Chapter 38 "Ram baka tulog na si Toby?" Pabulong na sabi ni Cheng kay Ram habang nasa tapat sila ng condo unit ni Toby. Nakahawak siya sa braso ni Ram habang kumakatok naman ito. "Baka nagtatampo yun. Kaya ngayon na tayo mag sorry" Bitbit ni Ram ang isang paper bag na may lamang chinese food na paborito ni Toby Ngunit limang minuto na sila doon ay hindi parin nito binubuksan ang pinto "Eh kaso baka tulog na siya baby--" Pinihit ni Ram ang door knob kaya bumukas ang pinto ng condo unit ni Toby. "It's open" Nakangising sabi ni Ram bago ito pumasok sa loob ng condo unit ni Toby "Naku baby baka magalit pa yun si Toby. Pumapasok tayo dito ng walang pasabi" Sita niya kay Ram dahil nagtuloy tuloy ito sa pagpasok sa loob Walang tao sa buong condo unit ni Toby kaya naisipan ni Ram na dumi

