The Goddess Nakapikit lang si Taka habang palakad si Chanel sa gitna. Kabado namang nakatingin si Pepper sa dalaga. Magkadikit ang kaniyang palad at tahimik na nagdarasal. Kahit papaano ay kinakabahan pa rin siya para sa dalaga. Preso ang lalaking ito. Marami na siyang napatay kaya hindi malayong malagay rin sa kapahamakan ang kaibigan. Alam naman niyang kaya nito ang sarili pero mag-isa lang siya ngayon. Kapag tinulungan niya si Chanel ay baka hindi pa sila makaalis doon. Hindi na niya magagawang iligtas ang iba pa. Baka nga kapag hindi sila sumunod sa patakaran ay ito ang maging dahilan ng kanilang katapusan. "Huwag ka mag-alala, Pepper. Alam kong kaya 'yan ni Chanel. Hindi siya magiging isang Diyosa nang wala lang," pagpapakalma ni Taka. Tiningnan niya ang dalaga na ngayon ay nak

