Chapter 13

1076 Words

Tanghaling tapat na akong nagising dahil sa pagod na nararamdaman ko sa aking katawan. At ang nagbabagang araw ay suminag sa aking mga mata mula sa kalangitan. Nasisilaw ako sa liwanag kaya tinakpan ko ng unan ang aking buong mukha. Buong gabi akong inangkin ni Kent at hindi niya ako tinantanan hangga't hindi siya napagod sa akin. Ang akala ko nga kagabi ay hihinto na siya matapos niyang maligo sa banyo. Pero nagkamali ako dahil nang pumasok ako sa banyo pagkatapos niya ay hindi na naman nito natiis ang magpainit. Kaya ngayong umaga ay para akong isang lantang gulay na hindi na pwedeng ibenta sa palingke. Kung ganoon kami palagi ay tiyak na malalaspag ako kaagad at malulusyang ng wala sa tamang edad. Maging ang buo kong katawan ngayon ay hindi ko na halos maikilos sa pagod.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD