Episode 10

1818 Words
"Kinakabahan ako ng slight" I said, rubbing my palm against his. "Hindi naman masiyadong malamig ang kamay mo" puna niya at mas lalong hinigpitan ang paglapat ng kaniyang palad sa akin. "Kaya nga slight diba" pambabara ko. Pinapairal na naman ang kamalditahan. Nanggigigil naman niyang pinisil ang aking ilong habang pigil ngiti na lamang ang aking nagawa. "Pasalamat ka mahal kita" bulong niya. "Maraming salamat Bryle Sy" malambing kong saad sa kaniya. Ngumiti naman siya at ipinagpatuloy ang pagpipisil sa kanan kong kamay upang ibsan ang nararamdam kong kaba. Effective naman ito dahil bahagya akong kumalma dagdag pa ng paminsan-minsan niyang paghalik dito. May dugo siyang koreano. Halata naman iyon sa medyo singkit niyang mga mata. Ang papa niya ay Half korean at ang mama niya ay Filipina. Maikling message lang galing sa aming principal at mga Brgy. Kagawad bago nag-umpisa ang program. Bawat section ay dapat mayroong contestant sa pagkanta at pagsayaw. Naaalala ko ang mga bilin ni ma'am kanina habang nagprapractice kami ng sayaw. 7-9 kami nagpractice dahil kasasabi lang rin ng principal ang about sa singing and dancing contest. Ang mananalo ay may premyo. Kaming four Marias ang napili sa para sa dance contest dahil naka-costume na kami. Ang sasayawin namin ay ang How you like that ng Blackpink. Nag-umpisa na nga ang program. By grade level ang pagkakasunod-sunod kaya kami ang last na sasayaw. Lahat ay magagaling kahit na mga grade 7. Hindi halatang panandalian lang ang practice na inilaan. Feeling ko ay ang mga sinama ay iyong mga magagaling talaga o di kaya ay fan ng kpop dahil kadalasan sa mga sinasayaw ay sayaw ng Blackpink at Twice. Buti na lang at wala pa namang sumasayaw ng How you like that. Kinakabahan talaga ako nang slight. Buti pa ang tatlong Maria ay chill chill lang at paminsan-minsan ay naghe-headbang pa na para bang wala lang sa kanila ang pagsayaw sa harap ng madla. Last na ang sumasayaw ngayon na Grade 11 TVL. Ang sinayaw nila ay Kill this love ng Blackpink. Buti nalang at blink ako kaya alam ko ang steps ng How you like that. Tinulungan ako ni Bryle kanina na alisin ang suot kong pakpak kaya ready na akong tumayo. Pati na rin ang tatlo ay ready na para bang matagal na nila itong pinag handaan at ako lang ang hindi na-inform tungkol dito. "Good luck baby. Kaya mo 'yan. Ivivideo kita" Bryle said and kissed my right cheek. Hindi na inaalintana ang mga tao sa aming paligid. "Thankyouuuu" natatawa at naiilang ko namang tugon dahil pakiramdam ko ay maraming mata ang nakamasid sa aming dalawa. Pagkatawag na pagkatawag sa Grade and section namin ay agad na kaming tumayong apat. Gaya ng napractice ay aakyat kami ng stage nang magkakasunod-sunod na linya. Ang sabi pa ni ma'am ay ifeel namin ang paglakad habang ume-entrance. Mukhang effective naman ito dahil mas malakas ang hiyawan ng mga manonood kumpara kanina sa mga naunang nagperform. Si Bakla ang nasa unahan. Si K-m ang pangalawa habang si Phoebe ang pangatlo at ako ang nasa dulo kaya't kahit papaano ay nawala ang kabang kanina pa nagpaparamdam. "GO ATE K-M" "GO FOUR MARIAS" "ATE ANASTHASIA MELODY MARIEE" "PHOEBE CRUSH KITA ATE" "I LOVE YOU MELODY" Iilan lang ang mga iyan sa mga sigaw ng mga audience. Lalo na ang mga nasa lower grades na lalaki na mabilis magkagusto dahil lamang sa kanilang nakikita. Ang mga babae naman ay isinisigaw kung gaano nila kagusto at kanilang pag-iidolo kay K-m. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil pasok na pasok talaga si K-m sa mga girl crushes. Nang makaakyat na sa stage ay pumwesto na kaming apat. Inihahanda ang mga sarili sa pang malakasang performance. Mula naman sa kinaroroonan ko ay kitang-kita ko si Bryle na nakangiti nang malawak habang hawak ang cellphone pero nasa akin ang kaniyang paningin. Ngiting-ngiti siya na parang proud na proud sa akin. Nginitian ko siya at nagthumbs-up naman siya sa akin na para bang sinasabi niya you're doing a great job! Nang nag-umpisa na ang music ay gumalaw na rin kami. Smooth lang ang paggalaw namin habang naglilip-sing na akala mo ay nasa isang music video. Doing something with confidence really hits different. Gaya ng sa practice kanina ay nasunod ang fierce look namin. I didn't expect that the audience will go this wild kahit pa usong-uso ang mga kanta ng blackpink ngayon. Panay ang hiyaw ng mga audience kaya't mas lalo kaming ginaganahan. May mga nagwawagay-way ng tela sa ere at nagpupok-pok ng mga plastic bottles na may lamang bato sa sahig upang lumikha nang mas malakas na ingay. "Wild ng audience" rinig ko pang sambit ni K-m kaya natawa kami. Kahit pala siya ay hindi ito inasahan. Nang dumating na sa chorus ay mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. Ang mga Brgy. Kagawad ay napapatakip na rin sa tainga. May mga estudyante pang sumasabay sa music at ang iba naman ay sumasayaw na rin. Kahit busy sa pagsayaw at pag-indak, hindi nakatakas sa mata ko ang mga teachers sa likuran ng mga nagkakagulong estudyante sa kanilang harapan dahil sa energetic nilang pagsusuporta sa amin. Hindi tuloy magkamayaw sa pagsasaway ang mga teachers dahil hindi nila kami mapapanood ng maayos. Mula rin sa stage ay kitang-kita ko si Chadler na ngiting-ngiti katulad ni Bryle habang nakatutok ang phone kay Phoebe? "GO PHOEBEEEEE" Sigaw pa niya. Bahagya namang natawa si Phoebe. Todo parin ang pagsayaw naming apat. Kailangan naming manalo dahil may price na nga kaming makukuha ay sagot na rin ni ma'am ang buo naming section sa outing. Sa aming apat nakasalalay ang libreng pagkain at entrance sa resort na binabalak naming pag-outingan. Sayang naman iyong price kaya't susulitin na namin ang pagpeperform. It's like hitting a two birds with one stone. Nang matapos ay nagpose muna kami sa harap ng mga Brgy. Kagawad para na rin sa mga audience. Malakas ang natanggap naming mga palakpakan at ang mga iba ay sumisigaw pa ng 'idol' 'lupet' 'ang galing'. Natawa na lang ako pati na rin ang tatlo. Hindi talaga namin inasahan ito. Alam kong sa loob loob nila ay gusto nilang sabihin na "Ako lang 'to" o di kaya ay "kami lang 'to" pero dahil sa sobrang hindi pag-eexpect, wala tuloy kaming masabi. Naghawak-hawak kami ng kamay at sabay-sabay na nag-bow sabay ngiting tagumpay. Pinagtuogtog ulit ang music para sa exit namin. Ganoon parin ang linya namin pero this time, mas confident na kaming naglalakad. Kung kanina ay maganda lang ang lakad, ngayon ay maganda ang lakad habang ngiting-ngiti at kumakaway-kaway pa na para bang isa kaming malaking grupo o sikat na artista at kumakaway sa mga fans. Turo iyon sa amin ni ma'am para raw mas lalong matuwa ang mga judges. Sinalubong ako ni Bryle at inakbayan. Naramdaman ko pang hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo. Kagat labi na lamang ang tangi kong nagawa sabay mahinang kinurot ang kaniyang tagiliran. *Click* Si Jarred na naman na ngiting-ngiti na nasa harap na namin. Ni hindi ko namalayang nakatutok na pala sa amin ang kaniyang cellphone. "Pawis ako," bulong ko kay Bryle. Iyon naman talaga ang totoo at nakakahiya namang maamoy niya pa iyon. "I'm proud of you. You did great today." marahan niyang bulong sa kanang tainga ko saka hinawakan ang aking baba upang ipatingala sa kaniya. Kung wala lang masyadong nakatingin sa amin ay baka hinalikan ko na siya. Mabuti na lamang at kaya ko pang pigilan at ilugar ang kalandian kong taglan. Hinawakan ko nalang siya sa baywang. Mamaya nalang ang kiss. "Hi mga ates" bati ni Jarred upang makuha ang aming mga atensyon. Lahat sila ay magagandang ngiti ang bungad sa amin na para bang napaka-laking bagay ng aming ginawa. Kumaway naman silang tatlo sa kaniya. Ipinapakita kung gaano sila kasaya at kaproud sa aming performance. Ngumiti na lamang ako. "Ang galing niyo sa performance niyo!" Pagpupuri niya. "Thank you baby Jarred" sagot naming apat. Nasa likod niya ang iba pang boys at ngiting-ngiti rin. By their smiles, I can tell that they are proud of us. Dapat lang naman iyon dahil bukod sa magaganda ang kanilang kaibigan, may talent pa sa pagsasayaw. Nasa iisang linya lang kaming nakaupo lahat. Si Bryle ay nasa kanan ko habang si Chadler ay nasa tabi ni Phoebe. Mukhang nagkaka-igihan na nga ang dalawa kahit na kanina lamang nagkakilala. Iba talaga pag speed ang ginagamit panlaba sa mga damit. Dinig na dinig sa video ang tawa nilang dalawa ni Chadler. Busy ako sa panood ng videong kinunan ni Bryle kanina. Sa akin lang talaga nakafocus ang kaniyang camera. Ang ngiti ko ay mas lalong lumawak nang marinig ko ang sinabi ni Bryle. "That's my girl" mahinang aniya pagkatapos tumawa. Yes. I'm your girl, Bryle Sy. Habang inaanounce ang nanalo sa singing contest ay busy parin ako sa panonood ng vinideo ni Bryle kanina. Repeating the video all over again because I love to hear what he says that I am his girl. He sounds so proud of having me as his girlfriend. Ang galing. Pati ako ay nabibilib sa aming apat. Ang paggalaw at paglip-sing namin ay natural na natural lang na para bang sanay na sanay kami sa ganoon. Natigil lamang ako sa panonood nang biglang binanggit ang four Marias. Kami 'yon ah? "Bakit daw?" Tanong ko pa kay Bryle na kanina pa pala nakatingin sa akin. "Nanalo kayo" aniya habang ngiting-ngiti. Nagugulat akong napatingin sa tatlo na nakatayo na at nakatingin sa akin. Hinihintay na lamang ang aking pagtayo mula sa kinauupuan. Kung siguro ay ordinaryong araw lang ito ay naiinip na sila pero ang tatlo ang ngiting-ngiti rin. Napa-wow na lang ako at tumayo. Akala ko ang grade 11 ang mananalo dahil parehas lang naman ang audience impact na nakita ko kanina. Nangi-ngiti na rin akong tumayo. Pagka-akyat sa stage ay naroon na si ma'am. Nauna pa sa amin na para bang siya ang aawardan. Siguro ay speed user din si ma'am. Hawak na niya ang envelope na kung saan ay naroon siguro ang premyo namin. Inabot sa akin ni K-m ang envelope since ako ang nasa gitna. Dumating na ang epal naming president na nakakunot ang noo habang itinatapat sa amin ang kaniyang camera. Bakit galit? Pagkatapos ay nagrequest rin ang mga Brgy. Kagawad na magpapicture. Ngiting-ngiti naman kami sa kanila since sa kanila galing ang price na matatanggap namin. Pati ang mga ibang teachers ay sumama. Napansin ko rin si sir Miguel na nasa likuran ni Phoebe. Makikita parin naman siya dahil matangkad siya. Pagkatapos ng picture-picture at nakabalik na kami sa upuan. Wala na si Bryle at ang sabi ni Chadler ay bumili lang daw. Nagpapay-pay ako gamit ang kamay ko sa sobrang init. Natigil lang ako ng may dalawang kamay na humarang sa paningin ko. Bottled water at milktea. Napatingala ako. Kay Bryle galing ang Bottled water habang milktea naman ang hawak ni president habang nakakunot na naman ang kaniyang noo. Anong mayroon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD