Evidence (Note: A little sensitive chapter) Nagsilapitan sila sa bagay na tinuturo ni Skip. Hinatak niya si Chanel palayo roon pero nakita pa rin iyon ng dalaga. "Don't look, Chanel!" Pero nagpumilit si Chanel na makalapit sa tinitingnan nilang lahat. Napangiwi siya sa nakita. Halos lahat sila ay napakunot ang noo. Bakas ang gulat at pandidiri sa lahat. Napapailing si V na hinatak na rin palayo si Spice. Naiiyak namang yumakap ito sa binata. Hindi niya kasi maiwasan ang maging emosyonal. Nakakaawa ang lagay nito. Hindi man lang nabigyan ng maayos na burol. Kahit papaano naman ay tao pa rin siya. Parehong nilapitan nina Pepper at Kookie ang bangkay sa harap nila. Sina Duance at Gummy ay lumapit na rin. Nasa malayo lamang si Wrap, napapailing, ayaw makita ang bangkay. Isa iyong bang

