Episode 3

1061 Words
"Ang bango mo babe" puri ko habang sinisinghot-singhot pa ang uniform niya. "Hmmm?" Niyakap niya rin ako at hinalikan sa noo. "DITO NA UNG FOOD GUYS!" Sigaw ni Phoebe kaya napabalikwas ako sa harap ng lamesa. Kanina pa ako nagugutom. "Akala ko kanina pa dumating ung food. Nag-umpisa na kasing magkainan ung iba dyan" Jarred said kaya natawa ang iba. Habang kami naman ni Bryle ay patay malisya. Kalalapag palang ng Burger and fries sa harap ko ay agad kong tinulak ng bahagya si Bryle. Kain muna bago landi. "Gutom na gutom ang baby ko" bulong ni Bryle at mahinang natawa. Ngumuwi na lamang ako at sinubuan siya ng fries. *Click* "Niceeeeeee" bulong-bulong naman ni Jarred. Sabay nalang kaming napailing ni Bryle. "May nagchat sayo babe" sabi ko nang umilaw ang cellphone niyang nasa gilid ko at lumitaw ang pangalan ni Chadler na classmate/bestfriend niya. "Dude uuwi na kami, sasabay kaba?" Basa ko nang mahina. "Uwi na raw kayo" dagdag ko pa. "Uhh, can I go na ba? Uuwi na kami" "Okay lang, sabay kana sa kanila para may kasama ka" ngiti ko dahil 4:50 na rin ng hapon at maya-maya ay uuwi na rin kami. "I'll call you mamaya" he said and kissed my forehead. I smiled sweetly. Gusto ko pa siyang makasama. Nagpaalam na rin siya sa mga barkada ko na uuwi na. Nang makalabas na sila ng plaza ay napatingin ako sa mga kasama ko. Busy ang lahat sa pagkain. Galit-galit ang peg. Minsan nagkwekwentuhan ang iba ngunit hindi sapat iyon upang mahinto ang isip kong maglayag. Gusto ko pa siyang makasama pero ayaw ko lang masiyadong magpaka-clingy. Anniversary na namin next month, February 14 to be exact at 18th birthday ko rin iyon. Nasa kalagitnaan palang ako ng magmumuni-muni ay kinalabit na ako ni K-m. "Uy te uwi na tayo" aniya kaya wala akong nagawa kundi ang tumango. "Ay ang tamlay naman te" "Wala na ung jowa eh" sabat naman ni Jarred. Hindi kami kasyang lahat sa isang tricycle kaya ang iba ay sa kabila. Kasama ko sina K-m at Jarred sa loob habang si Ryan ay nasa likod ng driver nakapwesto. Pagkarating sa bahay ay bagsak sa kama ang katawan ko. Habang nakatulala sa kisame kong may butiki na tapat na tapat sakin ay naalala ko ang research paper namin. M-W-F ang schedule at 8-10 iyon ng umaga kaya't sobrang nakakadrain talaga at susunod doon ay Philosophy na puro discussion kaya sobrang nakakasakit ng ulo at nakakawala ng energy. Napabuntong hininga nalang ako nang naalalang ako nga pala ang ginawang leader ng teacher namin. Kasabay ng mariin na pagpikit dahil sa naalalang iyon ay kasabay ng paghulog ng maliit na bagay sa kanang pisnge ko. Naman! Lintik na butiki. Hindi ko na kailangan kumpirmahin dahil sa amoy nito at medyo malamig dahil bagong labas. Nang hindi imunumulat ang mata ay kinapa ko ang wet wipes sa study table kong malapit sa kama. Haaaay pesteng butiki. Wag ka lang magkakamaling magpahuli sakin dahil ipriprito talaga kita! Nagising nalang ako bigla. Nakabukas ang kurtina ng kwarto ko kaya't masasabi kong umaga na dahil maliwanag na. Ganoon parin ang posisyon kagabi, suot parin ang uniform at nasa kamay parin ang wet wipes. Wala na akong suot na black shoes. Siguro ay inalis ni mama. Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras, sht 7:30 na at 8 ang start ng klase. May 5 misscalls galing kay Bryle at 10 messages pa na hindi ko alam kung galing kanino. Malamang ay kay Bryle iyon. Walang sabi-sabi ay hinablot ko nalang ang twalya ko at agad na naligo. Malelate na ako sa cookery class! Hindi pwedeng malate dahil pag nabadtrip ang teacher namin ay nilolock ang pinto dahil sa maraming nagpapalate sa klase niya. Sa loob na ng tricycle ako nag- ayos. Binun ko nalang ang buhok kong basa dahil wala na akong panahon para magsuklay. "Good morning" bati ni kuya Guard. "Good morning po" tipid akong ngumiti at lakad takbo ang ginawa papuntang laboratory at classroom rin namin at the same time. Literal akong nanghina nang makita ang mga barkada kong nasa lounge. Sarado ang classroom sa diko alam na dahilan. Wala bang klase? Sht lang. Hindi na nga ako nakakain nong inaya ako ni mommy. Adobo pa naman ang ulam! Nanghihina akong lumapit sa lounge kung nasaan ang barkada at iba pang estudyante at lumapit kay Jarred na may hawak na donut. Pabaon siguro ng mama niya sa kaniya. Hinablot ko iyon sa kamay niya nang akma na niyang isusubo kaya't imbis siya ang kakagat ay ako nalang ang kumagat at lumayo na sa pwesto niya at lumapit nalang kay K-m na may hinihigop na hot chocolate sa mug. "San galing tong mug?" "Dala ko yan girl" "San ka kumuha ng mainit na tubig?" "Ah sa canteen. Nagkakape kasi kanina ung ibang teachers kaya nakahingi ako" "Wow naman" "Oo nama girl. Malakas to!" Saad niya kaya natawa na lamang ako. Habang umiinom ng mainit na tskolate ay saka ko lamang naalala ang cellphone ko. Kahit anong halughog sa bag ay wala. Naiwan sa bahay. Naman! Ang malas. Wala akong ginawa maghapon kundi ang magfocus sa discussion dahil Earth and Science ito at bobo talaga ako kaya kailangan ko talagang magfocus. Gusto ko nang makauwi at matawagan si Bryle. Baka nagtataka na iyon dahil wala akong morning message sa kaniya. Lagi ko kasi siyang pinapaalalahanan tuwing umaga na kumain bago pumasok. Sa wakas ay uwian na! "Guys una na ako" saad ko winawagayway ang kamay sa ere at nagmamadaling lumabas ng room. "HOY CLEANERS KA!" Sigaw ng class president naming epal. Napapikit ako ng mariin. Naman talaga! Pasado 6 na nang makarating ako sa bahay. Pinag floorwax pa kasi kami at pinagbuhat ng gawa sa kahoy na upuan para ibalik sa dating pwesto ng class president naming epal. Pagkatapos magmano sa magulang kong nasa sala na nagkakape ay mabilis akong pumanhik sa kwarto. Pagtingin ko sa phone ay wala manlang message ni isa. Binuksan ko ang data baka kasi nagchat pero wala. Active 5 minutes ago. Hindi ko alam kung bakit pero may parang bukol sa lalamunan ko. Ang hirap lumunok. Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa nagbabadyang mga luha. Napaupo nalang ako sa kama. Parang pagod na pagod ako. Physically and mentally. "Wala manlang text or chat?" Tanong ko sa sarili ko. Napanguso na lamang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD