Chapter 71

1100 Words

Akala ko kasi ay casual attire lang ang susuotin ko, pero mukhang magsusuot ako ngayon ng gown. Hinila niya ang kamay ko papasok sa loob ng boutique at napatingin ako sa kamay niyang hawak ang kamay ko. Gusto ko sanang magprotesta dahil nagsusumigaw sa karangyaan ang mga damit na nakikita ko. Kumikinang ang mga diyamanteng nakadikit sa damit at parang nakakatakot na suotin dahil sa presyong nakasabit. Isang gabi ko lang naman susuotin at ayaw kung magsuot ng napakamahal na damit para sa isang gabi lang. "Good morning, Sir Brendon. Ano po ang maipaglilingkod namin sa 'yo?" magalang nitong tanong sa boss ko at base sa tono ng kaniyang pananalita ay nahulaan ko kaagad na isa itong bakla. Tiningnan lang ako ni Sir Chad at napangiti naman ang bakla sa akin. Tila ba naiintindihan niya kaagad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD