Reveals Pagkapasok nina Pepper at Kookie sa portal na ginawa ni Skip ay agad itong nawala sa kanilang likuran. Hindi na rin nila makita ang mga kaibigan nila na kanina lang ay kasama pa nila. Nakatinginan silang dalawa at nagtanguan. Nilibot nila ang kanilang paligid ngunit itim lamang ang kanilang nakita. Ang sabi kasi sa kanila ni Skip ay makikita agad nila ang mga diyos pagkapasok sa loob ng portal, iyon daw kasi ang sinabi sa kaniya ni Mr. Sato noong tinuruan siya nitong gumawa ng portal. Nang malibot nila ang buong lugar at walang makita ay parehong kumunot ang noo nila. Hindi kasi nila maintindihan kung ano ang nangyayari at kung bakit wala naman dito ang mga diyos na tinutukoy nila. "Nasaan na ba ang mga diyos? Plano ba nilang maglaro pa ng tagu-taguan bago natin matapos ang bag

