Tornado "Maayos pa rin ang lokasyon natin. Walang kahit anong umaaligid na undead. Nakapagtataka rin dahil wala kaming makita. Hindi namin maiwasan ang mag-alala. Lalo na at may bata't matanda tayo," ani Gin. Masayang nag-uusap ang mga tao. Tanging sina Gin, Kookie at Skip lamang ang nag-uusap sa isang gilid habang pinagmamasdan sila. Sa buong gabi kasi ng pagpapatrol nila ay nakapagtatakang walang kahit anong undead silang nakita. Imbis na makampante ay kinakabahan pa sila. Ngayon lamang sila natahimik simula nang mangyari ang mga ito. Hindi naman puwedeng nagkataon lang ito dahil bakit ngayon? "Tama ka. Hindi tayo dapat makampante. Maraming puwedeng mangyari sa mga susunod na araw at hindi natin puwedeng isawalang-bahala na lamang ang mga nangyayari," seryosong sabi ni Kookie habang

