Chosen "Nandiyan na naman sila," ani Gin habang hinahanda ang kaniyang baril. Nakatingin sila sa mga papalapit na undead. Para bang normal lang silang tao na naglalakad pero hindi nga lang nagsasalita. Kakaiba rin ang mga mata nila na puro itim at higit sa lahat ay naglalaway sila na parang asong ulol. "How am I suppose to fight them?" tanong ni V. "Here." Napatingin si V sa pamilyar niya na biglang sumulpot. Nalilito siyang tumingin sa kaniya dahil ngayon na lamang niya ito ulit nakita. "Tomite," ani V. Inakmaan siya nang pamilyar niya kaya napapikit siya. Akala niya ay susuntukin siya nito pero nagkamali siya. Malakas na pwersa ang inilagay niya sa katawan ni V gamit ang palad na nakalagay sa mukha nito. Napadilat si V dahil sa naramdaman pero wala namang nagbago sa itsura niya

