Kabanata 50 - Gunner

2111 Words

Gunner Patuloy ang paglaban nila sa mga zombies. Sinigurado nilang matatamaan ang kanilang mga ulo para hindi na sila mabuhay pa ulit. Gamit ang lahat ng kanilang kakayahan ay pinuksa nila ang mga ito. Iyon ang alam nilang paraan upang mamatay sila. Habang pinupuksa naman ay naghahanap sila ng mapagtataguan. May mga gusali silang nadaanan, tindahan, kainan at kung ano-ano pa. Pero ni isa roon ay hindi puwede dahil may mga zombies din sa loob niyon na agad ding humahabol sa kanila. Sabik sa kanilang laman. Napapamura si Skip sa isip niya dahil hindi na niya alam ang gagawin bukod sa naunang plano. Pagod na silang puksain ang walang katapusang mga zombies na ito. Parami nang parami ang sumusunod sa kanila dahil naaagaw nila ang atensiyon ng bawat isa sa mga iyon. Takbo rito, takbo roon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD