"ANASTHASIA MARIE MELODY CRUZ!" sigaw niya.
Tawang-tawa parin ako sa naging ekspresyon niya samantalang siya ay tulala parin na hindi ko maintindihan ang hitsura kaya pinatay ko na ang tawag.
7:30 na at asa harap na ako ng gate. Medyo natanghali ako dahil sa paghihintay ng message ni Bryle at nakatulugan ko na ito at hanggang ngayon ay wala parin siyang message. Ang kupag nakalimutan na atang may magsyang siyang girlfriend. Hindi na bale, itetext ko na lang siya.
To Sungit:
Good morning baby, nasa school na ako. Don't skip your breakfast. Ingat ka sa pagpasok mo, I love you so much:*
Napangiti ako sa message ko, ang sweet ko namang girlfriend. Kinikilig tuloy ako.
Nakailang hakbang palang ako nang biglang tumunog ang messenger ko.
Si Jarred pala ang nagchat sa gc. Ang baby ng barkada.
Messenger
The kupalogs
Send ko lang pics nyo kahapon ate@Anaesthesia
Mommy Kitikiti: Wow. Sana all
Kikiam: Wow. Sana all(2)
Xander Ford: Kay agang nakakabitter
Clinick ko ang sinend ni Jarred. Napangiti ako sa nakita ko. Ang sweet naman ng kaibigan ko.
It was a picture of me and Bryle. Kahapon iyon noong kinuhannya niya kami ng litrato. Nakaakbay sakin si Bryle habang nakayakap naman ang braso ko sa baywang niya at nakangiting nakatingala sa kaniya. Naghahalong kulay kahel at dilaw naman ang langit dahil sa papalubog na araw.
It was a perfect shot indeed. Thanks to my friend.
Anaesthia replied to Red bunsay: Thank you Jarred. Ang ganda ng kuha mo!
Anaesthesia replied to Mommy Kitikiti: Loka! Kumain lang kami.
Mommy Kitikiti: Hindi ako naniniwala na kain lang.
Kikiam: Hindi ako naniniwala na kain lang(2)
Xander Ford: Hindi ako naniniwala na kain lang(3)
Ryan Bang Bang Bang: Hindi ako naniniwala na kain lang(4)
Marimar aww: Hindi ako naniniwala na kain lang(5)
Justin Barbar: Hindi ako naniniwala na kain lang(6)
Red bunsay: Hindi kayo nagkainan?
Marimar aww replied to Red bunsay: Parang mas bet to!
Nasapo ko na lamang ang noo ko. Ang aga-aga kung ano-anong pinagsasabi. Baka kulang sa kkain
Alas-tres na ng hapon nang makatanggap ako ng reply galing kay Bryle.
From Sungit:
Sorry for the late reply. Sobrang busy. Ingat ka rin, I love you!
Hindi na ako nagreply dahil baka busy na naman sya sa school works.
Wala na rin naman kaming klase ng 4-5 kaya sasama nalang ako sa mga kaibigan ko. Nagkayayaan kaming pumunta na lamang sa plaza para tumambay sa isa sa mga favourite place namin.
Malayo pa lang sa kainan na lagi naming pinagtatambayan ay nanliliit na ang mga mata ko sa lalaking nakatalikod sakin.
Kilalang-kilala ko ang likod na iyan, siguro noong una ay nagkamali ako at napagkamalan ang iba pero ngayon siguradong-sigurado na ako. Natigil lang sa panliliit ang mata ko nang kalbitin ako ni K-m dahil medyo lumagpas na ako sa pagtatambayan.
Isa itong kainan na pang meryenda kaya mabenta at nasa gilid lamang ng plaza.
"Mel, anong gusto mo?" Tanong ni Phoebe Marie Ocampo
"Kung anong sayo, iyon na rin sakin" walang gana kong sagot.
"Ay okay po ma'am. Sige po ma'am" aniya kaya nangiti na lang ako.
Muli kong sinulyapan ang lalaking naka white polo uniform, black slacks at balck shoes. Nakikipagtawanan siya sa kaharap na babae na hula ko ay classmate niya. Pasiring kong pinasadahan ng tingin ang babae. Straight ang buhok na hanggang baywang. Hapit na hapit ang uniform na nakatuck sa above the knee skirt uniform with white high socks and black shoes. Pink ang labi habang may hawak na milktea sa kanang kamay at cellphone sa kaliwa. Natural ang kagandahan dahil bukod sa lipstick ay wala ng iba pang kolorete sa kaniyang mukha.
Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba ay busy siya sa school? Don't tell me... Agad akong umiling sa naisip. Hindi naman siguro dahil alam kong hinding-hindi niya iyon magagawa.
Iniwas ko ang tingin at napadpad ang mga mata sa sariling dibdib. Hindi masiyadong malaki pero di hamak na mas malaki ito kaysa sa kaniya. Bigla kong naalala ang ginawa kagabi, bigla nalang nag init ang pisngi ko kaya napapaypay sa sarili gamit ang kamay.
Basta mas maganda ako sa kaniya.
Nilibot ko ang paningin sa mesang napili namin. Kumpleto kaming lahat. Si kit na busy sa pag-order, si K-m na nagseselfie, si Ryan, Jarred at Alexander na busy sa cellpphone.
Nagulat ako nang nasa harap ko na si Bryle na nakangising aso. Agad naman akong nakabawi at nairap nang todo.
"Hey,” he approached me.
"Hey mo mukha mo." sabi ko at inirapan na naman siya.
Hey hey. Akala ko ba busy siya? Eh anong ginagawa niya dito?
Akma niyang hahawakan ang braso kong nakacross sa aking dibdib kaya sinamaan ko pa ang tingin ko.
*Click*
Napalingon ako kay Jarred pero itong si Bryle kumag ay walang pakialam at parang natutuwa pa.
"Bakit kaba nandito? Akala ko busy ka?" Tanong ko gamit ang malambing na tono. Oo na, ako na marupok. Wala pang isang oras ay heto ako na parang ako pa ang nanunuyo.
Pero kung tutuusin, wala naman talaga siyang kasalanan bukod sa hindi niya sinabing pupunta silang plaza dahil maski ako ay hindi na nagsabi.
"Wala kasi 'yong prof namin kaya naisipan nilang lumabas, sumama na rin ako.” He explained.
Napatango ako. Hindi gaya sa amin na malapit lang sa plaza, sila ay nasa tatlong baranggay pa ang madadaanan mula sa kanilang school papuntang plaza.
"Ilapit mo 'yang upuan mo dito." and with that, sinunod niya ang utos ko.
Para akong tuta pag siya ang kasama ko. Gustong-gusto ko ang yumayakap sa kaniya dahil naaamoy ko ang mabangong pabango niya. Lalaking-lalaki.
Niyakap ko siya. Ang aking mukha ay nasa dibdib niya na habang sinusuklay naman niya ang buhok ko ng daliri niya. Napangiti ako, masyado kaming PDA.
*Click*
Haynako Jarred!