Meet "Tiyak na nagkita na silang tatlo sa mga oras na ito," ani Aman Sinaya, ang diyosa ng dagat. Bumuntong-hininga naman si Bathala habang nakaupo sa kaniyang trono na nasa sentro nilang lahat. "Alam kong hindi talaga natin mapipigilan ang gusto ni Sitan na makipagkilala sa kaniyang mga anak. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang nasa isip ng kapatid ko na iyon at kailangan pa niyang makipaglaban sa kanila," aniya. "Hindi rin naman ako tutol sa pakikipagkilala niya sa mga anak niya... ang hindi ko lang papayagan ay ang mapasa-kamay niya ang Gem of Hera. Kailangan nating makuha iyon sa lalong madaling panahon," ani Idianale. "Wala ka bang gagawin, Bathala? Tulad ng sabi mo, hindi mo alam kung paano siya mag-isip. Paano kung kunin niya ang gem sa mga anak niya? Alam mo namang iyon ang

