The PillarTahimik na nagdasal sina Duance, Gummy at Wrap kasama ang mag-ama. Ilang minuto na kasi ang lumipas matapos ang malakas na pagsabog ay wala pa rin silang alam sa kung ano ang nangyayari. Hindi na mapakali si Gummy kaya kanina pa siya lakad nang lakad habang si Wrap naman ay tahimik lang sa isang gilid. Si Charles at ang kaniyang anak ay sinubukang gisingin si Helena, ang asawa at ina nila. Napatingin siya sa paligid at una niya agad hinanap ang kaniyang anak. Hindi alam ni Charles kung paano sasabihin sa asawa kaya naman niyakap na lamang niya ito. Pati si Chester ay naiiyak sa tuwing naaalala ang kaniyang kapatid at ang lagay nito bago nila iwan. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Charles kung ano ang nangyari sa anak. Matagal na niyang alam na puro patay na ang nakatira

