To the rescue "Spice! Spice, ano 'ng ginagawa mo rito? Nasaan si Kookie? Ayos lang ba sina Skip at ang iba pa?" nag-aalalang tanong ni Pepper sa mind link nang maramdaman ang presensiya ni Spice sa loob ng ipo-ipo. "Pepper? Ayos lang sila. Inilayo na nila ang mga kasamahan natin dito. Tutulungan kita," ani Spice sa harap mismo ng ipo-ipo. Hindi niya makita mismo si Pepper pero ayon nga sa sinabi ni Kookie ay siya mismo ang hangin na ito. Ito mismo ang kapangyarihan ni Pepper... ang tunay niyang lakas. Tumiklop ang sarili niyang pakpak kanina pagkapasok niya nang hindi namamalayan. Dahil siguro iyon sa lakas ng pwersa ng ipo-ipo. Kahit naman ang normal na tao ay hindi na mabubuhay pa kapag nakapasok sa ganitong uri at kalakas na hangin. Kahit na nasa loob siya ay ramdam pa rin niya an

