🔞PROLOGO
HIRAYA
Ang maliit na kubong nakakabit sa klinika ng Royal Physician ay hindi pa kailanman nakaramdam ng ganitong kasikipan.
Ilang ulit ko nang nilakad ang buong silid, mula sa isang dulo patungo sa kabila, hanggang sa halos kabisado ko na ang bilang ng aking mga hakbang. Mula sa makitid na bintanang tanaw ang hardin ng mga halamang-gamot, patungo sa mga istanteng puno ng tuyong ugat at bote ng salamin, at pagkatapos ay pabalik sa mesa kung saan nakatiwangwang ang tatlo kong hindi pa natatapos na tala.
Patuloy akong naghahanap ng dahilan upang kumilos, para bang ang patuloy na paggalaw ay sapat upang patahimikin ang mga isipang walang tigil na umiikot sa aking ulo mula nang marinig ko ang balita.
Babalik na si Gytha Dayangwati, iyon lang ang naiisip ko.
Ang aking madrasta.
Ang babaeng gumugol ng mga taon sa pagtiyak na hindi ako magkakaroon ng buhay na higit pa sa itinakda niyang nararapat sa akin. Ang babaeng sumira sa aking pagkakataong mag-aral ng medisina sa ibang bansa. Ang babaeng mas gugustuhin sana na tuluyan akong kitilin kung hindi nakialam ang aking ama, at ngayon ay babalik na siya sa Mayari.
Ang mas malala pa, pinili ng Hari ang kanyang anak na babae, si Giselle, upang maging asawa ni Alric sa hinaharap.
Humigpit ang kapit ng mga daliri ko sa gilid ng mesa nang bumukas ang pinto sa likuran ko, hindi ko na kinailangang lumingon dahil alam ko na kung sino iyon.
Pumasok si Alric nang walang imik at isinara ang pinto sa likuran niya. Nakasuot pa rin siya ng maitim na pormal na barong na suot niya sa palasyo, ang gintong burda ay sinasalo ng mahinang liwanag mula sa mga lamparang langis. Bahagyang magulo ang kanyang blonde na buhok, na parang ilang beses niya itong pinadaanan ng kanyang mga daliri habang papunta rito.
Tinawid niya ang silid at umupo sa upuang kahoy sa tabi ng aking mesa. Patuloy akong naglalakad pabalik-balik, sinusubukang panatilihing abala ang aking sarili, ngunit ramdam ko ang kanyang mga mata na sinusundan ang bawat galaw. Wala siyang sinabi, at kahit papaano, ang katahimikang iyon ay lalong nagpakaba sa akin.
"Bakit ka natatakot?"
Natigilan ako dahil nanikip ang lalamunan ko sa kanyang tanong.
"Sino ba ang hindi?" mahina kong tanong. “Ang babaeng dating nagnanais sa aking kamatayan ay muling magbabalik sa palasyo. At sa pagkakataong ito, hindi na siya bilang kaaway, kundi bilang ina ng babaeng itinakdang maging kabiyak ng Prinsipe ng Korona.”
Tumigas ang ekspresyon ni Alric.
“The Viscountess will not touch you.” Paalala niya sa akin gamit ang isang matigas na Ingles.
"Hindi mo maaaring masigurado iyan."
"I do." sagot niya habang mariining nakatitig sa akin.
"Hindi mo magagarantiyahan iyan." Tumayo siya mula sa upuan, at umatras ako bago ko pa napigilan ang sarili ko.
Napansin niya, siyempre napansin niya. Lumambot ang kaniyang expression, at sa sandaling iyon, hindi na siya mukhang Crown Prince na kinatatakutan ng buong kingdom. Para lamang siyang lalaking nakilala ko sa mga tahimik na oras kung kailan walang ibang nakakakita sa amin. Ang lalaking nakakita sa akin na natatakot, galit, pagod, at mahina, ngunit hindi kailanman itinuring na kahinaan ang mga iyon.
“She will not lay a hand on you,” sabi niya. "Hindi habang nandito ako. Hindi niya mahahawakan kahit pa ang buhok mo. Hindi ka niya sasaktan."
"Paano ka nakakasiguro?" Nanginig ang boses ko sa kabila ng pagsisikap kong pakalmahin ito. "Lalo na ngayon? Papakasalan mo ang kapatid ko."
Mapait ang lasa ng mga salitang iyon sa bibig ko.
Tahimik siya nang ilang sandali bago lumapit.
"Maaari ko siyang pakasalan."
Umiwas ako ng tingin at itinuon ang paningin sa kabilang direksiyon.
"Pero alam na alam mo na hindi siya ang babaeng nagmamay-ari ng puso ko."
Nanatili akong tahimik, hinayaan ang bigat ng mga salita niya na maghari sa pagitan namin. Wala akong maibibigay na sagot na hindi maglalantad ng higit pa sa nais kong ipakita.
"Hiraya."
Naglaho ang tibay na pilit kong hinahawakan.
Nangilid ang luha sa mga mata ko, at kinamuhian ko ang sarili ko dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko mapigilan.
“You are.”
Napatingin ako sa kaniya at sinalubong ako ng kulay-karagatan niyang mga mata. Para akong unti-unting nilulunod ng mga iyon, tahimik na inuutos sa akin na sumuko at magpabihag na sa kaniya.
“You are the heart I cannot command myself to surrender.”
May isang luhang tuluyang kumawala bago ko pa man ito napunasan.
Nagbago agad ang ekspres'yon ni Alric nang makita iyon. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko, maingat at marahan, na para bang baka lalo akong mabasag kapag masyadong mahigpit ang kaniyang paghawak.
"Ayoko nang makita kang umiiyak."
Tinangka kong bawiin ang kamay ko, hindi dahil gusto kong lumayo sa kaniya, kundi dahil alam kong kapag hinayaan ko siyang aliwin ako, mas lalo kong mararamdaman kung gaano kasakit ang lahat ng ito.
"Kung gayon, huwag mo akong bigyan ng dahilan para umiyak."
Umigting ang kanyang panga.
"Hindi ko sisirain ang pangako ko sa iyo."
"Anong pangako?"
"Na poprotektahan kita."
Nanginig ang aking mga labi, ipinapakita ang emosyong pilit kong itinatago.
"Maghahanap ako ng bahay para sa atin sa Sugidanon. Sa isang tahimik na lugar, sa isang lugar na walang mag-iisip na tumingin, at hindi tayo kailanman ibubunyag ni Matthias kung matutuklasan niya ang katotohanan."
Tinitigan ko siya.
Napakatatag ng pagkakasabi niya noon na mas lalo akong natakot. Mas madali sanang tanggapin ang isang lalaking nagdadalawang-isip kaysa sa isang lalaking nagsasalita na para bang kaya niyang ayusin ang isang hinaharap na hindi naman niya kontrolado.
"Naisip mo na ba kung ano ang ibig sabihin ng pamumuhay ko nang ganito?"
Nagsalubong ang mga kilay niya, parang nabigla siya sa tanong na iyon.
"Ang gugulin ang buong buhay ko bilang sikreto mo?" bulong ko. "Ang panoorin kang nakatayo sa tabi ng ibang babae habang tinatawag siya ng buong kaharian na asawa mo? Kikilalanin nila ang mga anak niya bilang iyo. Ibibigay nila sa kanya ang lahat ng pagmamay-ari ng isang Reyna."
Napakahirap lunukin ng mga salitang iyon.
"At ano ang mangyayari kung magkaanak tayo?"
Sa unang pagkakataon, wala siyang agarang sagot, at ang katahimikang sumunod ay mas masakit kaysa sa anumang salita na maaari niyang sabihin.
"Hahanap ako ng paraan," sa wakas ay bulong niya.
"Hindi mo maipapangako 'yan."
"Maaari kong ipangako na susubukan ko."
Itinaas niya ang kamay ko sa kanyang mga labi, at hinalikan ang aking mga daliri.
"Kapag ako ang naging Hari, hahanap ako ng paraan para madala ng ating mga anak ang aking pangalan. Sisiguraduhin kong hindi sila kailanman tratuhin na parang isang bagay na dapat ikahiya."
Lalo pang napuno ng luha ang mga mata ko. Dapat ay gumaan ang pakiramdam ko sa pangakong iyon, pero hindi, mas sumakit lamang. Dahil alam kong napakaraming bagay ang kailangang mangyari bago niya iyon matupad, mga bagay na wala sa kamay namin at hindi namin kayang kontrolin.
"Pero sa ngayon," sabi niya, "kailangan mong magtiwala sa akin."
Pinikit ko ang aking mga mata.
Tiwala.
Iyon ang isang bagay na pilit kong hindi ibigay sa kanya. Ngunit sa tuwing titingin siya sa akin nang ganito, sa tuwing lalambot ang kanyang boses at nawawala ang mga pader sa paligid ng Prinsipe ng Korona, naaalala ko ang init na natagpuan ko sa kanya noong nawala ang aking ina.
Pinahid ng kanyang hinlalaki ang luha sa aking pisngi.
"Tingnan mo ako."
Binuksan ko ang mga mata ko.
Hinila niya ako at ipinaupo sa kaniyang kandungan habang marahang hinahalikan ang aking sentido, saka ang pisngi kong basa pa ng luha.
Ipinikit ko muli ang aking mga mata, hinayaan ang aking sarili, sandali lang, na kalimutan ang palasyo, ang Korona, si Giselle, si Gytha, at lahat ng naghihintay sa amin sa kabila ng mga pader na ito.
Nang sa wakas ay dumampi ang kaniyang mga labi sa akin, hindi ako umurong. Sa halip, hinayaan kong lamunin kami ng sandaling iyon, isang sandaling napakadaling kalimutan ang lahat, maging ang katotohanang pagsapit ng bukas, hindi na lamang kami ang magpapasya kung saan kami dapat naroroon. Ang bukas ay pag-aari pa rin ng Korona.
Naramdaman kong gumalaw ang kanyang mga daliri sa pagitan ng aking mga hita. Parang malabo ang aking mga mata dahil sa isang nahihilong sensasyon na umiikot sa loob ng aking ulo. Habang dumadampi ang kamay niya sa gitna ko, naramdaman ko ang bahagyang pagkurba ng labi niya sa kalagitnaan ng aming halikan. Siguro naramdaman niya kung gaano na ako kabasa para sa kanya.
Lumunok ako nang mariin bago siya muling hinalikan, sa pagkakataong ito’y wala nang pag-aalinlangan at puno ng pagnanasa. Dahil alam kong walang katiyakan ang naghihintay sa amin sa hinaharap, gusto ko munang kalimutan ang lahat ng maaaring mangyari bukas.
"You really like me touching you here," bulong niya sa mga labi ko.
Umungol lang ako, ayaw kong aminin nang malakas.
Natutunaw ako sa ilalim ng kanyang haplos, natunaw sa sobrang init niya. Pinilit kong imulat ang aking mga mata, desperado akong igapos ang sarili ko, ngunit ang bawat madulas na pagdaan ng kanyang mga daliri ay nagdulot ng matalim at hirap na paghingal na pumipigil sa aking lalamunan.
"Makasarili ba ako para gustohin ka...?" tanong ko, ang aking boses ay humihingal at paos.
Nawala ako sa mundo dahil sa lalim ng aming halikan. Ang mapang-akit na laro ng kanyang dila sa loob ng aking bibig ay sabay sa ginagawa niya sa akin sa ibaba. Pero agad akong nabalik sa realidad nang dahan-dahang maglakbay ang kanyang mga daliri sa aking p********e.
Ano kaya ang mangyayari sa akin kung mabubunyag kami? Paano kung malaman ng mga tao na may relasyon ako sa Prinsipe Korona?
Agad na napawi ang lahat ng nasa isip ko nang mahigpit niyang idiin ang kanyang palad sa akin. Nawala ang paligid, ang natira na lang ay kaming dalawa, ang nag-aalab niyang init, at ang aming naghahabol na paghinga sa tahimik na silid. Dahan-dahang binabaybay ng kanyang mga daliri ang aking lagusan habang ang manipis na tela ng aking kamison ay sumasayad sa aking balat, na lalong nagpapabaliw sa akin sa pagnanasa. Ramdam ko ang lakas ng kanyang mga bisig na nakakulong sa akin, isang tahimik na pangako ng proteksyon na kapwa mapang-akit at mapanganib.
Isang mahinang ungol ang dumaan sa aking mga labi.
"Ahh.."
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko na lamang na lumulunok siya nang mariin habang hinahalikan ako. Bumaba ang kanyang mga labi sa aking leeg, at doon ko lang napagtanto na natanggal na pala niya ang aking apron at maluwag na ang likod ng aking gown. Ang haplos ng kamay niya sa akin ay nakakakilit at walang preno. Lalo akong naggigil kaya mas ginalaw ko ang balakang ko para sumalubong sa kamay niya, marahas na kumiskis sa kanyang palad habang tuluyang umaapaw ang sarap sa loob ko.
"Alric..." bulong ko,
"D*mn..."
Doon ko napagtanto kung bakit. Napakagat-labi ako nang maramdaman ko ang matigas na umbok sa aking inuupuan. Kahit naka-slacks siya, dahan-dahan niyang itinaas ang suot kong gown para ilantad ang aking chemise. Nagsisimula na akong gumiling at sumalubong sa kanya, at nararamdaman kong lalo siyang nanggigigil.
Ginabayan niya ang aking bewang, dinala at isinentro mismo sa nag-iinit niyang ari.
Ginalaw ko ang aking katawan na tila sumasayaw sa ritmo ng aming mga mahinang ung*l. Isang matinding bugso ng napakasaráp na rurok ang biglang gumapang at sumabog sa buong katawan ko. Napakagat-labi ako nang mariin para lang pigilan ang malakas na ung*l. Napadaing siya nang malalim nang mapansing nilabasan ako sa palad niya.
“As long as I am alive,” bulong niya, mabigat sa damdamin ang kaniyang boses, “you will always be my heart.”
Dahan-dahang dumampi ang kanyang ilong sa aking leeg.
"Hiraya—"
Nabigla ako nang marinig ko iyon, kaya pinilit kong itulak ang sarili ko palayo at agad na tumayo, habang pilit na inaayos ang gusot kong damit at apron, ngunit huli na ang lahat.
Nang tumingin ako sa pinto, ang nanlalaki at gulat na mga mata ng isang hindi inanyayahang bisita ang sumalubong sa akin.
"C-Crown Prince..."