Chapter 26 Napatakbo si Cheng ng ipatawag siya ni Marcus sa pribadong opisina nito sa loob ng barko. May naging problema daw kasi ang kanyang cake na ginawa kanina at may nagrereklamong VIP client ayon kay Marcus Iyon ang isa sa pinaka-kinakatakutan niya dahil maari siyang matangal sa trabaho kung sakaling may mag reklamo tungkol sakanilang mga sineserve na pagkain or worst ma-apektuhan pa ang cruiseline Nanginig ang tuhod niya dahil marami raw VIP clients nila ang nag reklamo dahil napaka-alat raw ng kanyang ginawang cake. May mga nasuka at sumakit ang ulo dahil unang subo palang raw ng cake na iyon ay talaga namang nakakapanakit ng ulo Ngunit ang sabi ni Marcus na-ayos na nito ang mga nagrereklamong VIP client except for one. Ayaw raw tumangap ng bayad sa danyos ng client na ito. Gu

