Korn and the City of Fun Ang kaninang hindi nagpapansinang dalawa ay halos langgamin naman ngayon habang nag-uusap. Nakaupo sila sa hindi kalayuang upuan habang sina Duance, Gummy at Wrap ay nakatingin lamang sa monitor. Sina Skip, Chanel, Pepper at Kookie naman ay pasimpleng sumusulyap sa dalawa. Napapailing na lang ang mga pamilyar dahil sa nakikita. Parang ang tagal nilang hindi nagkita dahil sa inaasta nila. Kung magyakap sila ay parang ayaw na nilang pakawalan ang isa't isa. Kulang na lang ay umalis silang lahat at hayaan na ang dalawa na gawin ang kahit anong gusto ng mga ito. Hindi nila ito pipigilan. Basta huwag lang sila umasta nang ganoon sa harap nila. "Hindi magtatagal ay makakarating na tayo sa main land. Doon ay naghihintay na ang ilang Viperwolf na sasakyan natin at ang

