Chapter 36 Pagdating ni Cheng sa recording studio ay naabutan niyang maraming reporters sa labas ng building na iyon. Pag-aari iyon ni Ms.Helen. Mukhang ang hinihintay ng mga reporters ay ang kanyang asawa. Lumapit siya sa mga tao upang makisiksik sa mga ito. Ngunit naipit siya sa mga ito ng magkagulo ang mga ito dahil palabas ng recording building si Ram Hoffman. Agad na nag unahan ang mga reporters upang makalapit kay Ram. Nakitakbo rin siya dahil gusto niya mismo magtanong sa kanyang asawa "Ram Hoffman!" Nagkakagulo ang mga reporters kung sino ang unang mag tatanong kay Ram. Nakakunot ang nuo ng kanyang asawa mukhang nagmamadali rin ito "Excuse me--I don't have time for this" Sabi ni Ram habang pinagkakaguluhan ito ng mga reporters. Mukhang nagmamadali ito. "Ram totoo bang nag

