" Napahawak ako sa puso ko dahil sa gulat ng magsalita si Tito.
"Y-yes tito.."
Tumango lang ito habang mariing nakatitig sakin.
Huminga ito ng malalim bago ipinagpatuloy ang pag che-check sa t***k ng puso ko.
At nang natapos na ay nakangiti akong lumabas ng hospital. Ni hindi na ako nagpaalam sa babaeng sa pagkakaaalam ko Kristina ang pangalan.
Bahala siya diyan.
"Baby where the heck have you been?" Bungad saakin ni Triton pagkabukas ko ng pintuan.
Pumasok ako sa at nilampasan ito. Nakangiti parin ako habang pakanta kanta.
Papasok na sana ako sa kwarto ng biglang may yumakap sakin mula sa likod.
"Baby answer me. Tinatawagan kita pero hindi mo naman sinasagot and I was worried as fvck." Sabi nito na nagpangiti sakin
Humarap ako dito at yumakap "I'm here and I'm okay so don't worry na okay?"
Tumango ito at hinalikan ako sa noo. God I'm so so happy right now.
Nagpapasalamat ako at hindi na ulit ito nagtanong kong saan ako galing at bakit nawala ako bigla kanina.
Bumitaw ako dito at pumasok na sa kwarto para magbihis.
Ng makalabas ako sa kwarto ay wala na ito doon kaya pumunta ako sa unit nito para e chech kung nandoon ba siya.
Hindi na ako kumatok may susi naman ako eh. Binigay niya yung duplicate ng susi nito kaya binigay ko na rin yung akin.
Normal paba iyon?
"Triton.." tawag ko dito.
"Baby I'm here!" Sigaw nito galing kwarto nito kaya pumunta ako doon.
"Oh my freaking cow! Oh my god!" Tumalikod ako dito ng makita itong hubad barong nakahiga sa kama.
"what?" Natatawang sabi nito.
"Magdamit ka nga!" Nahihiyang sabi ko dito.
Sa halos araw araw kong pagpunta dito ay ngayon ko lang itong nakitang hubad. Nahihiya ako.
Tumawa ito at Mayamaya pa ay nagsalita na.
"Nakadamit na."
Humarap ako dito at naglakad palapit sa kaniya pagkatapos ay mahina itong hinampas sa balikat.
Tumawa ulit ito at niyakap ako. Itong lalaking ito makalapit lang ako sa kaniya nangyayakap na. He's always sweet.
"Triton. Nakita ko yong babae na kasama mo sa hospital kanina." Sabi ko dito.
He just shrugged and continued hugging me from the back.
"Triton what if magalit siya ulit sakin?"
"Bakit naman siya magagalit?" He asked
"Dahil magkaibigan tayo?" Patanong kong sagot.
"Chill baby. Hindi ko siya kaano ano para magalit sayo."
"Okay?" Hindi ako kumbinsado sa sagot nito.
"Anyways. I'm hungry. Can you cook for me?" Tanong ko dito.
He smiled at hinalikan ang noo ko "Gladly."
Tumawa ako at umupo na sa kama nito habang siya naman ay lumabas na para magluto.
Parang kamakailan lang nag-iisa pa ako. Ngayon I have Triton na. I'm not alone anymore.
Pansin ko lang na parang mas naging extra sweet and caring sakin si Triton. I mean he's always sweet but not this sweet but I'm happy about it though. I want him like that so I dont have a problem about it.
Pero problema ko lang ay yong babaeng kasama nito noon.
Okay, Rexella stop.
Baka mapano na naman ako. My heart is doing good lately so I won't let this though wreck me.
Triton Gonzaga
Nangingiti ako habang nagluluto ng pagkain para kay Rexella ng may biglang kumatok sa pintuan kaya hininaan ko muna ng stove para pagbuksan kung sino 'yon.
Bumungad saakin si Kristina na nay dala dalang paper bag na kung hindi ako nagkakamali ay mga pagkain.
"Hi babe." Malanding sabi nito at hahalikan na sana ako sa pisngi pero agad akong humakbang paatras.
"Why are you here Kristina?" I calmly said
Ngumiti ito at pinaglandas ang daliri sa mukha ko.
I know that she's hitting on me but I'm into someone now. Natatagalan ko lang naman ang kalandian nito dahil sa kapatid ko.
"Triton." Tawag ni Rexella na kakalabas lang sa kwarto nito.
"Tapos na ba--" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng makita si Kristina sa harap ko.
Nagulat nalang ako ng biglang sinugod ni Kristina si Rexella na nakatulala lang samin kanina.
"Ikaw babae ka. Malandi ka talaga! Anong ginagawa mo dito sa bahay ng boyfriend ko ha!?"
Akma na sana nitong sasampalin si Rexella pero agad ko itong napigilan. Oh God! Why is she acting like my girlfriend?
"Kristina stop!" Marahas kong sabi dito.
Tumingin ito sakin na para bang hindi nakapaniwala sa sinabi ko.
"You want me to let her be with you?" Natawa ako at hinigpitan ang hawak kay Rexella.
"You aren't my girlfriend"
"Oh? Really?" Ngumisi ito at bumaling kay Rexella na nasa tabi ko. "Triton just promise me that he'll marry me after fvcking me to the core!"
What is she saying?
Humarap ako kay Rexella na maputla na ngayon.
"Baby it's not true. I didn't promise her anything and we didn't do what she said."
Hindi ito nagsalita at nakatingin lang sakin. "Baby I swear! Hindi ako nakipagtalik sa babaeng 'yan"
I am so fvcking nervous now.
"Oh? You're his baby now? I thought it was me." Kristina said.
Blangko ko itong tinignan. I'm mad now. Really mad.
Nakita kong natakot si Kristina sa paraan ng pagtitig ko dito.
"Excuse me." Sabi ni Rexella bago ito dumaan sa gilid ko at lumabas na. Hahabulin ko pa sana ito pero nakalabas na ito.
Tinignan ko si Kristina. "I suggest you get out of my house before I do something stupid now!"
Takot na takot na kung titignan si Kristina ngayon pero wala akong pakialam.
"OUT!" Sigaw ko dito na agad naman nitong sinunod.
What am I gonna do now? Siguradong hindi pa ako kakausapin ni Rexella dahil sa nangyari.
Oh God! What should I do?
Rexella Morgan
Hindi ko alam bakit nasasaktan ako ngayon. I'm not his girlfriend so why am I hurting?
Napakapit ako sa lamesa ng mas sumakit pa ito. Kailangan ko nang uminom ng gamot.
Kinuha ko ang gamot ko na nakatago sa hanging cabinet at uminom na bago ibinalik din agad.
Laging nakatago ang gamot ko dahil baka makita 'yon ni Triton at malamang may sakit ako.
Dahan dahan akong naglakad papuntang kwarto ko. I need to rest. Baka mapano ako dito kung patuloy kong iisipin ang nangyari kanina.
I'm not mad at him. Lumabas lang ako kanina dahil nasasaktan ako sa nalaman ko and he's not mine kaya wala akong karapatang magalit.
But I'm still hurt and I dont know why.
Pati paghiga ko ay dahan dahan rin at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod at sa sakit ng dibdib ko.
Nagising lang ako ng may naramdamang humalik sa noo ko. May Idea na ako kung sino iyon.
Minulat ko ang mga mata ko para tignan kung sino iyon at tama ang hinala ko.
"Triton why are you here?" Tanong ko dito. Hindi na ako ganoong nanghihina hindi katulad kanina.
But I'm still hurting.
"Baby can we talk?"
Tumango ako at umupo paharap dito.
"Are you mad?" Tanong nito kaya umiling ako.
"Baby. Hindi totoo ang mga sinabi nito kanina. I am no one's boyfriend" Tumango ako dito bago yumuko.
"I'm not mad" sabi ko dito. Huminga ito ng malalim.
"Really? Because I'm having this feeling that you'll leave me because of what happened earlier" marahan ang boses nito na para bang ayaw na dagdagan ang galit ko.
"I told you Triton. I'm not mad." Mahinang sagot ko dito.
"Wala akong karapatang magalit" nagsisinula na namang sumakit ang dibdib ko pero hindi ako nagpahalata. Baka malaman nito ng wala sa oras ang sakit ko.
"Then be mine baby. Be my girlfriend."