Journey continues "Kumusta?" tanong ng isang lalaking may kulay puting buhok sa lalaking kaharap. Napatingin si V sa nagsalita at nakita ang sarili sa kaniyang harapan. Ang pinagka-iba lamang ay kulay puti ang buhok ng kaniyang kaharap. Ang nagiging itsura niya kapag nilalabas niya ang Kagune niya. "Sino ka?" tanong ni V habang nililibot ang paningin. Wala naman siyang ibang nakikita kun'di kawalan. Puro puti lang ang paligid at nagtatapos sa kawalan. Parang nasa panaginip. Sinubukan niyang kumawala sa mga kadena na nakatali sa kaniyang mga paa at kamay ngunit hindi niya magawa. "Pakawalan mo 'ko! Sino ka ba?" Tumawa lamang ang lalaking may puting buhok sa kumakawalang si V na para bang kabaliwan ang ginagawa niyang pagkawala sa mga kadenang iyon. "Sino ako? Ako ay ikaw, V. Hindi

