Soldiers Sa kabilang pinto, kung saan pumasok sina Duance, Gummy at Wrap ay naroon ang ilang mga kawal na naghihintay sa kanila. Tila alam nila na parating ang mga ito kaya naman bigla sila nitong sinurpresa ng atake. Dahil wala silang ibang armas na dala ay kumuha sila sa mga hawak ng mga kawal. Kahit na wala silang mga sandata ay parang wala lang sa kanila ang kanilang mga kaharap. Para lang silang mga tambay sa kanto na naghamon biglaan ng away ngunit ang kaibahan ay may mga sandata sila at mga nakasuot ng pansundalong kasuotan. Ngunit gaya ng mga kawal na nakalaban nila sa barko kanina ay parang hindi sila nauubos. Sa bawat pagpalo at paghampas nila ng mga sandata ay dumarami lang silang lalo. Pero hindi iyon naging dahilan para tumigil sila. Patuloy lang sila sa pagtalo sa mga ka

