Monster "Ano 'ng ginagawa mo rito?" tanong ni V kay Kookie na kararating lang. Sabay nilang binubuksan ang mga kulungan gamit ang kanilang kakayahan. Para lang itong simpleng mga kulungan ng tao kaya hindi na sila nahirapan. Tao lang din naman ang nakakulong sa loob niyon. "Maraming salamat!" sigaw ng ilang mga presong nakalaya na. Napatingin sina Kookie sa kanila. Ang ilan ay talon nang talon dahil sa tuwa habang ang iba naman ay hindi alam kung ano ang i-rereact dahil nasa labas na sila sa wakas. Ibinalik ni Kookie ang tingin sa kaniyang pinsan. "Pinabalik ako ni Spice," simpleng sagot ni Kookie. Napangiwi pa siya bago magpatuloy sa sasabihin. "Nag-aalala sa'yo si Spice... sobra." Napatigil pa si V dahil sa sinabi ni Kookie kaya hindi maiwasan ni Kookie na pagmasdan lalo ang pi

