Favorite milktea ko iyon at ganoon rin ang ibinigay niya noong nakaraan. Wala naman akong maalala na na nagpabili ako sa kaniya kaya't napatingin na rin si Bryle kay president.
"Uh, paabot naman kay K-m. Hindi ko kasi siya mahanap" nag-aalangang aniya. Bakit hindi n lang siya mismo ang mag-abot kay K-m?
Luminga-linga pa siya at nagliwanag ang mukha nang makita si K-m sa harap ng aming booth na nag-aayos ng aming mga paninda.
"Ako nalang pala mag-aabot" saad niya at ngumiti ng mapait. Agad siyang umalis sa aking harap at pumunta kay K-m kung nasaan siya naroon.
Inabot ko na lang ang bottled water kay Bryle. Agad din siyang naupo sa tabi ko habang pinapanood ako.
"What?" Asik ko nang makalahati ko na ang tubig. He was looking at me curiously. Para bang mayroon siyang gustong itanong.
"Sino 'yon?" He asked. Reffering to our class president.
"President namin," tipid kong sagot habang inaayos ang kilay niyang nagsasalubong na. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.
Tumango lamang siya at nanahimik sa tabi ko at nagcellphone. Hindi rin nagtagal ay bigla na lang siyang tumayo at inaya ako papunta sa aming booth. Siguro ay titingin ng mga paninda.
May mga kaunti pang natira kung bibili man siya. Siguro ay ipapasalubong niya kay tita.
"Diba ayaw ni tita ng butter cookies?" Takang tanong ko nang napansing butter cookies ang hawak-hawak niya. Sa ilang beses na akong nakapunta sa kanila ay mas naging close kami ng kaniyang mama. Madaldal siya at halos ata ng mga bagay na tungkol sa kaniya ay nakwento na sa akin.
"Para kay Sab . Naalala ko kasi na gusto niyang sumama dito pero may long quiz daw sila kaya ang sabi niya ay bilhan ko na lang siya" paliwanag niya nang hindi tumitingin sa akin.
Hindi ko alam na ganoon na pala kalalim ang pagkakaibigan nilang dalawa.
Tinignan ko siya nang mariin at nagcross-arms. Ipinapayag na nagdududa na ako sa aksyong kaniyang ginagawa at ipinapakita. Pero dahil busy siya sa cookies ay hindi niya makikita ang nakamamatay kong tingin.
"Close talaga kayo no?" nagmama-ang ma-angan kong tanong.
"Oo. Pamangkin kasi siya ni Ms. Claire kaya naging close kami sa kaniya" simple at maikling sagot niya.
"Itong chocolate cookies na lang kanila mama?" Tanong niya at tumingin na sa akin habang hawak ang cookies. Hinihintay ang sagot ko mula sa kaniyang tanong.
"Mama mo?"
"Mama natin. Kay mama mo at mama ko," nakangiting saad niya.
Tumango na lang ako. Kung hindi niya nabanggit ang pangalang Sab kani-kanina lang ay siguro kanina pa ako kinikilig dito ngunit hindi ko na nagawa.
Binilhan niya ng tatlong box ng chocolate cookies si mama at pati na rin si tita. Isama na rin ang Isang box ng butter cookies para kay Sab. Wala sakin?
Napakamot na lang ako ng ulo sa naisip. Sympre naman Melody si mama na nga ang binilhan eepal pa ba ako?
Nang uwian ay tumulong muna kami sa pagliligpit sa booth namin. Si Bryle at Chadler ay pinauna ko nang pinauwi dahil mahirap ang sakayan lalo na pag-uwian. Baka gabihin pa sila sa pag-uwi.
Habang nililigpit ko ang mga kalat sa sahig ay naagaw ng atensyon ko si Phoebe na nakaupo lamang habang nakalalay ang mga balikat. Para siyang namatayan sa hitsura niya. Saka ko lang napansin ang hawak niyang tatlong hugis puso na lalagyan ng mga cookies na paninda namin.
"Bumili ka pala niyan?"
Agad naman siyang umiling at inilahad sa akin ang isa kaya kinuha ko naman. Masama ang tumatanggi sa grasya.
"Ito iyong binili ni sir Miguel kanina. Binigay niya sa akin," matamlay niyang sagot.
Napatango-tango ako nang nahagip ng paningin ko si sir Miguel na nakatingin kay Phoebe. Pakiramdam ko ay nakita niyang inabot sa akin ni Phoebe ang ibinigay sa kaniya.
"Ah ayaw ko nito. Bumili si Bryle kanina para kanila mama at papa eh," rason ko dahil iyon naman talaga ang totoo bukod sa nahihiya akong nakita ako ni sir Migs.
"Ganoon ba, Sige iuuwi ko nalang lahat ito." matamlay parin niyang saad saka isinilid ang mga cookies sa bag niya. Hindi ko alam kung anong mayroon pero hindi na ako nag-abala pang umusisa dahil halatang-halata sa kaniya na wala siya sa mood sa kahit anong bagay.
Nakakatamlay ba talaga ang pagtanggap ng cookies sa Valentine's?
Hindi ko naman alam dahil hindi naman ako binilhan ni Bryle.
Pagkarating ko sa bahay ay busy na busy si mama at papa sa kusina. Ni hindi nga nila namalayan ang pagdating ko dahil sa todo ang focus nila sa kanilang mga ginagawa.
Si mama ay gumagawa ng fruit salad habang si papa naman ay busy sa pagligpit ng mga rekados para sa kung anong lulutuin nila para bukas. Bilib din naman ako sa kanila dahil nagpreprepare na agad.
Para akong tangang nakangiti habang pinapanood silang dalawa. Ang swerte ko taalga sa kanilang dalawa. Nagulat pa si mama nang bigla ko siyang akapin mula sa likod.
"Thanks my" I whispered.
"Aysus ang baby namin naglalambing" natatawang sabi.
Si papa naman ay lumapit sa amin at nakisama sa yakapan. Ang swerte ko sa mga magulang ko.
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nagpapaulan ng halik sa aking mukha. Maaga naman akong nakatulog kagabi dala na rin siguro ng pagod pero feeling ko ay kulang parin ang tulog ko.
"Good morning babe. Happy anniversay and happy birthday" nakangising Bryle ang bumungad sa akin habang may hawak-hawak na bouquet ng iba't-ibang klaseng chocolates.
Agad akong napa-upo galing sa pagkakahiga at napatakip sa bibig.
Nagtataka namang tumitig sa akin si Bryle.
"Bad breath pa ako" nahihiya kong saad saka nag-iwas ng tingin. Narinig ko naman ang tawa niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Happy Anniversay" he whispered sweetly ang kissed my forehead.
Labag naman sa loob kong tinanggal ang kamay kong nakatakip sa aking bibig.
"Happy Anniversay" I said and kissed his right cheek. I hugged him back and he hugged me tighter.
Agad na kaming bumaba para makapagtooth brush ako walang banyo ang kwarto ko. Ganun nalang ang gulat ko nang makita ang kusina naming puno ng tao. Ang buong barkada ay nandito at tumutulong sa pagluluto kanila mama at papa.
Si Chadler ay nasa tabi ni mama habang naghahalo ng kung anong niluluto nila. Si Jarred at K-m ay busy sa pagbalat ng mga rekados habang si Phoebe at bakla ay nakatoka sa pagi-slice.
"Good morning beautiful" masiglang bati ni Chadler nang mapansin ang aming presensiya. Ang aga-aga ngunit napaka hyper na ng kaniyang awra.
"GOOD MORNING SENYORA" sabay-sabay na bati ng tatlong Marias.
Natatawa na lang ako umiling.
Pagkarating ko sa sala ay punong-puno ito ng balloons na kulay blue. Ang mga boys ay patuloy parin sa pag-ihip ng mga balloons. Hindi ko naman ito inexpect dahil ang alam ko ay simpleng kainan lang ang mayroon. Nag-effort pa talaga sila sa balloons at telang puti habang nakasabit ang mga letter balloons.
"Happy Birthday" bati ni Alexander habang palapit sa akin. Niyakap niya saglit at sumunod pa ang ibang boys. Ang huli ay si Jarred. Saka ko lang napansin ang mga box ng mga regalo dahil natatakpan ng mga balloons.
Nagtulong-tulong kami sa pagluluto. Iba't-ibang putahe ang niluto ni papa dahil para talaga sa pananghalian ang handaan. Kaunting picture picture lang at nang matapos ay saka lang ako inutusan ni mama na magtawag sa kapitbahay. Sa likod ng bahay kami nakapwesto ngayon kung saan nandito ang mini garden ni mama na katabi ang kubo. Pwedeng matulog sa loob dahil kumpleto ang gamit at sa tingin ko ay kasya ang limang tao sa sahig nito at pwede ring matulog sa mismong upuan. Presko ang hangin dahil nasa lilim kami ng puno.
Suot ko parin ang sleeveless red dress at black heels. Nakacurl ang dulo ng aking buhok na bumagay sa aking bangs. Ang sabi kasi ni K-m ay wag na muna daw akong magbihis. Hindi pa ako tapos ko kumain nang naramdaman ko ang kanang kamay ni Bryle sa baywang ko. Tapos na siyang kumain at ngayon ay ang panonood naman sa akin ang inaatupag. Gwapong-gwapo siya sa suot niyang button down shirt.
Tinaasan ko siya ng kilay nang titig na titig parin siya sa akin.
"Ang ganda ng girlfriend ko" mahina niyang sabi.
Natawa naman ako ng mahina at isinumping ang buhok.
"Ako lang to Bryle" natatawa kong sagot saka ipinagpatuloy ang paglamon.
Nang matapos kumain kinamusta kami ni papa saka nag-abot ng hindi ko alam kung anong klaseng alak. Busy ako sa chocolate cake na dala ni Bryle habang silang lahat ay nag-iinuman. Pati si K-m at Phoebe ay nakikipag-inuman na rin. Ang mga boys ay nagkwekwentuhan lang tungkol sa kung saan at minsan ay babae pa ang pinag-uusapan.
Napatingin ako kay Bryle na nasa kaliwa ko na tumatawa habang ang kanang kamay ay pinapaikot-ikot ang basong may lamang ice. Ang kaniyang kanang kamay ay nasa baywang ko parin. Bahagya akong lumapit para makabulong.
"Wag ka masiyadong uminom baka malasing ka. Magagalit si tita"
Tumango lamang siya at nagpatuloy sa pakikipag-kwentuhan. Nang maubos ang alak ay nagbigay ulit si papa hanggang sa nakapang-apat na silang bote.
Lahat sila ay lasing na pwera nalang sa akin na isang baso lang ang nainom. Para na silang baliw lalo na si Jarred na hindi ko malaman kung umiiyak ba o tumatawa. Kanina pa siya maraming sinasabi pero K-m lang ang naintindihan ko. Siguro ay gusto niyang kausapin si K-m pero ang gusto niyang kausap ay mahimbing nang natutulog sa upuan habang katabi si Phoebe na mahimbing na rin ang tulog.
Si Bryle ay kanina pa tulog sa balikat ko habang ang bestfriend ay nababaliw na talaga. Kanina pa siya kumakanta at sumasayaw habang hawak ang bote ng coke na ginawa na niyang mic. Kasama na niya si Jeyk-Marie na lasing na rin. Nakaakbay sa kaniya si Chadler at nagduduet pa sila. Si Alexander, Justin at Ryan ay tuwang-tuwa sa panonood at pumapalakpak pa.
8:30 pa lang at kung tutuusin ay maaga pa. Kung sabagay, maaga rin nagsimula ang inuman. Nagulat ako at napatingin sa kararating na si president. Gulat rin siyang napatingin sa mga kasama ko.
"Lasing na sila," pang-pupuna ko kahit na obvious naman at nakikita niya rin ngunit hindi ko pa rin sabihin.
"Hindi ko tinatanong," pambabara niya at nagbalik ng tingin kanila K-m.
Napairap na lang ako sa ere. Ano ba kasing ginagawa ng unggoy na yan dito? Nakakunot na naman ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin bago tumingin kay K-m. May gusto ba ito kay K-m? at baka ako pa ang sisihin na lasing na si K-m.
"Sabi ni tita ipasok ko na muna raw si K-m at Phoebe sa kwarto mo," kunot niyang sabi habang inuumpisahan nang akayin si K-m. Magprepresinta pa sana akong tulungan siya ngunit parang kayang-kaya naman niya kaya't hindi na ako nag-abala pa.
"Hindi ko tinatanong," balik kong pambabara sa kaniya.