Mind Link "Silly. I already stopped running a long time ago. Ikaw na lang ang hinihintay kong mapagod sa katatakbo. You really took your time running. You didn't even looked back." Napanganga si Kookie habang tinititigan si Pepper. Bahagya pa siyang napapailing dahil sa sinabi ng dalaga. "Imposible..." Huminga nang malalim si Pepper at napairap sa kawalan. "Naalala mo ba ang pagsusungit ko noon kapag magkasama kayo ni Spice?" she asked. Inalala niya ang mga nangyari noon. "Hindi ko alam sa sarili ko na nagseselos na pala ako. Hindi dahil kay V, kung hindi dahil kayo ang magkasama ni Spice. Ginawa kong excuse ang pagkakagusto kay V para itago ang nararamdaman ko para sa iyo." "Nagseselos ka sa 'min ni Spice? Magkaibigan lang kami, Pepper. Isa pa, bakit naman si V pa?" "Alam ko. Pe

