It's time "Hmmm... ugh!" panay ang ungol ang ginawa ni Skip. Para ba itong nasasaktan o nahihirapan habang natutulog sa tabi ni Chanel. Nakalilikha siya ng ingay kaya naman nagising si Chanel. Napatingin din sa gawi niya si V na hindi natutulog upang bantayan sila. "Skip..." paggising ng dalaga sa kaniya. May mga butil na rin ng pawis ang mukha nito. Agad itong pinunasan ng dalaga at patuloy na ginigising. "Ano 'ng nangyayari, Chanel?" pabulong na tanong ni V, iniiwasan na makagawa ng kahit anong ingay para hindi magising ang iba pa. "Hindi ko alam. Para kasing naiinitan siya," ani Chanel. "Skip? Gising!" Tinapik niya ang nang bahagya ang pisngi ng binata. Unti-unti namang idinilat ni Skip ang mga mata niya kaya napahinga nang malalim sina Chanel. Pinaupo nila ito para painumin ng

